Chapter 41: The Eight Keepers

2361 Words
*Joanna’s POV* Kakatapos lang namin kumain at nag kanya kanya na kaming balik sa silid namin maliban na lang kay Rhoda na nag paiwan muna sa kusina para mag hugas ng mga pinag kainan namin. Habang ako naman ay bumalik na muna sa pag babasa ng mga papel na hiniram ko kanina kay Elizabeth. *Third Person’s POV* Habang ang mga prinsesa ay nag papahinga sa kani kanilang mga silid ay okupado naman ang isip ni Joanna sa mga nalalaman niya at nababasa miya mula sa mga liham na sinulat mismo ng elemento ng niyebe noong kapanahunan pa nito. Sa kabilang dako naman ng mundo nila ay ang palasyo ng mga Hunter kung saan naroroon ang mga prinsipe at ang ina ng hari na nag pupulong sa silid trono ng palasyo. “Tita hindi ba dapat ay ipaalam natin ito sa kay Jason?” Tanong ni Rence, ang prinsipe ng apoy. “Huwag na muna sa ngayon, masyado pa siyang okupado sa pamamalakad ng palasyo at sa pag hahanap sa kanyang reyna, pati na rin sa mga prinsesa,” sagot ni Josephine sa kay Rence. “Eh tita ano na pong plano natin?” Tanong naman ni Aldrin. “Wala tayong ibang mapag pipilian kundi ang paunlakan ang kagustuhan nilang bumisita dito sa atin,” sagot sa kanya ni Andrew. “Pero alam niyo naman yung tungkol dun sa pinsan ni Jason diba?” Sabi ni Nicolo. “Oo nga, nakaka irita pa naman yung babaeng yun,” sambit na lang ni Kevin at hindi napigilan ang pag irap. “Tahimik!” Saway ni Josephine sa mga prinsipe na puro na lamang reklamo at pag angal ang sinasambit. “Ako na ang bahalang mag sabi kay Jason,” sabi na lamang ni Josephine. “Pano po pala si Jasmine tita? Papauwiin mo po ba siya?” Tanong ni Aldrin sa tiyahin niya. “Hindi, huwag niyo rin muna ipapa alam sa kanya ang tungkol sa pag dating ng pamilya Mclin,” bilin ni Josephine. “Tita kelan po ba sila darating?” Tanong ni Kevin. “Sa susunod na kabilugan ng buwan,” sagot ni Josephine sa kanya. “Ibig sabihin sa huling araw ng nobyembre,” sambit ni Kevin na tinanguan naman ng mga kasama niya sa silid. “Kailangan nating pag handaan ang kanilang pag dating,” sabi ni Josephine. “Kailangan pa ba yun?” Pabulong na tanong ni Rence ang kaso nga lang ay narinig ito ni Josephine. “Oo Rence, kailangan iyon, dahil kahit na anong gawin natin ay mga maharlika pa rin sila,” matigas na sabi ni Josephine. “Sabi ko nga po,” napapa kamot na lang sa batok si Rence. “Sige na, bumalik na muna kayo sa mga silid ninyo,” sabi na lamang ni Josephine sa mga prinsipe kaya yumuko na lang ang mga ito sa kanya at sunod sunod na lumabas ng silid trono. “Sana bumalik na ang mga prinsesa, lalong lalo na ang reyna, dahil hindi ko alam kung ano ang maaaring ipagawa ng mga vampiros reales de antaño sa oras na maka rating na dito ang pamilya Mclin,” naibulong ko na lang sa hangin habang naka tingin sa malaking bintana dito sa loob ng silid trono kung saan nakikita ko ang buwan. Ayokong may gawin ang anak ko na labag sa kanyang kalooban, alam kong mahal na mahal niya ang kanyang asawa kung kaya’t gagawin ko ang lahat para maging masaya lamang siya muli. *Josephine’s POV* Nag lakad na ako palabas ng silid trono at nag lakad papunta sa altar ng palasyo, kung saan ako hihingi ng payo sa mga taga bantay ng altar, ang mga bampirang inutusan ng mga elemento mismo upang bantayan ang sagradong lugar na iyon. Pagka rating ko pa lamang sa harap ng pinto ng altar ay ramdam ko na ang kakaibang presensya sa loob nito. Huminga muna ako ng malalim bago inabot ang seradura ng pinto ngunit hindi ko pa man ito nahahawakan ay kusa na itong nag bukas at mula dito sa kinatatayuan ko ay kita ko na ang walong bampirang naka tayo palibot sa isang malaking bilog na lamesa kung saan sa gitna nito ay merong mga lumulutan na mga simbolo ng mga elemento. Isang maliit na bilog ng araw na nakapatong sa isang ulap, isang maliit na kahalintulad ng itsura ng isang kidlat na lumalabas sa isang itim na ulap habang umuulan, tatlong pirasong bulaklak na may iba’t ibang kulay habang naka tanim sa isang kumpol ng lupa, isang kulay asul na apoy na nag liliyab, isang kumpol ng tubig na tumutulo ngunit kahit kailanman ay hinding hindi mauubos, isang maliit na ipo ipong umiikot ikot kasabay ng iba pang elemento, isang piraso ng yelong kahit kailanman ay hinding hindi matutunaw, at sa gitna ng mga elementong umiikot ikot ay ang isang piraso ng niyebe na naka lutang lamang sa gitna ng mga umiikot na elemento dito. Unti unting lumingon sa direksyon ko ang mga bampirang taga bantay kung kaya’t yumuko ako kaagad sa kanila. “Paenitet enim turbare te,” sambit ko kaagad ng maramdaman ko ang tagos sa butong mga titig ng mga taga bantay. (I’m sorry for disturbing you) “quid vis?” Sabay sabay na tanong ng mga taga bantay. (What do you want?) “Ego sum hic quaerere vestri ductu,” sagot ko sa tanong nila habang naka yuko pa rin. “Caput attollere, lamia,” utos ng mga taga bantay kung kaya’t inayos ko na ang aking pagkaka tayo at tumitig sa kanila ngunit hindi ko magawang tumingin ng diretso sa kanilang mga mata, dahil sa lamig ng mga titig nila, kung kaya’t naka tingin na lamang ako sa kanilang mga paanan. (Raise your head, vampire) Nag lakad ako palapit sa kanila at sa bawat hakbang na ginagawa ko ay naka titig lamang sila sakin. Nang medyo nasa malapitan na ako sa kanila ay huminto na ako at tinanong ang katanungang nais kong masagot. “Ut scio, si regina veniet retro domum, mox?” Tanong ko sa kanila habang naka tingin sa niyebeng nasa gitna ng mga simbolo ng mga elemento. Hinihintay ko ang sagot nila pero mukhang wala yata silang balak sabihin ito sakin dahil naka tingin lamang sila at hindi sinasagot ang tanong ko. (May I know if the queen will come back home, soon?) “Ut scio, ubi regina est?” Pag iiba ko na lamang ng tanong sa kanila pero katulad ng kanina ay hindi pa rin nila ito sinasagot. (May I know where the queen is?) “Ipsa est plenitudo eius fatum nunc,” sabay sabay na sabi nilang walo kaya napa kunot noo naman ako. (She is fulfilling her fate now) “Fatum? Quid fatum?” Nag tatakhang tanong ko sa kanila. (Fate? What fate?) “Eius praedestinavit fatum,” sabay sabay muli silang sumagot sa tanong ko. (Her predestined fate) Predestined? Ibig sabihin ay nakatakda na ang mangyayari sa kanya? Pero ano naman yun? Ano ang mangyayari sa reyna ng aking anak? “Potes mihi dicere, eius fatum?” Tanong ko sa kanila pero tumalikod na sila sa akin at humarap nang muli sa mga elemento at ipinag patuloy ang kanilang ginagawa kanina. (Can you tell me her fate?) “Custodes, commodo, potes mihi dicere, eius fatum?” Tanong kong muli. (Keepers, please, can you tell me her fate?) “Relinquere,” sambit na lamang nila pero lumapit pa ako sa kanila at naki usap muli. (Leave) Kailangan kong malaman ang tungkol doon upang masabihan ko ang aking anak. “Obsecro, dic mihi,” pag pupumilit ko ngunit mukhang nakakaistorbo na talaga ako sa kanila kung kaya ay sabay sabay muli silang lumingon sa akin at sumigaw. (Please, tell me) “Relinquere!!!ang” Sigaw nila na sinabayan ng malakas na hangin na nag tulak sa akin palabas ng altar, ni hindi ko man lang ito kayang labanan kaya dire diretso lamang akong nililipad ng hangin palabas ng altar hanggang sa mauntog ang likod at ulo ko sa isang pader at ang pag dausdos ko pababa sa sahig. “Ugh,” reklamo ko ng maramdaman ang sakit ng likuran ko. Pinilit ko ang sarili kong tumayo ngunit masyadong masakit ang pagkaka tama ng likod ko sa pader. “Ate!” Narinig kong sigaw ng kapatid kong si Violet kaya napa lingon ako sa aking kanan at nakita siyang tumatakbo palapit sa akin. “Anong nangyari? Ayos ka lamang ba?” Tanong niya sakin habang tinutulungan akong maka tayo. “Sinubukan kong humingi ng payo sa mga tagapag bantay ngunit iba ang aking nalaman,” sagot ko sa kanya habang naka tingin sa naka saradong pinto ng altar. “Ano naman iyon?” Tanong ni Violet kaya tumingin ako sa kanya. “Ang sabi ng mga taga bantay ay tinutupad ni Joanna ngayon ang kapalarang naka laan sa kanya,” sagot ko sa kanya. “Anong kapalaran naman iyon?” Tanong muli ng kapatid ko. “Hindi ko alam dahil hindi naman nila iyon sinagot,” sagot ko sa tanong niya. “Kailangan ba nating sabihin ito kay Jason?” Tanong niya sakin pero umiling lang ako sa kanya. “Huwag na, wala pa naman tayong sagot sa kung anong kapalaran ang sinasabi ng mga taga bantay,” sagot ko na lamang sa kanya. “Sige, kung iyon ang iyong nais,” sabi niya habang inaalalayan pa rin ako patayo. “Halika, dadalhin na kita sa klinika,” sabi ni Violet pero umiling lang ako ulit. “Huwag na, doon na lamang ako sa aking silid magpapa hinga,” sabi ko sa kanya kaya tumango na lamang siya at tsaka kami nag lakad pabalik sa aking silid. Dahan dahan lamang kaming nag lalakad paakyat saking silid ng maka salubong namin ang hari. “Anak,” pag tawag ko sa atensyon niya at lumingon naman siya sakin pabalik na agad ko namang pinag sisihan dahil nakaramdam ako agad ng kirot sa aking dibdib. Nakakapanlumo ngayon ang itsura ng aking anak. Masyadong malalim na ang ilalim ng mata niya, halatang hindi siya masyadong nakaka tulog, gulo gulo din ang buhok nito na para bang ilang araw na hindi nasusuklay. Masyado niya ring isinusubsob ang kanyang sarili sa mga gawain niya bilang hari para hindi masyadong maisip ang nawawala niyang asawa. Ilang araw na siyang ganyan. Simula ng mawala si Joanna, paminsan minsan na lang din siya kung kumain at ni hindi ko pa siya nakitang uminom ng dugo nitong mga naka raang araw. “Ate,” pag tawag sakin ni Violet. “Tara na, hayaan na muna natin siya,” sabi ko na lamang sa kapatid ko at nag patuloy kami sa pag lalakad hanggang sa maka rating na kami sa aking silid at nahiga na ako sa kama ko. “Salamat sa pag hatid sakin dito,” pag papasalamat ko sa kay Violet. “Walang anuman,” sagot niya. “Violet,” pag tawag ko sa kanya ng papaalis na sana siya. Lumapit siya ulit sakin. “Ano iyon ate?” Tanong niya. “Hindi mo ba nakikita ang kapalarang sinasabi ng mga taga bantay ukol kay Joanna?” Tanong ko sa kapatid ko. “Alam kong nakikita mo ang hinaharap kaya baka may alam ka?” Tanong ko sa kanya pero umiling lamang siya. “Pasensya na ate, ngunit kahit pilitin ko man ay wala talaga akong makita tungkol sa hinaharap ni Joanna,” sagot niya sakin kaya tumango na lamang ako. “Sige, salamat, balitaan mo na lamang ako kung meron ka mang makita,” bilin ko na lamang sa kanya na tinanguan naman niya agad. “Masusunod ate,” sabi niya. “Sige, aalis na ako para makapag pahinga ka na,” sabi niya at tumango lamang ako sa kanya tsaka siya nag lakad palabas ng kwarto ko. Pagka labas niya ay inayos ko na ang pagkaka higa ko at ipinikit na ang mga mata ko upang makapag pahinga na. Pasensya na anak, hindi ko nakuha ang sagot na nais mong malaman tungkol sa iyong asawa, pero huwag kang mag alala, nandito lang ako lagi para sayo. *Jason’s POV* Ilang araw na ba siyang wala dito sa tabi ko? Ilang araw pa ba akong mag hihintay sa pag babalik niya? Labis labis na akong nangungulila sa kanya. Alam ko nangako akong aalagaan ko ang sarili ko habang wala siya pero sa bawat oras, bawat minuto at bawat segundo na hindi ko siya kapiling ay unti unti rin akong nababaliw at nanghihina. Kelan ka ba muling babalik dito sa piling ko mahal kong Joanna? Kinuha ko na lamang ang dokumentong naka patong sa aking lamesang punong puno na ng iba’t ibang klase ng dokumento, liham at mga ulat tungkol sa iba’t ibang parte ng kahariang sinasakupan ko. Ilang araw na rin akong nagpapaka lunod sa mga gawain ko bilang hari para kahit papaano ay hindi ko maisip ang tungkol sa pagka wala ng asawa ko ngunit sa tuwing sasapit ang gabi ay hindi ko maiwasang isipin isipin siya kaya naisip kong mag trabaho na lang muli kahit gabi na, kahit na ang kapalit nito ay pag pupuyat at ilang gabing sakit sa ulo. Mas mabuti na iyon kesa sa sakit sa pusong nararamdaman ko. Habang binabasa ang dokumentong tungkol sa pag sasanla ng ilang kalupaan na sakop ng Venandi ay napansin ko ang isang liham na hindi ko pa nababasa simula ng dumating ito. Inilapag ko na muna ang dokumentong hawak hawak ko at kinuha ang liham. Tinanggal ko ang pagkaka tali nito at binuksan ang liham. Kamusta na mahal kong pinsan? Narinig mo na ba ang balita tungkol sa aming pag bisita diyan sa inyong palasyo? Kung hindi pa pwes sa ngayon ay alam mo na. Nais kong makilala ang pinag mamalaki ninyong reyna. Ako mismo ang kikilatis sa kanya at aalamin ko kung mas karapat dapat ba siya sayo kesa sakin na isang dugong bughaw. Iyon lamang mahal ko, mag iingat ka diyan at palagi mong tatandaan na mahal na mahal kita. Nag mamahal, Courtney Mclin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD