Chapter 8: Another Disaster

2333 Words
*Joanna’s POV* Nakalipas ang dalawang araw na wala akong ginagawa kundi ang mag basa lang ng mag basa ng mga librong pinapabasa sakin ni Jason nung nakaraang araw. “Argh grabe ang sakit pa rin talaga,” reklamo ko habang hinihilot ang sintido ko, hanggang ngayon kasi ay nananakit pa rin ito at parang pumipitik-pitik pa siguro dagdag na rin yung ang dami kong binasa nitong mga nakaraang araw. Sa ngayon ay nandito ako sa may library at nag babasa pa rin ng libro, may ibang libro akong hindi masyado maintindihan kasi ibang lengwahe naman ang nakasulat dito, kahit na gustuhin ko mang itanong kay Jason ay hindi ko magawa dahil sobrang busy niya nitong mga nakaraang araw pero naiintindihan ko naman yun kasi nga isa na siyang hari ngayon, hindi lamang ako ang kailangan niyang isipin kundi pati na rin ang kapakanan ng mga nilalang na nasasakupan niya pati na rin ang pag papalago sa ekonomiya ng kaharian ng Venandi. “Mahal na reyna, pinapatawag na po kayo ng hari, kakain na daw po ng hapunan,” biglang sulpot ng isang taga silbi sa tabi ko. “Huh? Gabi na ba?” Tanong ko sa kanya. “Opo mahal na reyna,” sagot niya sa tanong ko. “Ah ganun ba, sige susunod na ko, aayusin ko na lamang ‘to,” sabi ko sa babaeng taga silbi. “Ako na ho ang gagawa niyan mahal na reyna, baka mapagod pa po kayo,” sabi niya pero umiling lang ako sa kanya. “Ayos lang, kaya ko na ‘to. Sige na, gawin mo na ang iba mo pang kailangan gawin,” utos ko sa kanya kaya tumango naman siya at yumuko bilang pag bibigay galang at tuluyan na ngang nawala sa tabi ko. Sinimulan ko na ayusin ang mga librong nakapatong sa lamesa, may mga libro pa akong hindi nababasa dito. Inikot ko ang paningin ko sa buong library at may iilang bampira akong nakikitang nagbabasa ng mga libro dito, ang iba sa kanila ay magkakatabi pang nag babasa ng libro, may mga bata ring kasama ang nanay nila para mag aral. Kanina pa ko dito sa library pero ni isa man lang sa mga bampirang pumasok dito ay walang tumabi sakin, siguro natatakot din sila na baka magalit ako kung maki share sila ng lamesa or baka naman naiintimidate lang sila? Pinagpatuloy ko na lang ang pag aayos ng mga librong kinuha ko. Kinuha ko muna ang isang librong tapos ko na basahin kanina at ang isa pang libro na binabasa ko nung tawagin ako ng taga silbing bampira tsaka na ako naglakad papunta sa mga book shelves dito para ibalik ang mga libro sa kung saan ko ito kinuha kanina. Binigyan naman ako ni Jason ng isang papel na may nakasulat ng title, author at kung saang book shelf nakalagay ang mga libro eh kaya madali ko lang nalaman kung saan ito mahahanap at ibabalik. Pagbalik ko sa lamesang kinauupuan ko kanina ay may tatlong makakapal na libro pa ang nakapatong doon, ito yung mga librong hindi ko pa nababasa, ang kakapal kasi masyado kaya parang nakakapang hina kapag tinitignan ko ‘to, parang dictionary na kasi sa kapal eh. “Siguro bukas masisimulan ko na basahin ‘tong isang libro,” nasabi ko na lang sa sarili ko at binitbit na ang dalawang libro, iniwan ko muna dun yung isang libro kasi masyado na mabigat eh. Ibinalik ko na sa book shelf ang dalawang librong yun at ngayon naman ay nag lalakad na ko papunta sa isang book shelf sa pinaka dulong bahagi ng library. Pag karating doon ay agad kong hinanap ang liber 14, ang ibig sabihin ng liber ay libro sa salitang latin. Habang hinahanap ang liber 14 ay napansin ko rin ang title ng librong hawak ko. Historia Venandi Ito yata yung libro about sa history ng Venandi, halata naman sa title ng libro eh. Gusto ko sanang basahin ‘to ngayon kaso di ko maintindihan eh nasa latin kasi ang pagkakasulat nito. Ibabalik ko na sana ang libro sa book shelf ng biglang may mahulog na kapiraso ng papel mula sa libro. Pinulot ko ang papel na ‘to at ibabalik na sana sa loob ng libro ng mapansin ko ang naka guhit dito gamit ang lapis o uling. Merong mga puno at ilang mga bahay na may patusok ang hugis ng bubong nito, meron ring parang maliit na talon sa gitna ng mga bahay at puno, ang ganda ng pagkakaguhit dito pero sigurado ako mas maganda pa ‘to kapag merong kulay kaya naisipan kong itago na lang ang drawing at ibinalik ko na ang libro sa book shelf. Pagkatapos kong ibalik sa book shelves ang mga librong ginamit ko kanina ay lumabas na ako ng library at nag tungo na sa dining area. Pagkarating sa dining area ay nadatnan ko silang lahat na nakaupo na at nag uusap usap. Pinagmasdan ko lang silang lahat na nagtatawanan at nag aasaran habang nakatayo dito sa may pinto ng dining area. “Ba’t di ka pa umuupo?” Biglang tanong ng isang lalaking kilalang kilala ko ang boses sa likuran ko, si Jason. “Nothing, ang saya lang kasi tignan na kumpleto tayong lahat at masaya,” sagot ko sa kay Jason ng hindi lumilingon, naramdaman ko ang pagyakap niya sakin mula sa likuran ko paikot sa bewang ko at ang pag patong ng baba niya sa kanang balikat ko. “You’re right, but I will be the happiest vampire in the whole world when our child is born,” bulong niya sakin kaya napatingin naman ako sa kanya. “Ako rin,” nakangiting sagot ko sa kanya. “Oh nandiyan na pala kayong dalawa eh, halina kayo at kakain na tayo,” biglang tawag sa amin ni Mommy Josephine. “Let’s eat?” Pag aaya sakin ni Jason na tinanguan ko naman agad. “Tara, gutom na ko eh,” sagot ko sa kanya at bigla na nga lang tumunog ang tiyan ko na alam kong narinig ni Jason kasi natawa naman agad ang loko. “Hahaha mukha nga,” nanunuksong sabi niya. “Ewan ko sa’yo,” sabi ko sa kanya at nauna na maglakad papunta sa upuan ko at naramdaman ko naman ang pag sunod niya sakin. Pagdating sa upuang nakalaan sakin ay pinaghila ako ni Jason ng upuan. “Thank you,” nakangiting pasasalamat ko sa kanya. “You’re always welcome,” nakangiting sabi niya at naupo na sa upuan niya which is nasa dulong bahagi ng isang rectangle na lamesa, nasa kabilang dulo naman si Tita Violet. Si mom at ate Jasmine naman ay nasa kaliwa ni Jason at ako naman ay naka upo sa upuan sa kanan ni Jason. Sila ni Andrea at Andrew ay magkakatabing naka upo sa kanan ko, sa kanan naman ni Andrew ay sila ni Catliya at Rence. Nasa kaliwa naman ni ate Jasmine sila ni Rhoda, Aldrin, Eryell at Nicolo. Si Kevin naman ay nasa tabi ni Nicolo at si Neca naman ay nasa tabi ni Catliya, buti nga hindi nag rereklamo si Neca na hindi sila magkatabi ni Kevin eh. “Here,” nabalik kay Jason ang atensyon ko ng iabot niya sakin ang bowl ng kanin kaya kumuha na ko ng sapat na kanin para sakin at nilagyan ko na rin siya sa plato niya. “Thanks,” rinig kong sabi ni Jason kaya nginitian ko naman siya at nilagyan na din ang plato ko at sa kanya ng ulam tsaka nag simulang kumain. Habang kumakain ay nag uusap lang sila ni mom at ni Jason ng tungkol sa pag aangkat ng mga produkto mula sa ibang kaharian. Kahit papano naman ay may alam na ko sa mga produktong inaangkat nila mula sa mga katabing kaharian ng Venandi. “Ikaw Joanna, may nais ka bang bilhin o ipadala sa susunod na pag aangkat?” Tanong sakin ni mom. “Ah wala naman po kong kailangan tsaka kung meron man po eh nandito na naman po sa kaharian natin,” sagot ko sa kanya na tinanguan niya lang. Pinagpatuloy ko na lang ang pag kain ko habang nakikinig sa kanila. Sa totoo lang eh parang wala rin akong ganang makipag usap muna sa kahit na sino kasi pakiramdam ko eh ang tamlay tamlay ko kahit na araw araw naman akong nag eexercise at nagsasanay. “Uy Jo paabot naman nung kanin,” biglang sabi ni Catliya na nagpabalik sakin sa reyalidad. Tumingin muna ako sa kanya at iniisip kung ano yung sinabi niya. “Yung kanin daw Jo, paabot,” sabi ni Andrea sakin, “Ahh,” nasabi ko na lang at agad kong inabot ng kaliwang kamay ko yung bowl ng kanin. Pagka angat ko pa lang sa bowl ng kanin ay nagulat ako at bigla na lang itong nabalot ng yelo kaya agad ko din itong nabitawan na naging dahilan para bumagsak ito sa lamesa. Nanlalaki lang ang mga mata kong nakatingin sa bowl na kanina lamang ay pinagkunan pa namin ng mainit na kanin pero ngayon, ngayon parang isang bola ng yelo na ‘to. “I-I’m s-sorry,” nanginginig na sabi ko. A-Ano na naman bang nangyari? O-Okay naman ako kanina ah? “Uhm, d-don’t worry iha, magpapakuha na lang ako ng bago,” sabi ni mom at inutusan ang isang babaeng bampirang maid na kumuha pa ng kanin mula sa kusina. “Joanna?” Narinig kong tawag sakin ni Jason kaya tumingin ako sa kanya. May mga luha na ring namumuo sa mga mata ko pero pinipigilan ko lang ito. “Everything is going to be alright,” bulong sakin ni Jason at sinubukang hawakan ang kamay ko pero iniwas ko ito, baka kasi may magawa pa akong pag sisisihan ko. Tumango na lang ako sa kanya at yumuko na lamang. Ang sakit na din ng lalamunan ko kasi pinipilit kong labanan ang takot ko pati na rin ang pag iyak ko kaya naisipan kong kunin ang baso ng tubig na ininuman ko kanina. Inabot ko ito gamit ang kanang kamay ko kasi iniisip ko na baka mag freeze na naman ‘to kapag ang kaliwang kamay ko ulit ang ginamit ko. Pagkaabot ko ng baso ay nakahinga ako ng maluwag dahil hindi ito nabalot ng yelo kaya iinumin ko na sana ito ng bigla na lang sumabog ang baso ng tubig sa kamay ko, at ang laman nitong tubig ay nagmistulang mga maliliit na crystal na nahulog sa lamesang pinagkakainan namin. Nakatulala lang kaming lahat sa nangyari, lalo na ako, hindi ko na nga napigilan pa ang pagtulo ng luha ko. Hindi ko na kaya ‘to. Natatakot na ko para sa kaligtasan ng mga kasama ko. Tumayo na ko at agad na lumabas ng dining area. Imbes na dumiretso sa kwarto namin ni Jason, ay doon ako pumunta sa lumang kwarto ko at ni lock kaagad ang pinto. Pagkapasok sa loob ay hinayaan ko na ang sarili kong umiyak. Napaupo na lang ako sa sahig habang nakasandal sa pinto habang umiiyak. “Joanna!” Narinig kong sigaw ni Jason sa labas ng kwarto kung nasaan man ako ngayon. Tinakpan ko ang bibig ko gamit ang mga kamay ko, wala na akong pakialam kung mag freeze man ako dahil sa paghawak ko sa bibig ko pero hindi naman ‘yon nangyari. “Tsk tsk tsk,” narinig ko na naman ang boses ng elemento ng niyebe. “Kawawang Joanna, hindi alam kung paano kokontrolin ang sarili niya,” sabi nito sa tonong naaawa pero alam kong hindi iyon totoo dahil tuso siya, siya ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito ngayon. “Tumahimik ka,” matigas kong sabi sa elemento pero tumawa lang ‘to. “Hahahaha aminin mo na lang kasi,” panimula nito na ikinakunot noo ko. “Aminin ang alin?” Tanong ko sa kanya. “Na kahit kailan, hinding hindi mo magagawang kontrolin ang kapangyarihan ko,” sabi nito at tumawa ng malademonyo. “Hindi! Kaya ko! Kakayanin ko!” Sigaw ko rito na para bang nasa harap ko lang siya. “Talaga ba? Eh ba’t hindi mo tignan ang paligid mo?” Sabi nito at dun ko nga lang napansin ang pag-iiba ng temperatura sa loob ng kwartong ‘to. Kanina hindi ako nakakaramdam ng lamig ngunit ngayon, nanunuot na ito sa kalamnan ko. Inilibot ko ang paningin ko sa buong kwarto. Lumuluha at nanginginig ako sa takot dahil sa nakikita ko ngayon. “H-Hindi, H-Hindi pwede t-to,” nanginginig na sambit ko habang tinitignan ang lumang kwartong ‘to na unti unting nababalot sa yelo. Ang mga cabinet at divider dito at nabalot na sa makapal na yelo. Ang sofa naman ay meron na ring mga namumuong niyebe sa ibabaw nito. Ang kamang natatakpan ng puting tela dati, ngayon ay niyebe at yelo na ang nakabalot dito. Pati na rin ang bubong ay naging kulay puti na rin dahil sa yelo. Nakikita ko pa kung paano gumapang ang yelo sa bubong hanggang sa tuluyan na nga nitong nabalot ang kisame. “Nakita mo na? Ikaw ang may kasalanan niyan, lahat ng yan, ikaw ang may kagagawan,” rinig kong sabi ng elemento ng niyebe sakin na para bang binulong niya ito sa tenga ko. “H-Hindi! Tama na! Tama na!!!” Sigaw ko at tinakpan ang magkabilang tenga ko at siniksik ang sarili ko sa pinto habang ang mga tuhod ko at ang ulo ko ay magkadikit na dahil sa pagkakayuko ko pero naririnig ko pa rin siyang tumatawa at palakas ito ng palakas. “Tama na!!!!!” Sigaw kong muli habang umiiling at nakikita ko na din ang mga luha kong tuloy tuloy lang sa pagpatak mula sa mga mata ko. “Tama na, please, tama na,” paulit ulit kong sabi hanggang sa di ko na namalayan na nakatulog na pala ako sa loob ng kwartong nabalot na sa yelo at niyebe.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD