Chapter 39: Terra Elementis

2488 Words
*Joanna’s POV* “Ego glaciem regina,” pag sambit ko sa mga naka sulat sa unang papel na nahawakan ko. (I am the ice queen) Queen? Hindi ba dapat ay prinsesa lamang? Tinignan ko pa ang buong parte ng papel kung meron pa bang ibang naka supat dito at ang tanging nakita ko lamang ay mga numerong naka sulat sa ibabang parte ng papel. 09.18.1324. Anong ibig sabihin nito? “Elizabeth,” pag tawag ko kay Elizabeth habang naka tingin pa rin sa mga numero sa papel. Hinawakan ko ito gamit ang kaliwang kamay ko at mas inilapit pa sa mukha ko para maobserbahan pa ito ng mabuti. “Ano po iyon mahal na reyna?” Tanong niya. “Ano ang ibig sabihin ng mga numerong naka lagay dito sa ibabang bahagi ng papel?” Tanong ko sa kanya. “Iyan po ay tumutukoy sa petsa, mahal na reyna,” sagot niya. Tumango na lamang ako sa kanya at muling tinignan ang papel na hawak ko. Sobrang tagal na pala ng papel na ito pero nakaka mangha lang na hanggang ngayon ay nababasa pa rin ang naka sulat dito at hindi pa rin ito nabubulok. Muli kong tinitigan ang kapirasong papel sa kaliwang kamay ko pero maliban sa naka sulat na Ego glaciem regina at yung mga numero ay wala nang iba pang naka sulat dito kaya ipinatong ko na muna ito sa sahig, mabuti na lamang at hindi malakas ang hangin dito sa loob ng bahay ni Elizabeth kaya hindi ito nililipad. Kinuha ko ang isa pang piraso ng mga papel na ibinigay sa akin ni Elizabeth at kagaya ng naka sulat sa unang papel na nakita ko ay may naka sulat din ditong mga katagang hindi ko maintindihan. Ex genere terreno illius qui tandem glacies elementis. Dahil sa hindi ko na naman ito maintindihan ay ipinatong ko ang kanang palad ko sa itaas ng mga letrang naka sulat sa papel at dinama ang lamig sa bawat letrang naka sulat dito. The last descendant of the ice elementis, eto ang pag kakaintindi ko sa pinapahayag ng mga letra, pero pano ko ba ‘to naiintindihan gamit lang ang kamay ko? Tumingin ako kay Elizabeth na seryosong naka tingin lanang sakin. “Elizabeth, may itatanong lamang ako,” sabi ko sa kanya at tumango naman siya. “Ano po iyon?” Tanong niya. “Paano ko nagagawang intindihin ang mga naka sulat sa mga papel na ‘to sa tuwing pina patong ko ang kamay ko sa papel?” Tanong ko sa kanya kasi kahit ako ay namamangha sa ganitong kaganapan. Kung dati pa lang pwede na ang ganito edi sana dati ko pa ito ginagawa para maintindihan yung mga leksyon ko sa paaralan dati, lalo na sa college. “Sapagkat iisang nilalang lamang po ang nag sulat ng mga kasulatang iyan at ang elementong nasa katawan mo ngayon,” seryosong sagot ni Elizabeth na ikinabigla ko. “I-Ibig mong sabihin, ang mga sulat na ito ay ang elemento ng niyebe mismo ang nag sulat?” Pag kukumpirma ko sa sinabi ni Elizabeth na tinananguan naman niya. “Edi ibig sabihin, alam ng elemento ng niyebe kung bakit ako nandito, alam niya kung pano ko makokontrol ang kapangyarihan niya,” halata ang kasiyahan sa boses ko habang nag sasalita. “Tama po mahal na reyna, ngunit,” sabi ni ni Elizabeth kaya napa tingin naman ako sa kanya. “Ngunit?” Tanong ko. “Ngunit sa tingin mo po ba ay ituturo niya ito sayo?” Tanong ni Elizabeth. Tama siya, mukhang imposible namang ituro sa akin ng elemento ng niyebe kung paano kontrolin ang kapangyarihan niya. “Hindi ako t*nga para ituro sa isang mangmang na kagaya mo ang mga kakayahan ko,” narinig kong bulong ng elemento sa akin. “Bakit ba ayaw mong makontrol ito ng ibang nilalang?” Tanong ko sa elemento ng niyebe. “Dahil ni isa sa kanila ay hindi katiwa tiwala,” sagot nito na ipinag takha ko. “Anong ibig mong sabihin?” Tanong ko sa elemento pero gaya ng dati, ay hindi na siya muli pang sumagot sa tanong ko. “Mahal na reyna, ayos ka lamang po ba?” Nabalik ako sa reyalidad ng marinig ko ang boses ni Elizabeth. “Ha? Ah oo, ayos lamang ako,” sagot ko sa kanya. “Elizabeth, hihiramin ko na muna itong mga papel na ito ha, ibabalik ko na lang kapag tapos ko na basahin,” sabi ko sa kanya at tumayo mula sa pag kakaupo sa sahig. “Sige po mahal na reyna pero paki ingatan po ang mga iyan, para sa susunod na tagapag mana,” sabi ni Elizabeth at tumingin lang ako sa kanya ng seryoso bago tumango at nag lakad na palabas ng bahay niya habang dala dala ang mga papel sa aking kanang kamay. Habang nag lalakad pabalik sa bahay namin ay nag iisip isip ako tungkol sa sinabi ng elemeto ng niyebe kanina. Bakit ganoon na lamang siya makapag salita? Na para bang ang laki laki ng galit niya sa mga nilalang sa paligid niya, lalong lalo na sa mga elementis? “Joanna!” Agad naman akong napa hinto sa pag lalakad ng marinig ko ang sigaw ni Andrea kaya agad ko siyang hinanap at nag palinga linga sa paligid hanggang sa may makita akong isang bola ng apoy na lumilipad papunta sa direksyo ko, kasing laki ito ng basketball. Hindi ko alam ang gagawin ko at hindi man lang ako makakilos dito sa kinatatayuan ko. “Joanna! Umilag ka!” Rinig kong sigaw nila Catliya pero hindi ko alam kung bakit naka tulala lamang ako sa bolang apoy na mabilis na palapit na ng palapit sa akin. “T*nga! Umiwas ka!” Sigaw ng elemento ng niyebe sa akin at doon lamang ako naka galaw pero imbes na umilag o umalis sa dadaanan ng bolang apoy ay ginamit ko ang mga kamay ko para protektahan ang sarili ko tsaka ko ipinikit ang mga mata ko. “Joanna!” Sigaw nila Andrea muli pati na rin ang pag sigaw ni Crissia, “mahal na reyna! Umiwas ka!” Pero hindi ko na ito narinig pa at tanging isang malakas na pag sabog lamang ang narinig ko. Unti unti ay idinilat ko ang mga mata ko at laking gulat ko na lamang dahil imbes na isang nag liliyab at umaapoy na bolang apoy ang makikita ko ay isang malaking bloke ng yelo ngayon ang naka tayo sa harapan ko. Mula dito sa kinatatayuan ko ay kitang kita ng mga mata ko kung paano umusok ang isang malaking bato sa gitna ng bloke ng yelo na para bang nag silbi itong proteksyon ko. “Joanna! Okay ka lang ba?” Tanong ni Andrea sa akin ng makarating siya sa tabi ko. “O-Oo, o-okay lang ako,” sagot ko sa kanya habang naka tingin pa rin sa bloke ng yelo sa harapan namin. “Jo, sorry di ko nakontrol ng mabuti yung bolang apoy,” pag hingi ng tawad ni Catliya pero hindi ko siya pinansin dahil naka tingin lamang ako sa yelo. “Paano?” Tanong ko na lamang sa kanila. “Ha? Pano ang alin Jo?” Tanong ni Eryell. “Paano nag karoon ng yelo dito?” Tanong ko sa kanila at sabay sabay lang din silang nag tinginan sa