“Kumalma kana?” tanong ni Lucille sa bunso nila, tumango si Astrella at uminom ng tubig. “Opo ate, huwag lang mag papakita sa'kin si Maegie kahit anino pa niya.” may bahid na galit na sambit ni Astrella, ngumiti si Lucille at niyakap ang kapatid. “Deserve niya ’yon, Ast. Inagaw niya sa'yo si Margaret.” bulong ni Lucille at hinaplos haplos ang buhok ng bunsong kapatid. Pagka balik ni Darcie galing sa kwarto nila dahil narinig nilang umiiyak si Zyran kanina, napag desisyunan nilang mag order nalang ng pagkain. “Anong gusto niyo?” tanong ni Lucille sa mga kapatid niya habang tumitingin sa mga pagkain na pwedeng bilhin sa jollibee. “I want burger steak ate” sambit ni Darcie, nakangiting tumango si Lucille. “One burger steak for Darcie, one spaghetti for me, kayo?” tanong ni Lucille

