Chapter 22: Run Away

2322 Words
*Joanna’s POV* Nang makalabas ako ng kwarto namin ni Jason ay sobrang bigat ng dibdib ko at sobrang sakit din ng lalamunan ko kasi kanina ko pa pinipigilan ang sarili kong humikbi pero hindi ko na mapigilan ang mga luha kong tuloy tuloy na sa pag tulo mula sa mga mata ko pero nang mapansin ko na sa oras na pumatak ang mga luha ko ay nagiging isang niyebe ito ay agad agad ko itong pinunasan at pinilit ang sarili na huwag na umiyak pa. Isipin mo na lang Jo na para din ito sa ikabubuti ng lahat. Tahimik akong naglakad papunta sa lumang kwarto ko para kunin ang kahon kung saan ko tinago ang kwintas at ang diary. Pagkarating sa luma kong silid ay agad na akong pumasok at kinuha ang kahon sa ilalim ng kama. Kinuha ko ang diary at nilagay ito sa loob ng backpack na dala dala ko habang yung kwintas naman ay inalis ko sa lalagyan nito at inilagay ko sa bulsa ng backpack ko dahil hindi na kasya pa sa ibang parte ng bag, masyado ring mababaw ang bulsa ko kaya baka mahulog. Pagkatapos kong mailagay ang kwintas at diary sa bag ko ay agad na akong lumabas ng kwartong yun at naglakad pababa ng hagdan. Bago pa man ako makarating sa main door ng palasyo ay nadaanan ko pa ang pinto ng clinic. Gusto ko pa sanang pumasok sa loob pero baka magising lang sila Andrea kaya nag diretso na lang ako sa pag lalakad palabas ng palasyo. Pagkatungtong ng paa ko sa labas ng palasyong aking naging tahanan sa mga nakaraang bwan ay nakaramdam ako ng sobrang bigat sa dibdib ko pero huminga na lang ako ng malalim at naglakad na palayo sa palasyo. Bawat hakbang na ginagawa ko ay parang kutsilyong sumasaksak sakin. Ayoko mang malayo sa inyo pero kailangan. Kailangan ko munang matutunang kontrolin ang kapangyarihan ko bago ko hayaan ang sarili kong makasama kayo. Tuloy tuloy lang ako sa pag lalakad hanggang sa makarating ako sa gubat. Mula dito ay nilingon kong muli ang palasyo, may iilang ilaw ang nakasindi rito pero karamihan ay tulog pa. “Mahal na reyna, saan ka po patutungo?” Tanong ng isang nilalang na hindi ko nakikita. “Black, ikaw ba yan?” Tanong ko sa hangin. Bago pa man siya sumagot ay may nakita na akong isang umiikot ikot na hangin sa harapan ko, nakatingin lang ako dito hanggang sa tuluyan na nga itong nag anyong tao. “Opo, ako nga po,” sagot ni Black. “Black bakit ka nandito?” Tanong ko kay Black at pinunasan ang mga mata ko tsaka inayos na rin ang pagkakasabit ng backpack sa likod ko. “Namamasyal lamang po ako sa paligid mahal na reyna,” sagot ni Black at kita ko ang pagtatakha sa mukha niya habang nakatingin sa bag na nakasukbit sa likod ko. “Para saan po ang kahong iyan?” Tanong ni Black habang tinuturo ang bag sa likod ko. “Ah ito ba?” Sabi ko at tumagilid ako ng kaunti para ipakita sa kanya ang bag sa likod ko. “Kailangan ko kasing umalis,” malungkot na sagot ko sa kanya. “Kailangan kong makalayo rito. May alam ka bang lugar kung saan makakapag sanay ako ng walang nasasaktang iba?” Tanong ko sa kanya. “Umalis? Bakit po mahal na reyna?” Tanong niyang muli pero umiling lang ako sa kanya. “Basta,” sagot ko. “Huwag na huwag mong sasabihin kahit na kanino na nakita mo akong umalis ngayong gabi, maliwanag ba?” Pag utos ko sa kanya at tumango naman siya. “Masusunod po mahal na reyna,” sagot niya sakin kaya tumango naman ako sa kanya at nag simula na maglakad palayo sa palasyo. “Mahal na reyna, kung inyo po akong pahihintulutan, nais ko po sanang samahan kayo sa inyong paglalakbay,” sabi ni Black pero hindi ko siya pinansin at nag tuloy tuloy lang sa pag lalakad. “Mapoprotektahan ko po kayo,” dagdag pa ni Black pero hindi pa rin ako humihinto sa pag lalakad. “Mahal na reyna! Sige na po, payagan niyo po ko,” medyo malakas na pag kakasabi niya. “Hindi maaari Black! Maiiwan ka dito,” sabi ko sa kanya ng hindi man lang siya nililingon. “Pero ikaw po ang aking reyna at kung nasaan ka po ay doon din po kaming mga aeros,” sabi ni Black kaya napahinto ako sa paglalakad. Oo nga pala, hindi nila susundin sila ni Jason dahil ako lamang ang kinikilala nilang reyna. “Pwes inuutusan ko kayong lahat ng