Chapter 24: Gone

2200 Words
*Joanna’s POV* Mag iisang oras na din kaming naglalakad mabuti na nga lang at nasa kagubatan pa rin kami kaya hindi masyadong mainit dito. May sinag pa rin naman ng araw na lumulusot sa mga pagitan sa mga sanga at dahon ng mga puno dito kaya hindi ganoon kadilim. Tuloy tuloy pa rin kami sa pag lalakad at sa pag sunod sa mga maliliit na kaluluwang asul na ito. “Jo, sure ka bang mapag kakatiwalaan ‘tong mga ‘to?” Tanong sakin ni Andrea kaya tumingin ako sa kanya. “Kung hindi sila mapag kakatiwalaan Dre edi sana kanina pa nila tayo sinugod diba?” Sagot ko sa kanya ata napa buntong hininga na lang siya. “Sana nga, hindi ko na kasi alam kung nasaan na tayo eh,” sabi ni Andrea kaya hinawakan ko ang kamay niya. “Huwag kang mag alala, basta mag kakasama tayo, walang mangyayaring masama,” pag papakampante ko sa kanya kaso naalala ko na naman ang kapangyarihan ko kaya agad ko siya binitawan. “Unless kung mawalan na naman ako ng control,” pabulong na sabi ko habang naka yuko pero napa angat na lang muli ang ulo ko ng may maramdaman akong humawak sa kanang kamay ko, yun ay walang iba kundi si Andrea. “Huwag kang mag alala Jo, tutulungan ka naming makontrol yang elemento ng niyebe tsaka in case man na mawalan ka ulit ng kontrol, nandito kami para pigilan ka at ibalik ka sa normal,” nakangiting sabi ni Andrea sakin kaya ngumiti din ako sa kanya pabalik. “Salamat,” pag papasalamat ko sa kanya at nag patuloy sa pag lalakad. Sinusundan lang namin ang mga asul na nilalang na nasa harapan namin at hindi na namin napapansin kung saan na ba kami napadpad. Habang nag lalakad kaming anim ay bigla na lang kaming napahinto. “Nasan na yun?” Tanong ko ng mapansin kong wala na ang mga asul na nilalang na sinusundan namin kanina. Nag palingalinga kami sa paligid pero wala na talaga sila. Saan sila nag punta? “Nasaan na yung mga yun?” Tanong din ni Catliya pero umiling lang ako sa kanya. “Hindi ko napansin eh,” sagot ni Andrea sa kanya. “Eh nasan na tayo?” Tanong ni Eryell sa amin pero hindi naman kami nakasagot dahil hindi rin naman namin alam ang sagot sa tanong niya. Habang nag mamasid sa paligid ay may napansin akong aninong tumatakbo sa di kalayuan. “Ano yun?” Tanong ko sa mga kasama ko kaya napalingon naman sila sakin. “Ang alin Jo?” Tanong ni Rhoda. “Para kasing may dumaan doon banda,” sagot ko sa kanya at tinuro yung sa unahang bahagi ng kakahuyang kinatatayuan namin ngayon. “Huh?” Nagtatakhang tanong ni Neca at sinipat ang tingin sa lugar na tinuro ko. “Wala naman eh,” sabi ni Neca at tumingin sakin kaya umiling na lang ako sa kanya. “Hayaan mo na baka hayop lang yun o guni guni ko,” sabi ko sa kanya at nag tingin tingin na muli sa paligid namin pero wala na talaga kaming makitang kahit na anong bakas ng mga asul na kaluluwang maliliit kanina, mukhang tuluyan na nga silang umalis at iniwan kaming anim dito sa gitna ng kakahuyan. “Ano nang gagawin natin?” Tanong ni Catliya samin kaya napatingin naman kami sa kanya. “Try nating pumu~” naputol ang sinasabi ni Andrea ng may marinig kaming kaluskos na palapit na samin kaya tumayo kaming anim na mag kakatalikod at nakapabilog. “Shh,” sabi ko sa kanila at pinakiramdaman ang paligid. Hinanda na rin namin ang mga armas namin at pati na rin ang aming sarili para kung kakailanganing makipag laban ay handa kami. Habang lumilipas ang oras ay palapit din ng palapit ang mga kaluskos na aming naririnig at base sa mga naririnig naming yapak at kaluskos ay mukhang marami yata ang mga paparating na nilalang. Kinakabahan ako sa mga nilalang na ito, nandito pa naman kami sa parte ng kakahuyan kung saan hindi kami pamilyar kaya sigurado akong may mga nilalang din ditong hindi pa namin natutuklasan. Mas hinigpitan ko ang hawak sa espada ko at pinakinggan pang mabuti ang mga kaluskos sa paligid at alam kong napapalibutan nila kami at malapit na sila sa amin. “Maghanda kayo,” mahinang bulong ko sa mga kasama ko at nakita ko naman sa peripheral vision ko ang pag tango ni Catliya. Mas pinagmasdan ko pa ang paligid at hinintay ang pag labas ng mga nilalang na paparating mula sa loob ng kagubatan pero bigla na lamang tumahimik ang paligid kaya nag takha ako pero hindi ko pa rin binababa ang hawak hawak kong espada. Alam ko nandito lamang sila sa paligid namin dahil nararamdaman ko pa rin ang mga hininga nila. Hindi ba sila susugod? O sadyang nag hihintay lang sila na ibaba namin ang mga armas namin? Habang nag iisip ay may nakita akong isang lalaking may mahabang puting balbas, siya yung nakita ko noon sa merkado, yung nag bigay ng kwintas sa akin kaya nag tatakha akong tumingin sa kanya at unti unti ay binaba ko ang hawak kong espada at lalapit sana sa kanya para mag tanong pero hinarangan ako ni Andrea at tinutok sa matandang lalaki ang hawak nitong espada. “Sino ka?” Tanong ni Andrea sa matandang lalaki. “Dre,” pag saway ko kay Andrea pero hindi niya ako pinansin at tuloy lang sa pag titig sa matanda. “Sino ka at bakit niyo kami pinapaligiran?” Tanong ulit ni Andrea sa matandang lalaki pero hindi siya nito pinansin. “salvete, regina nostra,” sabi ng matandang lalaki habang nakatingin sakin. (Greetings, our queen) Ano daw? “paenitet regina,” sabi muli nito pero hindi ko talaga maintidihan ang lengwaheng sinasabi niya. (Sorry, queen) “Pasensya na po pero hindi ko po kayo maintindihan,” sabi ko sa matandang lalaki sa harapan namin pero hindi siya sumagot, bagkus ay tumingin lang siya sa likuran namin kaya nag takha naman ako at napalingon din sa likuran namin pero huli na ng makita ko ang isang maliit na karayom na lumilipad papunta sa direksyon ko, hindi ko ito naiwasan kaya naman ay tumama ito sa leeg ko. “Ah!” Rinig kong reklamo din nila Andrea pero hindi ko na sila nagawa pang kamustahin dahil nakakaramdam na rin ako ng sobrang panghihina, pati na rin ang aking mga tuhod ay tuluyan nang bumigay kaya naman ay napatumba na lang ako sa lupa. Bago pa man ako mawalan ng malay ay nakita ko ang matandang lalaki at isang babaeng may pulang buhok ang lumapit sakin at ang huli kong nakita ay ang isang lalaking pamilyar na pamilyar ang mukha sa akin. Ken... *Jason’s POV* Naalimpungatan ako ng dahil sa sinag ng araw na pumapasok sa bintanan ng aming silid ni Joanna pero dahil sa inaantok at pagod pa ako ay pinili ko na lamang na itaklob ang kumot sa aking mukha at muling bumalik sa pag tulog at niyakap muli ang aking mahal na asawa ngunit imbis na ang makinis na balat ni Joanna ang aking mahawakan ay isang malambot na unan na lamang pala ang aking yakap yakap. Tinanggal ko ang kumot na tumataklob sa ulo ko at inilibot sa buong silid ang paningin ko at kahit na nasisilaw sa sinag ng araw at sobrang antok pa ay pinilit ko ang sarili kong bumangon. Muli kong nakita ang mga suot kong damit kagabi sa sahig ng aming silid, pinulot ko ito at muling isinuot. Napansin kong wala si Joanna sa loob ng silid namin kaya naman kinuha ko na ang tuwalya ko at nag tungo sa loob ng banyo upang makaligo na. Mabilis lamang akong naligo at nag bihis na rin. Muli ay isinabit ko ang tuwalyang ginamit ko sa isang upuan sa loob ng walk in closet namin at napansin ko ang isang kuwaderno sa itaas ng lamesa kaya napakunot noo naman ako pero hindi na ako nag abala pang tignan ito dahil agad na akong lumabas ng walk in closet at ng kwarto namin ni Joanna. Nag lakad na ako pababa ng hagdan pero mula dito sa gitnang baitang ng hagdan ay napapansin ko ang pag takbuhan ng mga taga silbing bampira. Ano ang nangyayari? Nag madali akong bumaba ng hagdan at pinag masdang maigi ang mga nilalang sa paligid ko. Ano ang nangyayari? Bakit mukhang hindi yata sila mapakali? Naisipan kong mag lakad papunta sa throne room, baka sakaling nandito sila mom. Pagkarating ko sa harap ng throne room ay agad kong binuksan ang pinto at nakita nga silang lahat na nandito sa loob at mukhang merong pag pupulong na nagaganap. Lumapit ako sa kanila pero parang wala pa ring nakakapansin sa kanila sa pag dating ko. “Mom? Anong nangyayari?” Tanong ko kay mom at humalik sa kanyang pisngi. Napansin ko ang pagkabalisa niya at pati na rin nila tita Violet, sila naman ni Andrew, Rence, Aldrin, Nicolo at Kevin ay parang binagsakan ng langit at lupa dahil sa mga ekspresyon sa mukha nila. May problema ba? “Mom, what’s going on?” Tanong ko kay mom. “Son,” panimula niya at huminga muna ng malalim bago pinag patuloy ang sasabihin. “The princesses are missing,” sabi ni mom na ipinag takha ko. “Anong ibig mong sabihin mom?” Tanong ko sa kanya. “Kanina pa namin sila hinahanap, pero hindi namin sila mahanap sa kahit na anong parte nitong palasyo,” sagot ni Aldrin at halata ko sa tono ng boses niya ang lungkot. “Pano sila mawawala eh sugatan pa naman sila at tsaka bakit sila aalis?” Tanong kong muli sa kanila pero ni isa sa kanila ay walang sumagot. “Jason, nakita mo ba kung nasaan ang asawa mo?” Tanong ni tita Violet sa akin kaya napatingin ako sa kanya. “Hindi ko pa siya nakikita,” sagot ko sa tanong niya. “Mukhang tama nga ang hinala ko,” sabi ni Tita Violet kaya napa kunot noo naman ako. “Ano ang ibig mong sabihin tita?” Seryosong tanong ko sa kanya. “Maaaring umalis sila at magkakasama sila ngayon,” seryosong saad ni tita pero hindi ko pa rin siya maintindihan. “Bakit naman sila aalis?” Tanong ko sa kanya. Wala silang dahilan para umalis...diba? “Hindi ko rin alam ang dahilan pero sa tingin ko ay dahil ito sa aksidenteng nangyari sa mga prinsesa at sa reyna,” sagot ni tita sa tanong ko pero umiling lang ako sa kanya. “No. Joanna will never leave me,” matigas na sabi ko sa kanila at nag lakad na papunang pinto. “I will look for her my self,” seryosong saad ko at lumabas na nga ng silid na yun. Ang aga aga pinapainit nila ang ulo ko. Bakit naman aalis ang aking reyna? Wala siyang ibang rason para iwan ako, binigay ko sa kanya lahat kaya hindi niya ko maaaring iwan. Nag lakad ako papunta sa silid namin ni Joanna at muling tinignan ang loob ng aming banyo. Wala siya rito. Lumabas ako kaagad ng banyo at pumuna sa walk in closet. Hinalughog ko ang mga gamit ni Joanna at napansin kong nabawasan ang mga ito. Hindi. Hindi maaari. Iniwan kong nakabukas ang cabinet sa loob ng walk in closet at lalabas na sana ng walk in closet ng mahagip ng mga mata ko ang kuwadernong naka patong sa ibabaw ng lamesa. Dahan dahan akong lumapit sa lamesa at iniabot ang kuwaderno, napansin kong nanginginig ang kamay ko, kinakabahan din ako. Huwag, Joanna paki usap, huwag mo kong iiwan, hindi ko alam kung kakayanin ko ba. Kahit nanginginig ang kamay ko ay iniabot ko pa rin ang kuwaderno at napansin kong may naka ipit palang ball pen dito. Huminga ako ng malalim at binuksan ang kuwaderno kung saan merong naka ipit na ball pen. Pagkabukas ko ng pahina nito ay para akong binagsakan ng langit at lupa, tuluyan na ngang gumuho ang buhay ko ng mabasa ko ang naka sulat sa kuwaderno. Mahal kong hari, Jason, sa oras na mabasa mo ito ay ibig sabihin lang nun na wala na ako sa palasyo, umalis ako at hindi ko alam kung kelan ako babalik or kung saan ako pupunta kaya huwag mo na akong subukin pang hanapin, mag aaksaya ka lang ng oras at lakas. Magalit ka man sakin o hindi, huwag mong kakalimutan na mahal na mahal kita, ngayon at mag pakailanman. Ang iyong reyna, Joanna Ley Degray-Hunter Hindi ko na pinigilan ang luhang kanina pa nag babadyang pumatak mula sa aking mga mata. Ang bigat sa dibdib, ni minsan hindi ko naisip na mangyayari sa amin ‘to. Wala na siya, umalis na nga siya, iniwan na niya ako. Bakit mahal ko? Bakit mo piniling umalis? Kaya naman kitang tulungan. Kung ang kapangyarihan mo ang iniisip mo, kaya naman kitang protektahan mula dito. Bakit? Bakit mas pinili mong lumayo sa akin? Napa salampak na lamang ako sa sahig at hinayaan ang sarili kong mag tangis. Mahal kong reyna, nasaan ka? Bumalik ka na, pakiusap.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD