C8 : MISTERYOSO

1814 Words
Long sleeve Nude color bodycon dress na hanggang kalahati ng aking binti ang suot ko ngayon with nude stiletto and clutch bag para naman mukhang kagalang galang.. No make-up look para mas mukhang natural.. Pinasadahan ko pa ulit ng tingin ang aking kabuuan, at nang sa tingin ko ok na, naglakad na ako palabas ng bahay at sumigaw.. " Nay!!!! Aalis ako punta ko kay papa " Naglakad si nanay palapit saakin " sige anak, ingatan ka nawa ng Panginoon " sagot ng matanda sa akin kaya't naglakad na ako patungo sa sasakyan ko pag upo ko ay pinasibad ko na kaagad. Pagdating ko sa building ng mga Evangelista ay tina tinanguan ko ang guard at nginitian bilang pagbati, kilala naman na ako dito dahil matagal na si papa dito nagwowork.. " Kamusta po manong? " Pagbati ko sa gwardya na nakatoka mag bantay sa harap.. " okey na okey po maam lalo at nakita ko nanaman ang maganda mong ngiti " Pang bobola at magalang na sagot ng matanda.. " manong talaga nang bola pa " Sagot ko at naglakad na papasok.. Hindi ko na hinintay pa ang kanyang sasabihin dahil hindi ako komportable makipag bolahan sa mga lalaki. Habang inaantay ko na bumukas ang elevator ay napapangiti ako ng maalala ko ang lalaki sa aking panaginip na kung tawagin ni nay Lor ay, imaginary boyfriend. napa iling na lamang ako at naglakad papasok sa loob ng elevator na sakto naman na naka bukas na.. Habang papasara ang pinto may umagaw sa atensyon ko.. nakita ako na pamilyar na bulto ng lalaki, pilit ko sinisilip ngunit may naglalakad na kumpol ng tao kaya natakpan ito hanggang sa tuluyan na ngang nagsara ang pinto hindi ko man lang nakita ang mukha.. Dahan dahan kong binuksan ang pintuan ng opisina ni papa, plano ko sana siyang gulatin, ngunit ako ang nagulat dahil wala sya dito sa loob. Kaya na upo na lamang ako sa bakanteng upuan.. " okey Mr. Gomez makakarating kay lolo don't worry " Pamilyar na boses ang narinig ko kaya nagmamadali ako na tumayo at binuksan ang pintuan. " anak nandito ka pala, hindi ka nagsabi sana nagbilin ako sa aking sekretarya na mauna na dito ng may mag asikaso sayo.. Teka! Bakit tila dismayado ang mukha mo?! " Mahaba na sabi ni papa kaya napilitan ako na iwaglit ang lalaki sa aking isipan. " wala po pa, akala ko may ibang tao sa labas na pamilyar " " sino anak?!, ang apo ba ng matandang Evangelista ang tinutukoy mo?, kilala mo ba siya? " Pagtatanong ni papa na tila naguguluhan pa at may iniisip na iba. " hindi po pa, parang nagdududa ka pa eh alam mo naman na taong bahay lang ako diba po?, wala pa naman akong matandaan na sinuway ko ang habilin ninyo " Mahaba na paliwanag ko.. Kaya inakbayan nalang ako ni papa at hinalikan sa aking noo bilang pag sang ayon. " saan mo gusto kumain anak?, date tayo! mamimis kita tatlong araw rin na hindi kita makikita " " sige po papa, kayo na bahala kung saan" Sagot ko, kaya inayos ni papa ang gamit niya at naglakad na kami papunta sa malapit na restaurant, plako ko sana na sa bahay nalang, pero iba naman ang naisip ni papa kaya okey rin naman total namis ko sya ka bonding. Habang kumakaen kami ni papa, may lumapit na matandang lalaki saamin. " kumpadre, kamusta? " Panimula na tanong ng lalaki kay papa " Raul! kamusta kumpadre?, matagal rin tayong hindi nagkita, anong ginagawa mo dito? " Pagtatanong naman ni papa " maayos