C6 : KABABATA

1164 Words
Habang kumakain ng aking pananghalian ay lumapit saakin si Jen.. " kain tayo.. " pag anyaya ko sa kanya.. " katatapos ko lang Sav.. paakyat ako ngayon sa silid mo upang kuhanin iyong mga labahan na damit at maglilinis na rin.. okey lang ba na ngayon na? " Patanong niya sakin.. Oo! Sav lang ang tawag niya sa akin dahil na rin sa kagustuhan ko, dahil hindi naman nagkakalayo ang aming edad.. " sige ikaw bahala, dito na lang muna ako sa baba malilim naman ngayon.. tutungo ako sa garden upang alisin ang mga tuyong dahon ng mga halaman na namumulaklak " " nako Sav! Tigilan mo yang iniisip mo at mapapagalitan nanaman tayo ni Nanay nyan dahil naiinitan ka.. Alam mo naman na bawal sayo magpagod dahil baka bumalik ang dati mong sakit " Mahaba na sabi ni Jen na bakas sa himig ang pag aalala sa akin.. Kaya pinagtawanan ko na lamang. " Jen magaling na ako, matagal na diba! " Sagot ko sa kanya na nang aasar pa na tono. " oo magaling kana talaga Sav! Magaling mangatwiran " Hirit ni Jen na ikinatawa ko, dahil ganyan siya kung mag ala-la saken.. Aakalain mong nakatatanda ko syang kapatid. " bahala ka nga dyan! " Napapailing na tinungo ni ate Jen ang hagdan paakyat sa aking silid. pagkatapos ko kumain ay niligpit ko ang lamesa, inilagay sa lababo ang mga ginamit ko at sinimulan ng maghugas. Oo nga't my kasambahay kame, pero kahit kailan ay hindi namin sila itinuring na ibang tao.. Yaan ang turo ni papa sa akin at naka mulatan ko rin .. mahalin at pahalagahan ang mga tao na nariyan sa tabi mo. Ang ilang piraso ng plato na kinainan ko ay hindi kabawasan sa pagiging amo ko! Ngunit malaking abala sa kasambahay na maaaring nagpapahinga na kung sila pa ang gagawa nito, dahil bago pa ang bukang liwayway ay gising na at sinimulan na ang trabaho. Wala naman akong maisip na gawin kaya naglalakad ako patungo sa garden.. Tumayo ako ng tuwid pumikit at nilanghap ang sariwang hangin at sinamyo ang amoy ng aming mga halamang namumulaklak. Dahil sa maulap at mahangin ang panahon ngayong araw malamig ang dating sa aking pandama ng preskong hangin. Iminulat ko ang aking mata at tumingin sa kalangitan.. Naalala ko ang sabi ni Nanay Lor saakin noon. Ang nakikita natin sa taas ay hindi langit, kundi ang hangganan lamang ng ating paningin. Ang tunay na langit ay ang kapayapaan sa ating puso.. Yung gumigusing ka sa umaga kasama ang mga tao na nagmamahal sayo.. Yung alam mo na wala kang tao na inaapakan o nilalamangan, yung matutulog ka sa gabi na panatag ang iyong loob dahil alam mo na patas ka lumaban sa hamon ng buhay. Yun ang tunay na langit.. Masaya ako sa kung anong meron ako! Dun ako sigurado kaya sumigaw ako sa kawalan na.. " Thanks God for Life, thank God I'm alive!.. " Habang nagmumuni-muni ako, isang tikhim ang nagpa lingon saakin.. " eheeeeem, tao po! " Mahinang pasigaw ng lalaki na nasisilip ko mula sa aking pwesto, hanggang sa siwang ng solido na bakal ng aming bakod. " yes po?.. " Patanong ko, ngunit naningkit ang aking mata dahil kilala ko ito, siya yung lalaki na nagpakilala sa akin sa park. " teka, sinusundan mo ba ako? " Pagtatanong ko, ngunit tinawanan lamang ako. " Luh! Parang baliw. Ano kaya nakakatawa sa tanong ko?.. " Pabulong ko na medyo napalakas siguro kaya lalo siyang tumawa ng mas malakas pa .. " Nasa loob ba si Mr. Gomez?, pwede ko ba siyang makausap?.. " Tanong ng lalaki na may malaking ngiti sa kanyang labi. " kung kilala ka ni papa im sure alam mo sa mga oras na ito kung nasaan siya " Sagot ko na tila nayayamot. " Look, hindi ako masamang tao okey!..kilala ko rin si Nanay Lor, can you let me in first, nakakangalay kaya tumayo ?! " Wika ng lalaki na may mapaglarong ngiti.. Naalala ko naman ang sinabi ni papa kanina na kilala niya ang lalaki, kaya inalis ko ang harang sa gate, binuksan ng bahagya para bigyan siya ng daan papasok. At walang sabi-sabi na humakbang ang lalaki papasok sa gate na naka ngise pa.. " Maupo ka, ano gusto mo coffee, juice or water? " " no thanks .. Okey lang ako, nanggaling naman ako sa bahay, napadaan lang ako dito, kaya naisip ko na kumustahin si Mr. Gomez, kaso naalala ko madalas pala siya out of town at abala yun marahil sa opisina ngayon " Mahaba na paliwanag ng lalaki sa akin. " Tama ka, wala siya dito so what now? " Naka titig ako sa mukha niya gamit ang blangko na expression.. " grabe ka naman mag sungit sa akin ngayon, parang hindi mo ako inalok ng kasal kasalan noon.. " Namumula ako na napa iling na lamang, " wala ako matandaan " Sagot ko, na ikinatango na lang niya.. " oo, kaya siguro hindi mo ako maalala kasi abala kayo noon sa pabalik-balik ninyo na pag papagamot sayo sa hospital. Tumango lamang ako bilang pagsang-ayon sa kanyang sinabi.. " Sino pala kausap mo kanina sa taas?.. " Nangunot ang noo ko na nagtatanong na tingin sakanya .. " kanina nga sumisigaw ka pa ehh " Hirit pa ng lalaki. Kaya napapangiti na sinagot ko ito. " ahh alam ko na, so ngayon gumaganti ka sa akin kasi sinabihan kita na parang baliw kanina, gusto mo palabasin na ako ang tunay na baliw .. " " Hindi ahh, sayo nanggaling yan, hindi saken.. " Nang aasar na paliwanag nya, kaya natawa nalang ako ng mahina.. Isa lang ang sure ako, magaan siyang kasama! At may sense of humor na lalo sa kanyang nagpa gwapo. Tunog ng kanyang cellphone ang pumutol sa aking pag iisip. " Wait, can I take this call?" Pagpapa alam niya sakin, na tinanguan ko lng.. " Go ahead " Sagot ko, at tumayo na siya at lumayo ng konte saakin.. Ilang minuto ang lumipas ng matapos ang kanilang usapan sa aparato. " Sav, i have to go may dumating daw ako na bisita sa bahay sabi ng kasambahay namin. " " Okey lang sige ingat ka.. " Sagot ko sa kanya, " Kararating lang kasi ng bestfriend ko from U.S. kaya hindi ko siya pwede na hindi puntahan, baka maligaw yun dito sa Pinas sayang naman malaki na " Natatawa na paliwanag pa niya.. " Okey lang ano ka ba " Sagot ko ulit na napapa iling pa.. " Baka kasi ma miss mo ako kaagad kaya nag aalala ako sayo " Nang aasar na hirit pa ulit ng lalaki. " Hay nako Clint, tama kana!, may nag aantay sayo " Sagot ko na natatawa, kaya tinulak ko siya ng mahina patungo sa gate.. Nang maka labas na siya ay napangiti ako, ang gaan ng loob ko sa kanya.. Parang totoo ang sabi ni papa na kababata ko nga siya.. Kilala siya ng aking puso.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD