Nasa sala na ako ng bahay, nakaupo nauwi ako sa malalim na pag-iisip, bakit nga ba wala akong matandaan?, wala akong naalala na pangyayari simula ng bata pa ako. Bakit nga ba walang larawan ni mama sa sala na normal lang dapat sa isang bahay?. Sumasakit ang ulo ko kakaisip kaya ipinikit ko ang aking mga mata para kumalma ngunit sa aking pagpikit may konting imahe ang nabuo.. Kumakain ako ng ice cream sa park tinatawag ako ng babae na kamukha ko! "Ano ito?" babaeng may edad na version ko! Ang tanging pagkaka-iba lang namin ay ang kulay ng buhok, ako ay kulay tsokolate samantalang siya ay kulay itim na paalon-alon na umabot hanggang pang upo, napaka ganda nya.. Pinipilit ko pa na pigain ang aking memorya ngunit hanggang doon na lang talaga.. Hanggang sa nakaramdam ako ng pagkahil

