“Love?” katok ni Lucille sa apartment ni Enzo isang araw naisipan niyang dumalaw sa apartment ng nobyo niya. “Wait love” sambit ni Enzo pagkatapos ay binuksan nito ang pintuan, ilang buwan na ang nakalipas at sinagot na ni Lucille ang lalaking nanliligaw sakanya. Naging masaya si Lucille sa piling ni Enzo, pero nitong mga nakaraan ay parang nakakaramdam siya na parang may mali sa boyfriend niya, kaya sinubukan niyang dalawin ang boyfriend niya. “Kamusta ka?” nakangiting tanong ni Lucille sa boyfriend na dumiretso sa kusina nito. “Ayos lang ako love, kamusta ang trabaho mo?” nakangiting tanong ni Enzo. “Ayos naman, so far.” sambit ni Lucille, tumango si Enzo at lumapit kay Lucille para halikan ang dalaga, pero hinarang ni Lucille ang kamay niya kaya napatigil si Enzo. “Ano na na

