ALTHEA’S P.O.V KINABUKASAN ay maaga akong nagising dahil hindi nakatulog sa narinig mula kay Yna. Nahihirapan akong magdesisyon kung ipapaalam ko ba kaagad kay Daddy ang lahat na aking narinig. Ngunit hindi pa sapat ang aking impormasyon para ipaalam sa kanya, alam kong hahanapan niya ako ng magpapatunay na may katotohanan ang sasabihin ko. Hindi ako mapakali habang nagdidilig ng halaman sa garden. Ngunit kanino naman ako magtatanong tungkol sa nakaraan ng kanyang kabit. Akala ko ganoon na lang kadali ang lahat kahit abot kamay ko na sana sila dahil kapitbahay lang sila ni Alfie. “Tala!” “Ay… kapre sa puno ng balete!” malakas kong tili. Nabitawan ko ang water pipe na ginagamit ko sa pagdilig ng halaman dahil sa gulat. Buo at malaking boses kasi ang tumawag sa akin na halos dumadagundo