mga aeros na maiwan dito sa kaharian ng Venandi upang protektahan at magmanman ng mga kaganapan dito, at sa sabihin sa akin ang kahit na anong impormasyong nanaisin kong malaman,” seryosong sabi ko sa kanya kaya napahinto din naman siya sa paglalakad. Mga ilang segundo pa siyang natahimik bago sumagot. “Masusunod po mahal na reyna, ngunit suotin niyo po itong pulseras,” sabi niya at inabot sakin ang isang pulseras na gawa sa mga kulay asul na mga maliliit na bato. “Ibulong mo lamang po ang pangalan ko diyan at malalaman ko po kaagad kung saan ka naroroon at agad agad po akong darating,” sabi ni Black. “Salamat. Tandaan mo Black, walang dapat makaalam sa pag alis ko,” pag papaalala ko sa kanya. “Masusunod po mahal na reyna,” sabi ni Black habang nakayuko bilang pag bibigay galang at pag tayo niya ay unti unti na naman siyang naging hangin. Nagpatuloy na din ako sa paglalakad hanggang sa maka abot ako sa kalagitnaan ng gubat at habang naglalakad ay may nararamdaman akong mga presensiyang kanina pa sumusunod sakin kaya binilisan ko ang paglalakad ko pero ramdam kong sinasabayan din nila ang bilis ko kaya tumakbo na ako gamit ang bilis ko bilang isang bampira. Tuloy tuloy lang ako sa pag takbo. Siguro mag dadalawang oras na akong tumatakbo gamit ang bilis ko bilang bampira at alam kong sobrang layo ko na ngayon sa palasyo, ngunit ang pinagtatakha ko lamang ay bakit hanggang ngayon ay sinusundan pa rin ako ng mga nilalang na kanina pa sumusunod sa akin kaya naman ay naisipan ko nang harapin sila. Tumakbo ako papunta sa likod ng isang napakalaking puno, kasing laki ito ng mga puno doon sa likod ng bahay ni Lex pero ang kinaibahan lamang ay hindi ito gumagalaw. Pagkatago ko ay dahan dahan kong inilabas ang espadang dala dala ko at hinanda ang sarili ko para umatake, tinago ko na rin ang presensya ko upang hindi nila ako agad agad mahahanap. Dahil nasa kagubatan pa rin kami ay rinig na rinig ko ang bawat pag hakbang ng mga paa nila. Mahihina lamang ito ngunit tinatalasan ko ang pandinig at pakiramdam ko kaya naman ay alam ko kung nasaan sila naka tayo at ang isa sa kanila ay malapit lamang dito sa pinag tataguan ko. Dahan dahan akong nag lakad palapit sa nilalang na malapit lang sa pinag tataguan ko. Napansin ko na ang mga nilalang na kanina pa sumusunod sakin ay nakasuot ng mahabang balabal, meron rin itong hood kaya naman ay natatakpan ang mga mukha nila. Nagmamasid sila sa paligid nila at mukhang hinahanap kung nasasaan ako pero huli na ng makita nila ako dahil agad ko nang sinakal ang isa sa kasamahan nila sa leeg gamit ang siko ko mula sa likuran nito at ang espada ko naman ay naka tutok sa mga kasamahan niya. “Ack!” Rinig kong daing ng nilalang na sinasakal ko at agad namang napalingon ang mga kasamahan niya kaya mas lalo kong diniinan ang pagkakasakal sa nilalang na hawak hawak ko. “Argh!” Reklamo muli nito. Bakit parang pamilyar ang boses nito? Ah bahala na! Meron pa kong mga nilalang na hindi ko pa alam sa mundong ito kaya baka ginagaya lamang nito ang boses ni Rhoda. “Bakit niyo ko sinusundan!?” Seroso at malamig kong tanong sa kanila. “Teka teka Jo!” Sigaw ng isa sa mga nilalang at tinanggal ang suot suot niyang hood at ganun din ang ginawa ng iba pa nitong kasama. Hindi ko mapigilang magulat dahil hindi pala ito kung sino o anong nilalang lamang, kundi sila ni Andrea, Catliya, Eryell at Neca. Nabalik naman ako katinuan ng may maramdaman akong ilang hampas sa kamay kong nakasakal sa leeg ng nilalang na hawak hawak ko kaya agad ko itong binitawan kaya sunod sunod naman itong umubo ubo at agad naman siyang tinulungan nila Neca at Eryell at nang mahabol na niya ang hininga niya ay humarap na siya sakin at tama nga ang hinala ko, si Rhoda nga ang sakal sakal ko kanina. Humakbang ako palayo sa kanila pero naglakad din sila palapit sakin kaya umatras din ako ay tinutok sa kanila ang espadang hawak hawak ko. “Anong ginagawa niyo dito?” Seryosong tanong ko sa kanila. Bakit sila nandito? Diba nasa clinic sila kanina? Tsaka sugatan sila diba? At yun ay dahil sa akin. “Mukhang nasundan ka yata,” rinig kong sabi ng elemento ng niyebe. “Ano pa nga ba?” Tanong ni Catliya at pinagkrus ang mga kamay sa dibdib niya. “Sasama kami sayo,” seryosong sabi ni Andrea. “T*nga ka ba o b*bo?” Galit na tanong ko sa kanya. “Bumalik na kayo dun,” sabi ko sa kanila sa malamig na tono at ibinalik sa lalagyan ng espada ang espadang hawak ko. “Nope,” maikling sabi ni Rhoda kaya napatingin naman ako sa kanya ng masama. “Sasama kami sayo Jo,” dagdag naman ni Neca. “Bumalik na kayo sa palasyo!” Galit na sigaw ko sa kanila pero hindi man lang sila natinag at tumingin lang sakin ng seryoso. “Bakit ba ang titigas ng mga ulo niyo!? Ligtas kayo dun kaya bumalik na kayo!” Sigaw ko sa kanila at naramdaman ko na namang muli ang pag lamig ng paligid namin pati na rin ang malakas na hangin kaya agad agad ko namang tinakpan ang bibig ko at pinigilan ang sarili kong maiyak na namang muli. “Joanna,” tawag sakin ni Andrea at naglakad palapit sakin kaya umatras naman ako agad. “Jo okay lang,” sabi ni Catliya at lumakad din palapit sakin kaya umiling iling ako. Hindi, hindi okay. Ayoko na kayong saktan pa ulit. “Huwag kang mag alala, okay lang Jo,” sabi ni Neca at ngumiti sakin pero hindi ko pa rin maalis sakin ang takot, hindi para sa sarili ko kundi para sa kanila. Ayoko nang makapanakit pa ng ibang nilalang lalong lalo na sila. Tuloy tuloy lang silang naglakad palapit sakin at tuloy tuloy lang din ang pag iling at pag atras ko hanggang sa matalisod na ako sa isang ugat ng puno kaya naman ay napaupo ako sa lupa. “Haha ano ba yan Jo, clumsy ka pa rin talaga,” sabi ni Eryell at hinawakan ang kanang kamay ko para tulungan akong makatayo ulit. Babawiin ko na sana ang kamay ko ng higpitan niya ang pagkakahawak sakin kaya napatingin ako sa kanya at nakita ko naman ang sinserong ngiti niya. May humawak din sa kaliwang kamay ko kaya napalingon ako dito agad at nakita si Rhoda. “Kahit na sinakal mo ko kanina di pa rin kita papabayaan no,” nakangiting sabi ni Rhoda. Nang makatayo na ako ulit ay tinignan ko silang lima isa isa at pareho lang silang nakangiti ng totoo sa akin. Bakit...Bakit ganyan kayo? “Bakit?” Naiiyak na tanong ko sa kanilang lima at mas lumawak pa ang ngiti nila. “Simple lang,” panimula ni Rhoda. “Kasi kaibigan ka namin,” sabi ni Eryell. “Kasi kapatid ka namin,” dagdag ni Andrea. “Kasi bunso ka namin,” sabi rin ni Catliya. “At walang makakapalit sayo,” dugtong ni Neca. Dahil sa narinig kong mga sinabi nila ay hindi ko na napigilan ang sarili kong maiyak kaya tinakpan ko ng mga palad ko ang mukha ko at nilabas na lahat ng luhang kanina ko pa pinipigilan. “Awww umiiyak si bunso,” rinig kong sabi ni Rhoda at maya maya lamang ay naramdaman ko na lang ang init ng mga yakap nila na kahit malamig ang nararamdaman ng balat ko ay mas lamang pa rin naman ang init ng pag mamahal na pinapadama nila sakin. “Thank you,” bulong ko sa kanila habang umiiyak. “I-I’m sorry. I’m sorry kung nasaktan ko kayo, hindi ko gustong mangyari yun,” sabi ko sa kanila at kumalas naman sila sa yakap namin kaya tumingin ako sa kanila. “Oo alam namin,” sagot ni Catliya habang nakangiti. “Tsaka huwag kang mag alala about samin Jo,” sabi ni Eryell. “Etong mga sugat na ‘to? Sus! Wala lang ‘to no,” mayabang na sabi ni Rhoda. “Wala daw pero kanina sinakal ka lang eh maiyak iyak ka na,” tukso ni Neca sa kanya. “G*ga! Malamang may sugat pa eh tapos bigla daw ba namang sakalin,” sabi ni Rhoda at inirapan ako kaya napayuko na lang ako. “Sorry,” mahinang sambit ko. “Joke lang, eto naman,” sabi ni Rhoda at inakbayan ako kaya napatingin ako sa kanya. “Paganti na lang ako mamaya,” nakangiting sabi niya kaya napangiti na lang din ako. “Thank you and sorry ulit,” sabi ko sa kanila ulit kaya nakatanggap naman ako ng malakas na batok sa ulo. “Kanina ka pa sorry ng sorry eh, okay na nga diba,” sabi ni Andrea na nakapa meywang pa. “Sorry,” sabi ko ulit kaya pinandilatan niya naman akonng mata at di ko na napigilang matawa. “Hahaha okay di na ko mag sosorry,” nakangiting sabi ko sa kanila at ganun din naman sila sakin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD