Chapter1: The New King and Queen

2011 Words
*Third Person’s POV* Halos hindi magkaugaga ang lahat ng mga taga silbi ng palasyo sa pag aayos ng banquet hall na pinahanda ng dating reyna na si Josephine. “Siguraduhing maayos ang pagkakalagay ng mga table napkin sa lamesa,” sigaw ni Josephine sa mga babaeng taga silbi na nag aayos ng higit kumulang sa limang daang mesa na pang walohan para sa mahigit isang libo nilang bisita, hindi pa kasama dito ang mga mamamayan ng kanilang kaharian dahil sa labas lamang ang mga ito at tanging mga maharlika or mayayamang pamilya lamang ang makakapasok sa loob. “Tita, hindi po ba masyadong madami ang mga bisitang inimbitahan ninyo?” Tanong ni Rence na may bitbit na isang kahon ng burger at may nakasunod pa sa kanyang dalawang maid na may tulak tulak na cart na may mga burgers din sa loob, pinamimigay niya kasi ito sa mga taga silbi para kahit papano ay hindi sila nagugutom habang nagtatrabaho sila. Meron ding nakasunod sa kanila na dalawa pang babaeng taga silbi na may tinutulak din na cart na may laman namang tubig. “Madami? Kulang pa nga yan iho, hindi kasi makakapunta ang kaharian ng Alami,” sagot sa kanya ng reyna habang masusi nitong tinitignan at inaamoy ang mga kutsarang gagamitin para sa salo-salo. “Ah ganun po ba?” Hindi makapaniwalang sagot ni Rence dito at nagpatuloy na sa pamimigay ng mga pagkain. “Grabe talaga ‘tong si tita Josephine oh, sobrang bongga naman ng welcome party niya para sa daughter-in-law niya,” natatawang sabi ni Rhoda kay Andrea habang busy sila sa pag aayos ng mga bulaklak sa vase na ilalagay sa bawat lamesa. “Haha hayaan mo na tsaka deserve naman talaga ‘to ni bunso no,” sagot naman nito kay Rhoda na tumango tango lang. “Tita saan ko po ‘to ilalagay?” Tanong ni Catliya habang may tulak tulak na isang cart ng 5 layers na cake, siya mismo ang gumawa at nagdesign nito. “Ah dun na lang iha sa may mahabang lamesa sa gitna,” sagot ni Josephine sa kanya at tinuro ang lamesang puno ng iba’t ibang putahe na pinaluto ni Josephine. “Paki tawag na nga rin si Nicolo at Andrew,” dagdag nito na tinanguan naman ni Catliya. “Mom! Saan ko ilalagay ‘tong malaking regalong pinadala ng kaharian ng Alami?” Tanong ni Jasmine habang may nakasunod sa kanyang dalawang kawal na may bitbit na malaking kahon na nababalot sa isang mamahaling tela, ito ang regalong ipinadala ng Hari ng Alami bilang respeto na rin sa pamilyang Hunter. “Dun mo na lang yan ilagay sa lamesang inilaan para sa mga regalo,” sagot ng reyna sa anak nito. “Tita? Pintawag niyo daw po kami?” Tanong ni Andrew. “Oo, paki tanong nga sa kawal sa unang gate ng palasyo kung natatanaw na ba nila ang sasakyan ng aking anak,” sabi nito. “Sige po kami na pong bahala,” sagot naman ni Nicolo “Ay, hindi Nicolo,” pagpigil nito kay Nicolo na paalis na sana. “Bakit po?” Tanong ng lalaki. “Si Andrew na lang ang pupunta dun sa gate, nais ko sanang tawagin mo ang kapatid ko sa kanyang silid,” sabi ng reyna. Agad namang napalunok ng laway si Nicolo. Kung minamalas ka nga naman oh, ako pa nautusang tawagin si Tita Violet “Haha sige tol tawagin mo na si tita Violet sa kwarto niya haha” natatawang sabi ni Andrew sa kaibigan at umalis na para makapunta na ng gate. Napakamot na lang sa ulo si Nicolo at nagsimula na maglakad papunta sa silid ng kanilang Tita Violet. Sana nasa good mood si tita. Halos umabot ng apat na oras ang kanilang pag aayos ng buong lugar bago pa nagsi-datingan ang kanilang mga bisita. Hindi nga nagkamali si Josephine sa pag lalagay ng maraming lamesa dahil masyadong marami rin ang kanilang bisita, lagpas pa ito sa inakala niyang bilang ng mga bisitang dadalo. “Magdagdag pa kayo ng ilang lamesa rito,” utos ni Josephine sa kanyang mga taga silbi. Mabuti na lamang ay nakapag ayos na sila ng kanilang mga sarili bago pa man dumating ang kanilang mga bisita. “Tita Josephine!” Tawag sa kanya ni Andrew na kakarating lamang mula sa unang gate ng palasyo. “Ano? Parating na ba sila?” Tanong ng dating reyna “Opo, nakita ko na ang sasakyan ni Jason, malapit na po sila,” nakangiting sagot naman nito na ikinatuwa ni Josephine, ng mga Prinsesa at Prinsipe. “Mabuti, mabuti. Sige na pumwesto na kayo at mag sisimula na tayo maya maya lang,” sabi nito na tinanguan naman ng lahat at nagsi puntahan na nga sila sa kanilang lamesa. Ang lamesa nila ay pinasadya nilang sa harapan mismo ng maliit na entabladong kanilang ginawa ilagay. Sa itaas ng entablado ay merong isang lamesa at dalawang upuan kung saan uupo ang kanilang bagong hari at reyna. “Mahal na reyna! Nandito na po sila!” Sigaw ng isang kawal na nasa pinto ng makita niya ang bagong kasal na galing sa isa pa nilang bakasyon na sina Jason at Joanna habang inaalalayan sila ng dalawang maid papunta sa banquet hall. Nagsitayuan ang lahat ng bumukas ang malaking pinto ng banquet hall. Isang matangkad at matipunong lalaking naka suot ng itim na pants at puting long sleeve polo habang ang dalawang butones nito sa taas ay nakabukas ang pumasok. Habang ang babaeng katabi nito maglakad ay nakasuot ng fit black off shoulder mermaid dress na mas lalo pang humugis sa katawan nito. “Grabe ang gwapo talaga ng hari” hindi napigilang komento ng isang babaeng bampira na sinang ayunan naman ng ibang kasama nitong babae. “Psst Jason gwapo ka daw?” Pabulong na tanong ni Joanna sa asawang walang pakialam sa sinasabi ng iba. “For you? Then yes, I am,” proud na sagot naman ni Jason na tinaasan lang ng kilay ni Joanna. “Kapal ha,” natatawang sabi nito na ginantihan lang ng ngiti ni Jason. “Kyaaaah!” Rinig nilang dalawa ang hiyawan ng mga kinikilig na babae habang silang dalawa ay naglalakad sa isang red carpet na pinasadya din ni Josephine. “Ang ganda naman ng reyna, sayang kung ako lang sana ang mate niya baka ako na ang pinaka swerteng bampira,” narinig nilang sambit ng isang lalaking bampira habang ito ay nakatingin sa kay Joanna. Isang masamang tingin naman ang ginawad sa kanya ni Jason kaya agad itong umiwas ng tingin at nagkunwaring umiinom na lamang ng dugong nasa wine glass nito. “Hahaha possessive much?” Natatawang tanong ni Joanna sa asawa nitong bigla na lamang pinulupot ang kanang kamay sa bewang ng asawa niya. “Very much,” seryosong sagot ni Jason kay Joanna na nginitian lang siya. Nagpatuloy silang dalawa sa paglalakad hanggang sa makarating sila sa lamesa kung nasaan ang pamilya nila na nakangiting nakatingin sa kanilang dalawa. “Mom,” naka ngiting bati ni Jason sa naluluha-luhang ina nitong si Josephine. “Anak, ang saya saya ko kasi kasal ka na sa mate mo,” nakangiting sabi nito. “Thanks mom,” sagot ni Jason sa ina. Tumingin naman si Josephine sa asawa ng anak nito at ngumiti. “Joanna,” nakangiting tawag nito na ginantihan naman ng ngiti ni Joanna. “Alagaan mo ang anak ko ha?” Sabi ni Josephine na tinanguan naman ni Joanna, “Oo naman po,” “Tsaka pala, baka naman pwede niyo na kong bigyan ng apo, damihan niyo ha?” Masayang sabi ni Josephine na inagreehan naman ng mga kasama nila sa mesa. “Don’t worry Mom, sisiguraduhin kong matutupad namin yan as soon as possible,” nakangising sagot ni Jason sa ina na tumango tango naman agad habang si Joanna ay nanlalaki lang ang mga matang nakatingin sa asawa nito. “Oh bakit Jo? Ayaw mo?” Tanong ni Andrea sa kaibigan niya. “Siyempre gusto,” nahihiyang sagot naman nito na ikinatawa ng lahat. “Ayokong manira ng moment ninyo pero sige na, umakyat na kayong dalawa dun para makapag simula na tayo sa selebrasyon,” sabi ni Violet sa kanyang pamangkin. Umakyat na nga sila Joanna at Jason sa entablado at naupo na sa upuang naka handa para sa kanila. *Joanna’s POV* “So...” biglang sabi ni Jason ng makaupo na kami dito sa upuan sa stage. Hindi siya nakikinig sa sinasabi ng emcee eh. “So?” Tanong ko “Simulan na natin mamaya?” Tanong nito na pinagtakha ko. “Ang alin?” Tanong ko sa kanya na ikinangisi naman niya. Ano ba tinutu~Ahh. “G*go,” sabi ko na lang sa kanya na tinawanan naman niya. “Magtigil ka nga diyan di ka pa ba nagsawa dun sa honeymoon natin?” Di makapaniwalang tanong ko sa kanya. Pano ba naman eh halos gabi gabi namin ginawa yun. Well, okay lang naman, asawa ko naman siya eh hihi. Ay! Huwag kang maharot Joanna. “Bakit? Ayaw mo ba?” Malungkot na tanong niya kaya natawa na lang ako “Sige, sige, mamaya,” sabi ko sa kanya sabay kindat kaya agad nag bago ang expression ng mukha niya, bigla na lang ginanahan at naka todo ngiti pa habang nakatingin sa mga nilalang sa ibaba ng entablado. Bipolar nga. Napansin ko si ate Jasmine na umakyat sa entablado kaya napatingin naman kaming lahat sa kanya, siya na naman siguro ang emcee, iba kasi yung nagsasalita kanina eh. “Mga minamahal naming panauhin, kami po’y lubos na nagpapasalamat sa inyong lahat at sinamahan niyo kaming i-celebrate ang muling pag babalik ng aming bagong hari at reyna mula sa kanilang bakasyon,” panimula at pagpapasalamat ni ate Jasmine sa mga bisita. “Ang araw na ito ay ang pormal naming pag anunsyo na ang kaharian ng Venandi, ay nasa pamumuno na ng aming bagong hari, ang aking kuya, si Jason King Hunter, kasama ang kanyang reyna na si Joanna Ley Degray-Hunter!” Pag anunsyo ni ate Jasmine na sinundan naman ng masigabong palakpakan. “Kuya, Joanna, tumayo muna kayo dito sa gitna,” sabi samin ni ate Jasmine samin habang nakalayo yung mic sa bibig niya kaya tumayo naman kami ni Jason at pumunta na nga sa gitna ng stage. “Anong mangyayari?” Pasimpleng tanong ko kay Jason na ginatihan niya lang ng ngiti. Okay? Hindi ko na lang ulit tinanong pa kaya tumingin na lang ako sa mga bisita namin at nakita ko sa gilid si tita Josephine na umakyat ng stage habang inaalalayan siya ni Andrew. Pagkarating niya sa gitna ay pinaluhod at pinayuko kaming dalawa ni tita Josephine sa kanyang harapan. “Simula sa araw na ito, ang lahat ng nilalang na sakop ng teritoryo ng Venandi ay isinasailalim ko na sa inyong pamamahala,” narinig kong sabi ni tita Josephine habang nakayuko pa rin. “Sa ngalan ng mga elementong nag bigay ng basbas sa akin upang mamuno, aking ipinapasa sa inyo, Jason at Joanna, ang kapangyarihan, katalinuhan at kalakasang pamunuan ang kahariang ito,” dagdag ni tita Josephine. “Simula sa araw na ito, ikaw, Jason King Hunter ay binabasbasan ko upang maging hari ng kaharian ng Venandi,” sabi ni tita kaya medyo inangat ko ang ulo ko at nakita ko sa peripheral vision ko ang paglapit ni Rence habang may bitbit na isang unan na pinagpapatungan ng isang korona, ang korona ng hari. Napangiti ako ng makita kong ipinatong ito ni tita Josephine sa ulo ni Jason, ang bagong hari. “At ikaw naman Joanna, ibinibigay ko sayo ang basbas upang maging katuwang at kasama ng hari sa pamumuno ng kahariang ito,” sabi ni tita Josephine kaya yumuko na ako. Kinakabahan ako. Kakayanin ko ba ang responsibilidad bilang reyna? Naramdaman ko ang paghawak ni Jason sa kamay ko kaya napangiti na lang ako. As long as kasama ko si Jason, kakayanin ko kahit ano. “Talaga ba?” Narinig kong tanong ng isang boses ng babae at alam ko kung kanino ito galing. “Tumahimik ka,” pabulong na saway ko sa elemento ng niyebe at mabuti na lamang ay hindi na ito muling nagsalita pa. “Suotin mo itong koronang ito bilang simbolo na ikaw, Joanna Ley Degray-Hunter, ay ang bagong reyna ng kaharian ng Venandi,” nabalik ako sa reyalidad ng marinig ko ang sinabi ni tita, I mean Mommy Josephine. Maya maya lamang ay naramdaman ko na ang pagpatong ni Mom ng isang bagay sa ulo ko, medyo mabigat ito pero mas mabigat pa rin ang responsibilidad na dala nito. “Ngayon, tumayo kayong dalawa at harapin ang inyong mga nasasakupan ng may pagmamahal at galak sa inyong mga labi,” sabi ni mom kaya inalalayan ako ni Jason na tumayo at hinawakan na ang kanang kamay ko. “Salamat,” sabi ko sa kanya at humarap kaming dalawa sa mga nilalang na nandito ngayon sa loob ng palasyo habang magkahawak ang mga kamay namin at parehong naka ngiti sa kanila. Isang masigabong na palakpakan ang kanilang binungad samin at sumigaw ng, “Salve rex et regina!!!” “Salve rex et regina!!!” “Salve rex et regina!!!” Paulit-ulit nila itong sinisigaw. Tumingin ako kay Jason at napansin na sa akin lang pala siya nakatingin kaya nginitian ko siya. Nilapit niya ang ulo niya at hinalikan ang noo ko at sinabing, “Welcome home, my Queen”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD