v

898 Words
“Have you decided already, Aya?” Aunt Ly, stated. I shrugged my shoulders. “I still haven’t think about it. I think I’ll just pass.” She glared at me. “Aya! You need to decide now. It’s just a week from now. Don’t be scared, I’ll come with you or I’ll just ask Jas to come with you. You need to face your past, darling. Show them that you’ve finally changed, for good. Be brave!” I don’t really know. It’s just that, I don’t think I’ll be able to hold my tears when I’ll see them. It still pains me, thinking about what happened before. A few years ago……... “Thaliya, hinahanap ka ng jowa mo!” Tawag ng kaklase ko sa akin. Sakto naman pag tingala ko, siya rin ang pagpasok ni Brandon. Napangiti ako. “Hey babe.” Saad nito at hinalikan ang aking pisngi. “Hey. San ka galling?” Tanong ko rito na nagpakunot ng kaniyang noo. Hinawakan niya naman ang aking braso ng pagkahigpit higpit. “Aaa-aray!” Agad naman itong bumitaw at tinignan ako ng masama. “Ang pakialamera mo talaga. Pati kung saan ako magpunta may issue ka?” Pagalit nitong sambit. Anong ibig niyang sabihin? Wala naman akong ginagawa. “Tinatanong ko lang naman eh.” “Buwesit!” Padabog itong umalis dahilan para pagkatinginan ako ng m kaklase ko. Lumapit naman si Mrtyll sa akin. “Thaya, okay ka lang ba? Namaga ang braso mo!” May pag-aalala sa boses nito at tumakbo palabras. Ilang minute muna ang lumipas ng bumalik ito na may dalang cream. Kinuha nito ng marahan ang aking mga braso at nilagyan ng cream. “Thaya, puwede ba akong magsalita?” Tumango naman ako. “May masama akong kutob kay Brandon eh. Kahapon nakita ko siya sa may bar may kasamang mga babae at mga lalaki. Nagtatawanan sila.” Tinignan ko naman ito ng maiigi. “Okay lang naman sa akin na makipagkaibigan siya, Mrtyll.” Sagot ko rito. “Hindi, hindi ganon, Thaya. Ikaw ang pinag-uusapan nila eh.” Napanganga ako sa sinagot nito. Pinag-uusapan ako nina Brandon at ng mga kaibigan niya? Bakit naman sila nagtatawanan? “Hindi ako nagloloko, Thaya. Huwag kang mag-alala tutulungan kita.” Napangiti ako sa sinagot nito at nagpalitan ng numero. *Phone Call* “Thaya, si Mrtyll ito. Andito sina Brandon at mga kaibigan niya sa rooftop ng KLB Bar.” “Okay. Hintayin mo ako diyan, Mrtyll. Salamat.” Agad ko naming pinatay ang tawag at nagbihis. “Andito parin ba sila?” Tanong ko rito. Tumango-tango naman ito at iginaya ako sa hagdanan. Hindi pa man kami nakakalapit sa pintuan ng rooftop, naririnig na naming ang mga tawanan ng mga kalalakihan. “Hinihintay ko na lang na bumigay na siya. At pagnangyari iyon, hihiwalayan ko na siya. Maganda’t matalino nga, bobo naman sa pag-ibig.” Si Brandon ba iyon? Napahawak naman ako sa riles ng hagdanan ng maramdaman ko ang mga palad ni Mrtyll sa aking likuran. “Okay ka lang ba?” Nag-aalala nitong tanong. Tanging tango na lamang ang sinagot ko at nagpatuloy kami sa pakikinig. “Bakit naman iyon nagkagusto sa’yo, Don?” Tanong ng boses lalaki. “Well, gwapo raw ako eh.” Naghalakhakan naman ang mga ito, ngunit parang bigla akong nahulog sa banga ng marinig ko ang isang pamilyar na boses. “Well, Brandon, huwag na huwag ka lang magpahalata. Ayokong madamay at baka magalit iyon sa akin. Alam niyo naman living bank ko iyon.” Saad nito. Agad namang nagpatakan ang mga luha sa aking mata. Napaupo na lamang ako, pinipigilan ang mga hagulgol na posibleng lumabas sa bibig ko. “Shhh. Okay lang iyan, tara umalis na tayo rito.” Saad ni Mrtyll, hawak-hawak nito ang aking mga balikat iginaya ako pababa ng hagdanan. “Thay! Anong nangyari sa kaniya?” Abalang tanong ng lalaki. “Si Brandon.” Saad naman ni Mrtyll. “Ang hayop na iyon. Binalaan ko na siya dati pa. Mapapatay ko talaga siya.” Bulong nito. Agad naman itong lumapit sa akin at kinarga ako palabras ng bar. Isinakay niya ako sa kotse at pumasok naman sunod si Mrtyll. “Dom, pakihatid naman sina Thaya at Mrtyll sa bahay nito.” rinig kong saad nito sa lalaki sa harapan. “No problem, bro. Please bring that bastard to the hospital for me.” Sagot naman ng lalaki. “Kahit hindi mo pa sabihin. Sige na. Magdahan dahan ka lang sa pag maneho. Alagaan mo yan.” “Of course, sakay ko rin kaya ang pinakamamahal ko.” Nilingon naman nito si Mrtyll at inirapan siya nito. “Thank you sa paghatid, ahhhh?” Sino to? Sino ‘yong lalaki kanina? “The name’s Dominik Marque, Thaliya, right?” Napatango naman ako. “Okay so, I gotta go. Babalikan ko pa iyong kaibigan ko. Baka makapatay pa iyon.” Bago pa ito makalayo sa amin, tinawag koi to. “Dominik!” Agad naman itong lumingon. “Yes?” “Si-sino yong lalaki kanina? ‘Yong kaibigan mo.” Napangiti naman ito. “Will.” Saad nito at tuluyan ng umalis. “Salamat, Will.” Bulong ko sa hangin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD