Chapter 3

1809 Words
~(VIEN YSABELLE ESQUIVEL POV) Wala akong ginawa kung hindi ang tingnan si Xander na humakbang papasok sa loob ng sasakyan kasama ng mga babae niya. Hindi ko alam kung bakit kumikirot ang dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit hindi na ako nasanay. Ilang taon niya na bang ginagawa iyon? Ilang taon ko na bang nararamdmaan 'to? The feeling of being worthless? Bakit hindi pa rin ako sanay? Nagsimula na akong maglakad. I had no enough money to ride a taxi. Kailangan kong maglakad papunta sa bus stop at may kalayuan iyon mula sa casino. It was a private place, private cars, taxis lang ang nakakapasok sa loob. Masyado iyong malawak kaya masyado ring malawak ang kailangan kong lakarin. Bahagya akong ngumiti. Minsan, mas okay rin na nararamdman kong kumikirot ang dibdib ko o ang mga paa ko sa paglalakad dahil kahit papaano alam kong buhay ako. May nararamdmaan pa rin ako... hindi katulad ng mga minsang araw na wala akong maramdaman. I felt empty... I felt like everything was empty, even the world. Minsan pakiramdam ko, nothing make sense. Pakiramdam ko hindi ko na gustong gumising pa sa bukas. Pakiramdam ko pagod na akong lumaban. Minsan ayos rin na umiiyak ako, dahil naalala ko ang mga pangarap ko. Naalala ko na gusto ko na pa lang huminga, gusto ko na pa lang makawala hindi katulad ng mga araw na parang wala nang saysay ang lahat. "Miiiish..." Hindi ko pinansin ang lasing sa likuran ko. Nasanay na rin na may tatawag sa akin at aalukin ako ng pera para sa isang gabi. Minsan lantaran pa ang iba, some would force me, mabuti na lang alam ko ang gagawin. "Mish, shaan ka pupunta? Wah ka bang kashama huuh?" Tumingin ako sa paligid. Napasin ko kaagad na madilim ang daan ngayon. Napatingin ako sa tatlong posteng magkakasunod na mukhang pundido ang mga ilaw. Nakita ko ang dalawang guards sa di kalayuan. "Huy, miisss, marami akong peraaa!" "Asshole," mahinang bigkas ko. Halos lahat ng mayayaman ay walang pinagkaiba sa isa't isa. Akala nila ay pera lang ang maaring magpaikot sa mundo. Akala nila nasa kamay nila ang mundo at kaya nilang maliitin at bilhin lahat ng magustuhan. Akala nila pera lang ang maaaring makapagpapasaya sa bawat tao sa daigdig. Dinagdagan ko ang bilis ang paghakbang ko para agad kong marating ang liwanag at makita agad ako ng mga guards. Naririnig ko ang mga yabag nito. Binilisan ko lalo ang hakbang ko pero naramdman ko ang kamay nito sa braso ko. Agad akong nakaramdman ng pagkabog ng dibdib. "Mag--kano ba ang gushto mo? Shabihin mo lang." Amoy na amoy ko ang alak rito. "Bitiwan mo ako,"Nagpumiglas ako rito. "Securi—" hindi ko natuloy ang pagsigaw ko dahil tinakpan agad nito nag bibig ko. "Wag kang maingay... miiish, masyado kang pakipot." I still tried to shout kahit pa takip nito ang bibig ko. Pinilit kong makawala rito lalo na nang subukan ako nitong halikan. Naramdaman ko ang kamay nito sa puwitan ko. Inubos ko na ang lakas kong itulak ito pero kahit lasing ito he was strong enough para itulak ako sa pader. Napadaing agad ako sa sakit. Hindi ko nagawang makatakbo o makasigaw agad dahil agad itong nakalapit sa akin at naramdaman ko agad ang matulis na bagay sa tagiliran ko. "Mishs... sandali lang naman eh...." "Let go of me," madiing sabi ko rito. "Huwag kang sishigaw kung ayaw mong... butasin ko ang tagiliran mo," anito habang tinatanggal ang sinturon niya. Pumalag ako rito pero lalo kong naramdaman ang pagdiin ng matulis na bagay sa tagiliran ko. Kahit hindi ko ito makita tinignan ko pa rin ito nang masama. "I said let go of me," malamig na sabi ko. "Ang bango mo..." anito at pinagapang ang isang kamay sa hita ko. Damn. Akmang hahalikan ako nito but he loses his grip. I didn't know what exactly happened. Kahit papaano ay naaninag ko ang kilos sa harapan ko. Naririnig ko ang daing ng lalaki. I was still trying to process everything nang may kumuha sa wrist ko. Hinila ako nito kahit pinipilit kong magpumiglas. "Bitiwan mo ako, ano ba!" Nakita ko ang malapad na likod nito pagdating namin sa liwanag. Matangkad ito. He was wearing a black suit. "Ano ba—" Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang maramdaman ko agad ang mga labi nito sa mga labi ko. Nagulat ako sa ginawa nito. Sigurado akong hindi ito ang lalaki kanina. Amoy alak rin ito pero kakaiba ang amoy ng bibig nito. He smelled... good. But then, I immediately pushed him away and slapped him. Bumaling ang mukha nito sa lakas ng sampal ko. I wanted to call a security or at least kick him or slap him again pero natuon ang pansin ko sa peklat na nasa leeg nito. It looked... familiar. Napalunok ako nang bumaling ito sa akin. Nakita ko ang pares ng mga matang iyon. Ilang sandali bago ko mahanap ang tinig ko. "K-Kazter..." Kusang lumabas sa bibig ko kahit hindi ako siguradong ito nga iyon. Unti-unting umangat ang dulo ng labi nito. "I knew you would do that." "K-Kazter," hindi makapaniwalang ulit ko. Ngunit kilala ko ang mga mata nito... para bang isa iyong... tahanang hindi ko makakalimutan. "Did you miss me?" Nakaramdam ako ng pamamasa ng mga mata. Agad ko itong niyakap. I... suddenly felt home. Home again. "Where have you been?" naluluhang tanong ko. Ilang sandali itong hindi nagsalita. "I never left," walang emosyong sagot nito. Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakayakap rito. Dinala ako nito sa isang retaurant. Nanatili lang akong nakatingin sa makintab na sports car nito na naka-park sa labas. "Mukhang mayaman kana." Bumaling ako rito. "Muntik na kitang hindi makilala." Ibang iba ang glow nito. Lalong lumabas ang kagwapuhan niya. "You wouldn't forget me." But I noticed his coldness. Hindi ako sanay. Hindi ko ito nakilalang ganoon. Of course I would love to consider the 15 years na hindi kami nagkita at nagka-sama. I should expect na marami nang nagbago. "Why are you looking at me like that?" he asked. "I just... still can't believe that you are here." Nagsisimula na namang mamasa ang mga mata ko. I didn't know why I was so emotional. "Look at me all you want. I won't leave." Bahagya akong ngumiti rito and nodded. "I can still remember all our promises to each other," he again said. Bahagya akong napangiti rito. "I can't remember everything." "You did not forget your first kiss, right?" Kusang nag-flashback sa isip ko ang unang halik na tinutukoy nito. "Kazter, ano ba? Saan mo ba ako dadlahin?" Hila-hila nito nag kamay ko papaunta sa lugar na madalas naming puntahan. Sa tabing gubat na maraming puno't matataas na d**o. "Basta!" "Ang sabi ni Tati wag akong pupunta rito nang walang kasama kasi delikado!" "Kasama mo naman ako!" sabi nito habang patuloy sa paghila sa akin. "Eh, ang liit mo kaya, hindi mo naman ako kayang protektahan, eh." Huminto ito at humarap sa akin. "Ano bang hindi? Poprotektahan kita, no. Hangga't nandito ako, walang pwedeng manakit sa prinsesa ko, okay?" Agad nag-init ang mga pisngi ko sa sinabi nito. Naglagay ito ng piso sa kamay ko. "Humiling na tayo?" Ngumiti ako rito at parehas kaming humarap sa wishing well sa ibaba. Pinikit ko muna ang mga mata ko pero napadilat rin ako nang maramdaman ko ang paghawak nito sa kamay ko. Hindi pa rin nawala ang pag-iinit ng mga pisngi ko at ang kabog sa dibdib ko. Napangiti ako habang nakatingin rito. Nakapikit na ito at mukhang sinusimulan na ang hiling niya. Gustong gusto ko talagang titigan si Kazter. Sa tuwing gagawin ko iyon gumagaan ang pakiramdam ko maramil dahil alam kong kahit anong mangyari ay hinding hindi ako iiwan nito. Ngumiti ako. Pinikit ko rin nag mga mata ko at humiling. Pagkatapos sabay naming hinagis ang barya sa wishing well. "Vien, anong hiniling mo?" tanong nito. "Secreeet!" Napabusangot ito. "Bakit ayaw mong sabihin? 'Di ba sinasabi mo naman sa akin lagi 'yung wish mo?" "Basta secret lang. Bakit ikaw ano bang wish mo?" "Alam mo ba kung anong petsa ngayon?" "Hmm?" Pinilig ko ang ulo ko. "8 ngayon, Vien." "Tapos?" "Infinity, walang hanggan dapat maging tayo na. Gusto talaga kita, Vien." "K-Kazter... Anong sinasabi mo?" Mabilis nitong hinalikan ang mga labi ko. Namilog ang mga mata ko at agad itong sinampal. "Kazter, bakit mo ako hinalikan! Bata pa tayo!" Nagsimulang mamasa ang mga mata ko. "P-Paano na lang kung mabuntis ako katulad ni Aling Nena doon sa ilog?" Hinawakan nito ang magkabilang kamay ko. "Eh, di papanindigan kita. Mahal naman kita eh." "Wag mo nang uulitin 'yon, Kazter! Bata pa tayo. Umuwi na lang tayo. Baka hinanap na ako nina Nani at Tati." Nagsimula akong humakbang palayo. "Hindi mo ba ako gusto?" tanong nito. Hindi ko ito sinagot. Hindi ito sumunod sa akin kaya naman bumalik ako para hilahin ang kamay niya. Tumigil ako nang masyado na itong mabigat. Nanatili itong nakatayo sa pwesto nito na nanggigilid ang mga luha. "Ano bang problema, Kazter?" "Bakit hindi mo ako gusto, Vien?" "Ano ka ba, Kazter. Syempre gusto kita—" Napatigil din ako agad nang maisip ko kung ano ang sinabi ko. Agad nangislap ang mga mata nito. "Talaga? Edi pakasalan mo na ako!" "Bata pa nga tayo!" Muli kong hinila ang kamay nito. Dumaan kami sa gitna ng mga d**o at talahib. "Pakasalan mo na ako!" Paulit-ulit niyang sinabi iyon hanggang sa humarap ako sa kanya. "Oo na! Papakaslaan na kita, Kazter, pero pag malaki na tayo, okay?" Agad itong napangiti nang malawak. "Promise?" "Promise!" Namimilog ang mga mata nito sa tuwa. Hindi ko rin mapigilan ang tuwa sa dibdib ko. "Natupad na 'yung hiling ko, Vien!" "Ano bang hiling mo?" Kunot noong tanong ko. "Hiniling ko na pakasalan mo ako at ikaw na ang makasama ko habang buhay!" Napangiti ako nang bahagya nang maalala iyon. Pakiramdaman ko hanggang ngayon ay nag-iinit ang mga pisngi ko. I could believe that I actually thought na mabubuntis ako because of that kiss. Ganoon kasi ang paniniwala sa Santa Clara nito. I didn't know that I was that ignorant. Baka kung hindi ako napunta sa Maynila ay ganoon pa rin ang nasa isip ko hanggang ngayon. "It was... 15 years ago..." I said. "Bago ka nawala." Hindi ko alam kung bakit nanindig ang mga balahibo ko sa pagbigkas nito. Hindi ko na nakikita ang masayahing Kazter sa mga mata nito. I couldn't see anything in him. It seemed like he was... empty. Oo umalis kami nina Nani at Tati noon sa probinsya para magpunta sa mansion. Sa bahay ni Xander para pagsilbihan ito. "Pero hindi ako nawala, Vien. I'm just here... waiting... watching." Hindi ko naintindihan ang ibig nitong sabihin. Napalunok ako. "You will be free. I will protect you," muling dugtong nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD