Nagising si Lucille nang maaga dahil sa pananakit ng tiyan niya, hindi niya pinansin iyon dahil normal na para sakanya na sumakit ang tiyan niya, habang nag lalakad siya papunta sa dining area kung nasaan si Summer bigla niyang naramdaman ang pag daloy ng likido sa may paa niya. Gulat niyang tinignan ang paa niya at nakita niya ang pag putok ng panubigan niya. “Good morning Lucille” sambit ni Kairos na kalalabas lang sa kusina. “Hi, where's Summer?” nakangiwing tanong ni Lucille sa binata. “She’s in the dining area, do you need her?” tanong ni Kairos, tumango si Lucille at pilit na ngumiti, hindi gumagalaw sa kinatatayuan niya dahil baka madulas siya bigla. “Yes Luci?” nakangiting tanong ni Summer. “Manganganak na ako Summer” sambit ni Lucille. “Sorry?” gulat na tanong nito k