isa’t isa. “Hindi namin alam Jo,” sagot ni Neca. “Nagulat na lang din kami at biglang may tumubong yelo diyan,” dagdag niya pa. “Malamang sa malamang ay ginamit mo ang kapangyarihan mo,” sabi ni Crissia kaya napa lingon naman ako sa kanya. “Huh? Hindi ko alam pano gamitin ang kapangyarihan ko,” sabi ko sa kanya. “Baka kusa lamang itong lumabas,” sabi ni Crissia, “Hayaan mo na, ang importante ay ligtas ka,” sabi ni Crissia at tumalikod na samin. “Bukas na lang ulit natin ipag patuloy ang pag sasanay, pagod na ko,” sabi ni Crissia habang nag lalakad palayo samin. “Sige! Anong oras!?” Pasigaw na tanong ni Catliya sa kanya kaya napa hinto naman ang isa sa pag lalakad at muling lumingon sa direksyon namin. “Katulad pa din ng kanina!” Sagot sa kanya ni Crissia. “Pero huwag ka nang mahuhuli sa pag dating!” Paalala ni Crissia bago muling nag umpisa g mag lakad palayo. Muli kong tinignan ang bloke ng yelo sa aking harapan. Hinawakan ko ito at nagulat na lamang kami ng bigla itong nag karoon ng bitak at tuluyan na ngang nasira kaya bumagsak naman agad sa lupa ang batong sinalo ng yelo. Yumuko ako para sana kunin ang bato at ilagay sa tabi pero napaso lang ako dito. “Aray!” Hiyaw ko at agad binitawan ang batong sobrang mainit pa rin pala kahit na nabalot na ito kanina sa yelo. Hinawakan ko ang kamay kong napaso at idinikit dito ang isa ko pang kamay at maya maya lamang ay nararamdaman ko na ang pagka wala ng paso ko. “Hala Jo, kaya mo makapag pagaling?” Manghang tanong ni Eryell. “H-Hindi ko rin alam,” sagot ko sa kanya at tinignan ang mga kamay ko at doon ko lamang napansin na hindi ko na pala hawak ang mga papel na ipinahiram sa akin ni Elizabeth. “Nasan na yun?” Tanong ko sa kanila. “Ang alin?” Tanong din nila sa akin. “Yung mga papel, yung mga hawak hawak ko kanina,” sagot ko sa kanila habang nag tititingin sa paligid kaya nag simula na din sila mag hanap. “Eto ba yun Jo?” Tanong ni Andrea at pinakita sakin ang isang piraso ng papel na merong naka sulat na mga weird at hindi ko mabasang mga letra. “Oo yan nga, pero nasan yung iba?” Tanong ko sa kanila kaya tumingin kami ulit sa paligid. “Ayun! Dali! Nililipad na ng hangin!” Sigaw ni Andrea at dali daling hinabol ang mga papel kaya agad din naman akong sumunod sa kanya at pinag pupulot ang mga papel sa lupa. “Bilis! Baka mapunta sa sapa!” Sigaw ni Andrea kaya napatingin naman ako sa direksyon kung saan papunta ang mga papel at tama nga siya, papunta nga ito sa sapa kaya dali dali na namin itong pinag pupulot pero kung minamalas ka nga naman, merong isang papel ang hindi na namin naabutan pa at tuluyan na ngang napunta sa sapa at lumubog sa ilalim ng tubig. “Patay,” nabanggit ko na lamang habang tinitignan ang unti unting pag lubog ng papel sa sapa. “Ano ba yung papel na yun Jo?” Tanong ni Andrea sakin. “Mga sinulat yun ng elemento ng niyebe eh,” sagot ko sa tanong niya at napansin ko naman ang gulat sa mga mukha nila ng lumingon ako sa kanila. “Bakit?” Tanong ko sa kanila. “Nakapag sulat ang elemento ng niyebe? Kelan? Nawala ka ba sa kontrol? Saan ka ba kasi nag punta? Anong nangyari? Okay ka lang ba?” Sunod sunod na tanong ni Andrea sa akin habang iniikot ikot pa ako at para bang iniinspeksyon pa ako. “Dre, Dre teka lang nahihilo ako sa ginagawa mo eh,” sabi ko sa kanya kaya tumigil naman agad siya sa pagpapa ikot ikot sakin. “Okay lang ako. Hindi ako nawala sa kontrol, well, muntik na,” sabi ko sa kanila. “Ano!?” Sabay sabay na tanong nilang apat. “Pero, okay na ako at hindi yun natuloy kasi tinurukan ako ni Elizabeth ng pampa tulog,” dagdag ko kaagad sa sinasabi ko baka kasi mag hysterical ‘tong apat na ‘to eh. Teka, apat? Nasan si Rhoda? “Nasan pala si Rhoda?” Tanong ko sa kanilang apat. “Nasa bahay, natutulog,” sagot ni Andrea sa tanong ko. “So pano na yung papel?” Tanong ni Eryell kaya napa simangot na lang tuloy ako. “Wala na eh, lumubog na dun sa sapa,” malungkot na saad ko. “Tara na bumalik na lang tayo sa bahay,” sabi ko na lang ulit sa kanila at nauna na mag lakad pabalik ng bahay. “Sigurado ka Jo?” Tanong ni Neca. “Oo, wala na naman na tayong magagawa dun sa isang papel eh,” sagot ko na lang sa kanya habang tuloy pa rin sa pag lalakad at ramdam ko namang sumusunod lang din sila sakin. Habang nag lalakad pabalik sa bahay ay iniisip ko kung ano ang sasabihin ko kay Elizabeth kapag nalamang niyang nilipad ng hangin yung isang papel at lumubog sa sapa, panigurado magagalit yun, kakasabi niya lanh kanina na pangalagaan ko ang mga papel na ‘to eh para sa susunod pang prinsesa ng niyebe. Maya maya lamang ay naka rating na kami sa bahay namin at nadatnan namin si Rhoda na may kausap na isang lalaking naka upo sa upuang gawa sa kahoy. Naka suot ito ng kulay kayumangging pang itaas na may sleeves hanggang sa siko nito at dalawang butones sa harapan. Meron din siyang suot suot na kulay itim namang pantalon at itim ding bota. Nakatingin lang kami sa kanila ng nag tatakha at pabalik balik ang tingin sa kanilang dalawa, “Ay nandiyan na pala kayo,” sabi ni Rhoda ng mapansin niya kaming naka tayo lamang sa may pinto at naka tingin sa kanilang dalawa. Sino ‘to? Tumayo naman ang lalaki mula sa pagkaka upo at yumuko sa harapan namin. “Ikinagagalak ko pong makilala kayo mga mahal na prinsesa,” sabi ng lalaki. “Lalong lalo na po kayo, mahal na reyna,” dagdag ng lalaki. “Tunay ngang nakaka hanga ang gandang taglay ng niyebe,” naka ngiting sabi nito habang naka tingin sakin kaya tinaasan ko na lang siya ng kilay. Ang landi ha. Pumasok na kami ng bahay at lumapit ako agad kay Rhoda. “Rhoda,” pabulong na tawag ko sa kaibigan ko. “Oh?” Tanong naman niya. “Huwag mo nga kong ma oh, oh diyan. Sino yan? Ba’t ka nag papasok ng lalaki dito?” Pabulong na tanong ko kay Rhoda. “Ay oo nga pala,” sabi niya sakin at itinuro ang lalaki. “Siya nga pala si Bartlett, isang elementis,” pag papakilala ni Rhoda sa lalaki na naka todo ngiti naman sa amin. “Elementis?” Tanong ko sa kay Bartlett. “Opo mahal na reyna, isa po akong elementis,” sagot naman nito. “Anong kaya mong kontrolin?” Tanong ko sa kanya. “Isa po akong terra elementis, mga uri ng bampirang may kakayahang kontrolin ang lupa, halaman at makipag usap sa mga hayop,” sagot ng lalaki habang naka ngiti pa rin at napatingin naman ako kay Rhoda na naka ngiti rin. Mukhang naka hanap na rin siya ng kanyang magiging guro.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD