Chapter 1. [Farrah] Alam niyang bawal at hindi tama ang namamagitan sa kanilang dalawa nang kuya Jack niya. Pero hindi na niya kontrolado ang kanyang sarili— nalulunod na siya sa ginagawa nila. Isang buwan na nilang paulit-ulit na ginagawa ang hindi dapat. Oo nga at nag iingat sila pero hindi pa rin niya maiwasan ang matakot na baka may makakita sa kanila at mahuli sila. Impit siyang napatili nang bigla na lamang may humila sa kanya sa gilid ng hallway rito sa kanilang university. Handa na niya sana itong hampasin ng kanyang bag nang bigla na lamang nitong sakupin ang labi niya. ‘Kuya Jack!’ Tili ng utak niya. Agad na kumapit siya sa dibdib nito at gumanti ng halik, pero agad din siyang natauhan nang makarinig ng mga yabag. Nanlalaki ang mata na itinulak niya ito palayo sa kanya. Awan