naman kumpadre, ito nga pala si Savanna ang unica iha ko " " siya naba yung bata na kinikwento ni Clint na crush niya noon? " Nakakaloko na tanong ng lalaki, na ama pala ni Clint.. No wonder na maloko rin ito like father like son sabi nga ng matatanda. " good evening sir, nice to meet you po " Sabay abot ko ng kanyang kamay, para mag mano.. " napaka galang na bata, pasadong pasado saaking Clint ito kumpadre, baka siya na ang magpapatino sa bata na yun " Napapailing at nanunukso na sabi ng matanda.. " nako kumpadre bawal itong si Sav ma stress alam mo naman na babasagin na kristal ko ito kung ituring, kahit na lamok ay hindi ko papayagan na madapuan, baka hanapin ko at durugin sa mga palad ko " Mahaba na naka ngiti, ngunit may pag babanta na sagot ni papa, kaya parang manutla ang matanda. " ikaw naman kumpadre parang hindi ko kilala si Clint ko gaano yun kagalang sa babae, madalas lang iba ang dating sa mga malisyosong isipan ng tao na hindi siya kilala " " mabuti kung ganon, welcome naman siya sa bahay tulad ng dati. " Sagot ni papa, kaya nagpaalam n ang matanda kaya nag ayos na rin kame ni papa para maka uwi na, mabuti nga at patapos n kami kanina, kund hindi gugutomin kami sa haba ng sesmes nila. " papa, nakakatakot ka kanina alam mo ba?, parang natakot sayo si Mr. Raul " Panimula ko sa usapan habang naglalakad kami patungo sa sasakyan.. " sinabi ko lang ang kaya kung gawin anak, alam ng lahat gaano kita kamahal at iniingatan, ikaw lang ang meron ako na hindi ko papayagan na mawala, kahit pa buhay ko ang kapalit, gagawin ko maprotektahan ka lang " Mahaba na pasalaysay na sagot ni papa na may serosong mukha na nag aalala, kaya tumahimik ako at niyakap siya ng mahigpit. " i love you so, so much po papa salamat po sa lahat having a father like you is such a wonderful blessing from God " Naluluha ko naman na sagot kaya hinaplos ni papa ang pisngi ko at tinitigan akong mabuti. " mahal na mahal kita anak nag iisa ka lang na anak ko " Buti naka rating na kame ni papa sa sasakyan kung hindi baka magka iyakan pa kami.. " tara na po pa " Sagot ko at pumasok na kami.. Pagkarating namin sa bahay at sumalubong si nanay Lor, sinabi na tapos na niyang ipag impake si papa ng damit kaya umakyat na rin ako sa aking silid naligo at nahiga sa aking malambot na kama.. habang naka higa naisip ko na magbasa na lamang pangpa antok.. Napili ko ang manipis na aklat ni Bob Ong, ang manunulat na walang mukha, maraming haka-haka pero walang nakompirma na siya yun.. " MAC ART HUR " Merong matigas.. merong malambot.. merong tuwid.. merong kulot.. merong buo.. merong durog.. at merong mga taong hindi basta-basta lumulubog.. Batong-bato ka na ba? Rock-rockan naaaaaaaaaaaaaa!!! Basa ko sa pabalat nito. binuklat ko ang pahina at binasa. Grabe kung sirain ng droga ang buhay ng tao. Nakakalungkot, pero hindi ko sila pwede husgahan ang bawat tao ay may kanya kanyang kwento na hindi alam ng lahat. Untold Stories kaya mas mabuti na manahimik nalang, tumulonh ang may kakayahan at manahimik ang walang ambag. Nalungkot lang ako sa aking binasa at nawala sa mood, kaya tumayo ako at naghanap ng panibagong aklat na pwede kong mababasa. " ANG MGA KAIBIGAN NI MAMA SUSAN" Si Bob Ong nanaman ang manunulat baka naman maiyak na ako nito ng tuluyan kaya nilampasan ko nlng, pero may idea na ako na mystery novel ito kaso nawalan na ako ng gana mag basa kaya naisip ko mag cellphone nalang.. CLINT HERNANDEZ tinipa ko sa search bar.. Maraming lumabas na larawan at halos lahat sa beach, bar, malls at masasahi ko na malapit siya sa babae, base na rin sa nakikita ko ngayun. Na link sa mga models at artista ibat-ibang issue kaya nag search pa ako, wala akong plano mag basa ng mga issue na nali link sa lalaki. Kaya sa i********: ako nag search at nakaka gulat ang resulta! Milyon ang followers nya tiningnan ko ang isang larawan ni zoom grabe ang hot nag-init ang aking mukha, bakit ba kasi ako lagi dinadala ng aking mga mata sa umbok?, umbok sa gitnang bahagi ng kanyang dalawang hita, mukhang malaki kasi malaki ang umbok at bakat na bakat sa kanyang swimming trunks na hapit na hapit at napka iksi, binasa ko ang comment section at marami ang naglalaway sakanya.. Nakakahiya naman maki sali isip-isip ko kaya lang, OMG! Napindot ko yung heart botton pano ba ito cancel, kaso baka mahalata nya nako Sav halatado ka na nang stalk napatayo ako at sinabunutan ang aking buhok sa katangahan ko. Kaya hinagis ko ang aking phone sa kama at nagpapadyak sa inis sa sarili, ngunit napahinto ako ng marinig ko ang aking message alert tone kaya inabot ko ito at tiningnan kinabahan ako ng makita ko CLNT request to follow you hala! Sigurado ako na nakita niya na pinusuan ko ang kanyang larawan nakakahiya, malakas pa naman ang isang yun mang asar. Accept ko ba? , tanong ko sa aking sarili. tanong ko sa aking sarili. Kaya pikit mata na pinindot ko na lang. At ayun na nga naglabasan na ang mga naka private na larawan.. Grabe! Panlaban ang bukol na nasa gitna ng kanyang hita, nanlalaki na mga mata na bigkas ko! ay ang hot ng katawan niya! Grabe maka bandera itong lalaking to ng katawan.. Pero sabagay sabi nga nila " If you have it, just flaunt it " Masasabi ko na, may maipagyayabang naman talaga sya!.. Hindi sya sumasagot sa mga comments, tanging puso lang or like ang reaction niya, which is sa isang lalaki na casanova safe na safe yung ganun na galawan. Titigilan ko na nga sana ang pag cellphone at plano ko ng matulog ng biglang may nag message sa'kin. " hi beautiful " Napangiti ako sa aking nabasa, feeling ko talaga manyakis ang ganun na pagbati ng lalaki sa babae.. seen mode lang ako, diko alam ang isasagot lalo pa't huling huli ang pang i stalk ko sa kanya.. " baby, ikaw lang pinagtuunan ko ng pansin sa milyon milyong babae na nabaliw sakin tapos ngayon hindi mo pa ako papansinen eh huling huli naman na pinagnanasahan mo ang mga larawan ko " Mahaba na pang aasar sa akin ng lalaki na ikinatawa ko. " kumusta naman yung mga babae?, kaya nga mga interesado sayo eh kasi nga mga baliw " Sagot ko sa kanya na natatawa na talaga. " eh ikaw nga pinupusuan ang picture ko di naman kita sinama sa mga babae na yun " Sagot ng lalaki , kaya hindi ko na nireplayan bahala siya ayaw ko mag paliwanag sa kanya kasi wala naman talaga akong lusot. " hey joke lang baby " " Savanna " " pupuntahan kita ngayon kapag hindi ka nagreply sasabihin ko kay Mr. Gomez na aakyat ako ng ligaw sayo " Maloko talaga itong lalaking to ako po i go goodtime bahala siya. Kaya ipinikit ko na ang aking mga mata at niyakap ang malaking unan sa aking tabi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD