Kabanata I

1334 Words
“Excited kana ba matalo, Alderidge?” nakangising sambit ni Sanchez na dumaan sa harapan nila Lucille. “As if I know the taste of losing, Sanchez.” nakangising sambit ni Lucille. Patuloy ang bilangan ng mga boto sa eleksyon para sa ssg president election. Alderidge, Alderidge, Alderidge, Sanchez, Alderidge, Sanchez, Sanchez, Alderidge, Alderidge “I’ll buy us lunch, Luci. Ma'am Miranda said we can eat here while we are waiting for the results.” sambit ni Summer, tumango si Lucille sa kaibigan. “Thank you, Summer.” nakangiting sambit ni Lucille, tumango si Summer at tumayo na para bumili ng pagkain. “Pina alis mo ang kaibigan mo, ayaw mo bang makita ka niyang maging sawi kasi natalo ka?” nakangising tanong ni Sanchez sa bandang kaliwa ng room, nag tawanan ang mga kapartido nito. “Sinabi ko na sa'yo Sanchez, hindi ko pa nalalasap ang pagkatalo ko sa larangang nilalakaran ko. Repeater ka diba? I repeat mo ulit ang current level mo, tapos tumakbo ka as the ssg president kapag wala na ako, baka doon magka chansa ka nang manalo.” kibit balikat na sambit ni Lucille, nag pupuyos si Sanchez sa galit dahil sa naging sagot ni Lucille. “Ang yabang mo Alderidge, ano bang pinagmamalaki mo? Iyang ganda mo?” tanong ni Cortez, ang kapartido ni Sanchez. “Buti pa kayo ’no? Lagi niyong binabalandra ang kagandahan ko, sorry to burst your bubble Cortez, hindi ganda ang pinag yayabang ko rito, kundi ang talino ko. Ikaw meron ka ba non? Vice president pa tinakbo mo, anong laban mo sa Vice president namin dito?” natatawang tanong ni Lucille. “Matalino rin ako Lucille, baka nakakalimutan mong ako ang pumapangatlo sa departmento namin.” mayabang na sambit ni Cortez, ngumisi si Lucille. “Mirane” nakangising sambit ni Lucille. “Yes pres” sambit ni Mirane at kinuha ang papel na naka silid sa bulsa niya. Tumaas ang kilay no Cortez, pero hindi pa rin nabubura ang ngisi nito. “According to the report we received, Alaine Cortez was cheating every exam week, that's why she was having really high scores every exam, by the power granted by the supreme student government president, I, Mirane Mariezi the current supreme student vice president disqualifying you on this supreme student government election.” sambit ni Mirane at inabot ang papel sa teacher na nag babantay sakanila na nanonood lang. “Walang katotohanan ang pinag sasabi mo, Mariezi! Bawiin mo ang sinabi mo! This is a big accusation!" galit na sigaw ni Cortez. “I am so sorry Miss Cortez but the current supreme student government vice president have the evidence needed for her command to be granted this instant, bring your parents tomorrow at the dean's office.” sambit ni Mrs. Miranda. “No ma'am! she's lying!” sigaw ni Cortez, nakangising pinapakinggan ni Lucille ang apelyido niyang nagiging musika sa buong silid aralan. “The fact that you didn't understand what I said, speaks so much volume about you! stop disrespecting me!” sigaw ni Mrs. Miranda. Umiiyak na lumabas si Cortez sa room kung saan nag bibilangan ng boto, pagka balik ni Summer sakto namang tapos na ang pag ta-tally. “Congrats Ms. Alderidge, walang kupas. All of the students on your party won, congratulations! well done, tourism students. Kayo ang living proof na not all tourism students ay mga puro lang paganda.” nakangiting sambit ni Mrs. Miranda, ngumiti ang lahat ng nanalo sakanya at isa isa niya kinamayan ang mga ito. Pagkatapos silang kausapin ni Mrs. Miranda ay lumabas na sila para kumain, napag desisyunan nilang sa mga tables and benches nalang sila kumain sa tapat ng business department. “Ipapakilala raw kayo sa bawat department na meron sa college department?” tanong ni Summer kay Lucille. “Oo, tradisyon ng school. Kami lang din naman ang nanalo.” naiiling na sambit ni Lucille. Sa buong college era niya sa school na pinapasukan niya, tourism and business department lang ang nag sasalpukan sa ssg election, at ni isang beses walang nakatalo sa partido ni Lucille. “Ang corny pero wala kang magagawa kasi gusto ng school.” natatawang sambit ni Summer, umiling si Lucille at nag simula nang kumain. “Diba mayaman kayo, Luci?” nakangiting tanong ni Summer. “Hmm? hindi.” sagot ni Lucille at nag simula nang kumain. “Girl, Alderidge ka.” sambit ni Summer. “Hiram lang ’yan, just kidding. Alam mo naman na kaming mag kakapatid nalang ang naiwan diba? mama ko may asawa na, tatay ko meron na rin. Si lolo nalang ang naiwan sa'min, and he is currently on states." sambit ni Lucille. “Edi mayaman ka nga?” sambit ni Summer, natatawang umiling si Lucille. “I don't really you know, says na mayaman kami kahit na mayaman si lolo, sakanya ’yon hindj sa'min.” sambit ni Lucille. “Sabagay, you are really the woman of words no? you know what to say on every circumstances.” sambit ni Summer. “It’s the truth. Tsaka I don't consider myself as a mayaman kasi wala na kaming parents, yes sinusustentuhan kami, which is their responsibilities as our parents. Huwag lang silang babalik balik sa'kin kapag sila na ang gumapang sa lupa.” sagot ni Lucille. Ngumiti si Summer. “You don't need them, Luci. I got your back, I love you” nakangiting sambit ni Summer, ngumiti si Lucille kaya nag litawan ang dimples nito sa magkabilaang pisnge niya. “I really love your dimples, you're so pretty!” Summer exclaimed and proceeded on hugging Lucille. “Ano ba?” natatawang sambit ni Lucille at pilit na lumalayo sa kaibigan dahil kinikiliti siya nito, malakas ang kiliti ni Lucille lalo na sa bewang kaya lumalayo. “Hey! I won't kiliti you, I want to see your smile please!” sambit ni Summer at tumakbo, tumakbo rin si Lucille, at sa kaka iwas niya sa kaibigan may naka bunggo siyang lalaki at nagpa gulong gulong sila sa madamong lupa ng garden, at aksidenteng nahalikan ng lalaki ang noo ni Lucille. “Aw” naiiyak na sambit ni Lucille sa pagkaka bagsak nila. “Miss, c-can you stand now?” nahihirapang sambit ng lalaki. Parang doon lang natauhan si Lucille at agarang tumayo at inabot ang kamay sa lalaking nadaganan niya. “Omg! I'm sorry po!” naiiyak na sambit ni Lucille habang tinitignan ang lalaki na iniinda ang sakit ng likod nito. “It’s fine miss, nasaktan ka ba?" tanong nito, umiling si Lucille kahit na masakit ang ibang parte ng katawan nito. “That’s good” sambit nito habang tumatango. “Omg! I'm sorry Lincoln, nagkatuwaan lang kami ng kaibigan ko.” sambit ni Summer pagkatapos tumawa sa isang gilid. “It’s okay Summer, mag ingat nalang sa susunod.” nakangiting sambit nito at tinignan pa si Lucille bago tuluyang umalis. “Gaga ka! naka sakit pa ako ng tao, sakit din ng katawan ko” sambit ni Lucille at bumalik sa bench na kinauupuan nila kanina. “Sorry, Luci.” sambit ni Summerbelle, ngumiti lang si Lucille.b “It's okay Summer, don't feel bad. Nag bell na, see you sa department mo mamaya.” nakangiting sambit ni Lucille, nakangiting nag paalam si Summer at pumasok sa room nila, nasa business department si Summer habang si Lucille naman ay nasa tourism department. Dumiretso si Lucille sa kwartong kinaroroonan nila kanina at nadatnan niya ang mga kapartido nito. “Pres, sakto ikaw nalang hinihintay.” sambit ni Mirane, ngumiti si Lucille at nauna nang lumabas. “Mauuna tayo sa business department, dating gawi Lucille. Ikaw ang mag bibigay ng kaunting message sakanila.” sambit ni Mrs. Miranda, tumango si Lucille. Kumatok si Mrs. Miranda sa section A. “Mrs. Miranda” sambit ni prof Gonzales. “We are here to give a little message, message from the newly elected ssg councils.” sagot ni Mrs. Miranda, pinapasok sila ni Prof Gonzales, at laking gulat ni Lucille nang makitang nakatitig sakanya si Lincoln.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD