Chapter 2

1317 Words
Lauren's POV: Nagising ako dahil parang may kung anong bagay ang nakadagan sa akin, minulat ko ang mga mata ko. Nagulat pa ko ng masilayan ang babaeng iniligtas ko kagabi. Kaya pala parang di na ko makahinga, halos nakapatong na pala ang buong katawan nito sakin. Pinagmasdan ko ng maigi ang mukha nya, Infairness ang ganda talaga ng babaeng to. Kung may Kuya to marahil napaka gwapo nito. "Uhmm..." ungol nito. Nananaginip ba to? Bahagya itong kumilos, laking gulat ko nalang ng maramdaman ko ang bahagyang pag diin ng tuhod nito sa pagitan ng mga hita ko. Napabangon ako ng wala sa oras. "Aray! dahan-dahan naman." reklamo nito. Aba't! Sya pa may ganang mainis ha? "Ehh kung di ka ba naman kasi nang a-ano..." di ko natuloy ang sasabihin ko. Bwesit! "Huh? inaano ba kita?" pag mamaang maangan nito. Baka naman kasi di nya talaga alam, dahil tulog. "Haaaish! Nevermind. Di ka pa ba uuwi? May pasok pa kasi ako mamaya ee..." pag iiba ko sa topic. First day kasi ngayon ng 2nd semester ayokong malate. Last year di ako nakapag enroll ng 2nd semester dahil na rin sa kakulangan ko sa finacial support, sa ngayon kasi kailangan ko pa talagang umasa sa step father ko. "Naku! kailangan ko na rin palang umalis." saad nito at nag mamadaling mag hubad ng damit na ipinahiram ko sa kanya. Habang nag papalit ito ng damit, napanganga nalang ako dahil sa inasal nito. Di nya ba alam na may kasama sya? Tsk?! Basta-basta nalang syang nag bibihis. Sabagay ano ba naman kasing ikakahiya nya ee... napaka perfect naman ng katawan nya. Tsaka babae rin naman ako. Pero kahit na di kami close para mag hubad sya sa harap ko. Ibang tao parin ako kung tutuusin. Matapos mag bihis ay nag paalam na ito nag aantay na raw kasi sa labas ang driver nya. "Miss thank you so much ha? I owe you... ipapahatid ko nalang tong mga hiniram mo after kong ipa laundry." saad nito sabay beso. Di ko na sya inihatid sa labas dahil naka tapis nalang ako. "Sige, ingat ka." tanging nasabi ko. At nag madali na kong nag tungo sa banyo upang maligo. -- Naglalakad ako ngayon sa hallway ng school ng mapansin kong naalis ang pag kakasintas ng sapatos ko. Umupo ako at yumuko upang ayusin to, nagulat nalang ako dahil may kung anong bagay ang bumagsak sa akin at kasabay rin nun ang pagbagsak ng isang tao sa harap ko. Naku tatanga-tanga naman di nya ba napansing may tao sa harap nya? tsk! Tumayo na ako, upang ayusin ang sarili saka ko lang maramdaman na masakit ang likod ko, marahil na rin siguro sa bagay na bumagsak sa akin. Kasalanan talaga ng tatanga tanga na to ee... Habang abala ako sa pag-papagpag ng aking sarili, napansin ko sa aking peripheral vision ang paglapit ng taong nakabangga sakin. "Sorry huh? di ko napansin na may tao pala..." saad nito habang abala rin sa pag papagpag ng sarili. Teka! pamilyar ang boses nya, para narinig ko na to... Awtomatiko ko naman itong tinignan. Yung babaeng kasama ko kanikanina lang?! Napansin nya sigurong nakatingin lang ako sa kanya at di sumasagot, kaya napatingin rin ito sa gawi ko. Makikita sa mukha nya ang pagkagulat. "Ikaw?!" nakangiti nitong sambit. Di ko alam pero ang inis ko kanina ay napalitan na ng tuwa. What a small world. "Dito ka rin pala nag-aaral?" excited nyang tanong. "Oo." nakangiti kong sagot. "Bat ganun di man lang kita napapansin dito?" pagtataka nito. Sasagot pa sana ako, kaso may biglang nag salita mula sa likod nya. "Oh Em Gee! VP, anong nangyari dito? nagkalat lahat ng files!" singit ng isang bakla. VP? Pangalan nya ba yun? Napakamot ang isang hintuturo nya sa kanyang pisnge. "Eh kasi di ko sya napansin, kaya nabangga ko sya at ayon tumilapon ang mga dala ko." paliwanag nito. Sinulyapan lang ako saglit ng bakla tsaka itinuon agad ang pansin sa mga files na nagkalat. Snob! "Naku! Patay tayo kay Pressy nito..." sabi pa nung bakla saka isa-isang pinulot ang mga papel na nagkalat ganun rin ang ginawa ng babaeng nakabangga ko, tinulungan ko nalang din sila para mas mapadali. "Pasensya kana talaga ha?" muli ay sabi nito matapos naming pulutin lahat. "Ayos lang di mo naman sinasadya ee..." sagot ko. Weh?! Samantalang kanina naiinis ka dahil sa katangahan kuno ng babaeng kaharap mo? sabat naman ng utak kong mahadera. "Blue, mauna ka nalang. Susunod ako." sabi nya sa baklang kasama nya. "Sige, sumunod ka agad ha?" pahabol pa nito at sya na mismo ang nag dala ng mga bitbit kanina ng babae. Hinarap uli ako ng babae. "Nakatabi na kitang matulog, nakita mo na akong nakahubad, pero di ko pa rin alam ang pangalan mo." natatawang saad nito. Wow! Di ko naman talaga sya nakitang nakahubad ee... may undies pa naman sya nun. "What's your name by the way?" tanong nito. "I'm Lauren..." pakilala ko. "Nice name by the way I'm Ariane Grace Sylvia..." She said tsaka inilahad ang palad. Tinanggap ko naman ito. Ang lambot ng kamay nya halatang wala masyadong trabaho. "Nice to finally meet you again Lauren..." she said and sweetly smile. Langya! Ngayon ko kang napansin nakakatomboy ang ngiti nya. Ngumiti nalang din ako bilang ganti. "Lauren maiwan na muna kita ha? Kailangan ko pa kasing pumunta sa Quarter." Paalam nito. "Sige..." tipid kong sagot. Bago sya umalis ay bahagya nya muna akong niyakap. "Thank you ulit." muli ay saad nito bago umalis. Tinignan ko na lamang sya papalayo. Quarter? Pressy? VP? as in Vice President? Haaish! dahil nga late na akong nag enroll di ko talaga makikilala kung sinu-sino ang mga officers ng paaralang ito. "Hon!" sigaw ni Denise habang patakbong lumapit sa kinaroroonan ko. "Oh?! Anyare sayo?" tanong ko dito. "Hon, yung kausap mo kanina... kilala mo ba yun?" "Uhhm. Not so, kakakilala ko lang sa kanya. Bat mo natanong?" "Sya ang sagot sa mga problema natin!" saad nito na ipinag taka ko naman. "Sagot sa problema? What do you mean?" "Hon, di mo ba alam na isa sya sa pinaka mayaman dito sa school natin?" "Uhuh? Tapos?" di ko alam kong ano ang tinutumbok nya. "Makipag kaibigan ka sa kanya..." saad pa nito. Hmmm. Mukhang di ko gusto kung san papunta ang usapang to ah. "At bat ko naman gagawin yun?" "Hon, kailangan natin sya..." "Para saan?" "Kapag naging malapit kayo sa isa't isa, makakahiram tayo ng pera sa kanya edi solve ang problema natin..." paliwanag nito. "Ano?! Nasisiraan kana ba? Wala ka na ba talagang maisip na ibang paraan para lang mabayaran yang utang mo na hindi ko naman alam kung pano mo nakuha?!" galit na sabi ko. Syempre sino namang di magagalit sa pinag sasabi nya? "Hon, isang buwan lang ang binigay na palugit sakin ni Jasper, kapag di ko na bayaran agad yun ipapabogbog nya ko..." "Isang buwan?! Sige ibibigay ko sayo isang buwang sahod ko..." inis na sabi ko. Ibibigay ko kahit mawalan ako ng allowance. "Hon, kukulangin yun ang sabi nya kasi papatungan nya raw ng 5% every week." Yung totoo di ko alam kung bat nag kaganito si Denise, hindi naman sya ganito noon ee. Ni hindi ko alam kung tungkol saan ang utang nyang yun. Ang sakit nya sa ulo. Grabe! "F***! Bat ka ba nag kautang ng ganun kalaking halaga Denise?!" Tumahimik lang ito at di sumagot. "Hon, sa ngayon di ko pa pwedeng sabihin sayo ee. Pangako pag natapos ang problemang to sasabihin ko sayo. Pero Hon please... I really need your help." Pag susumamo nito. Napabuntong hininga na lamang ako. "Gagawa ako ng paraan pero hindi sa paraang gusto mo." Sa sobrang inis ko iniwan ko sya, at umalis na. Ayoko sana syang tulungan dahil hindi nya man lang masabi sakin kung bat sya nag kautang ng ganun, pero ayoko rin naman syang mabogbog. Nagpapart time job ako for my allowance and personal needs. at kung idadagdag ko pa ang utang na yun ni Denise di ko alam kung san ko kukunin ang perang kailangan nya. Minahal ko sya dahil sa simpleng lang sya, nag sisikap makapag tapos sa pag aaral pero simula nung masali sya sa grupong kinabibilangan nya ngayon, andami ng nag bago sa kanya. Minsan parang di ko na sya kilala, mas ikinagulat ko pa ngayon dahil gusto nyang mang gamit kami ng tao para lang maresolba ang problema nya. I should really avoid Ariane, ayokong idawit sya ni Denise sa gulong pinasok nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD