Chapter 51: Kiminari vs Neca

2067 Words
*Third Person’s POV* Simula alas singko ng umaga ay nasa training grounds na ang mga prinsesa kasama si Joanna, mas nauna pa silang naka rating sa lugar ng kanilang pag sasanayan bago sa kanilang mga guro kaya naman ay naisipan na muna nilang mag inat inat habang si Joanna ay naupo na lamang sa tabi ng puno at sumandal dito, tumabi naman sa kanya si Andrea at sumandal din doon. Dahil nga rin sa pag bubuntis ni Joanna ay sobra sobra ang antok na kanyang nararamdaman sa mag nakalipas na mga araw at sa loob ng sampung araw ay tuloy tuloy ang pag sasanay ng mga prinsesa pati na rin si Joanna, kasama ang kanilang mga guro at sa araw na ito ay naisipan ng kanilang mga guro na bigyan sila ng pag susulit. “Ngayon niyo ipakita samin ang natutunan niyo sa mga itinuro namin sa inyo,” sabi ni Tatang Gondol. “Huh?” Nag tatakhang tanong ni Eryell at napa taas naman ng kamay si Catliya, natutunan niya na kasi itong gawin habang nag sasanay sila ni Crissia at nais niyang mag tanong o nais niyang mag banyo. “Ano yun?” Tanong ni Crissia habang seryosong naka tingin lamang kay Catliya. “Mag kakaroon ba ng pag susulit?” Tanong ni Catliya. “Oo, ganun na nga, at bawat isa sa inyo ay kakalabanin kaming mga guro niyo gamit ang mga kapangyarihan niyo at ang mga itinuro namin sa inyo,” sagot ni Crissia at tumango tango habang naka ngiti naman si Bartlette bilang pag sang ayon habang naka pameywang pa, si Kiminari naman ay naka ngiti lamang sa mga prinsesa at sa reyna. Si Solomon naman ay seryosong naka tingin lamang sa ulap. “Ahh so kayo makaka laban namin?” Pag kukumpirma ni Neca at tumango naman sa kanya si Kiminari. “Hala eh pano yun? Kontrolado niyo na kapangyarihan niyo, kami hindi pa,” sabi naman agad ni Rhoda kaya napa seryoso naman ng tingin sa kanya si Bartlette. “Ibig mo po bang sabihin mahal na prinsesa, ay hindi pa sapat ang mga itinuro ko sayo?” Tanong ni Bartlette kaya napa iwas naman ng tingin si Rhoda at napa kamot ng batok nito. “Hindi naman namin gagamitin ang kapangyarihan namin,” pag bibigay alam ni Tatang Gondol kaya napa tingin naman sa kanya ang mga prinsesa nang nag tatakha at si Joanna naman ay humihikab pa habang naka tingin sa kay Tatang Gondol. “Iiwasan lang namin kayo at hindi rin kami maaaring gumamit ng kahit na anong armas,” dagdag pa ni Tatang Gondol. “Eh anong gagawin namin para matalo namin kayo?” Tanong ni Andrea. “Kailangan niyo lang kaming masugatan, mahuli o di kaya ay mapilit na sumuko,” sagot ni Tatang Gondol at sabay sabay namang napa tango ang mga prinsesa. “Ganun lang ba? Sige, madali lang pala eh,” naka ngising sabi ni Rhoda na agad namang sinang ayunan ng iba pang prinsesa. Nag lakad naman si Joanna papunta sa mga guro nila at naupo sa isang parte ng ugat ng puno na naka labas sa lupa. “Una na kayo,” sabi ni Joanna at ipinatong ang baba sa kanang kamay niya at nanuod na muna sa mga kasama nila. “Sige, ako na muna ang mauuna,” sabi ni Neca kaya tumango naman ang mga prinsesa at mga guro sa kanya bago sila tumabi at naupo rin malapit kay Joanna. Si Kiminari, ang guro ni Neca, at si Neca mismo ay naiwan sa gitna ng training grounds para mag dwelo. “Handa ka na ba, mahal na prinsesa?” Tanong ni Kiminari kay Neca na agad namang pumwesto. “Oo,” sagot ni Neca. “Simula na!” Malakas na sigaw ni Tatang Gondol kaya nag simula na nga ang laban ni Neca at Kiminari, mga bampirang may kakayahang kontrolin ang kidlat. Sa mga naunang minuto ay hindi gumagalaw sila ni Neca at Kiminari ngunit hindi pa man nakakapag salita sila ni Andrea ay bigla na lamang nag laho sa paningin nilang lahat si Neca pero ramdam pa rin naman nila ang presensya nito sa kanilang paligid. “Saan nag punta yun?” Tanong ni Andrea habang naka tingin sa paligid. Maya maya lamang ay nakita nila si Neca na naka tayo na sa likod ni Kiminari at may hawak hawak na isang patalim na gawa sa kidlat at unti unti namang lumingon si Kiminari sa kanya habang gulat na gulat kaya napa ngisi naman ang mga prinsesa dahil mukhang hindi inaasahan ni Kiminari ang ginawa ni Neca at matatalo na siya ni Neca. Ang buong akala nila ay madali lamang ang pag susulit na kanilang kahaharapin ngunit bigla na lamang napa ngiti si Kiminari at nagulantang naman ang mga prinsesa sa biglang pagka wala din ni Kiminari sa kinatatayuan niya. “Nasa na yun!?” Tanong ni Neca at inikot ang kanyang paningin sa paligid nang mapansin niya ang aninong nag tatakip sa sinag ng araw sa kanya kaya napa tingala naman agad si Neca at nakita ni si Kiminari na naka lutang sa hangin habang ang mga kidlat ay naka paligid sa kanya at nakapatong ang babae sa isang maitim na ulap. “P-Panong—?” Nag tatakha at namamanghang tanong ng mga prinsesa maliban kay Neca. “Ang daya niyan ah!” Sigaw ni Neca habang turo turo si Kiminari na naka lutang pa rin sa itaas, naka ngiti namang bumaba si Kiminari. “Ah pasensya na nadala lang ako sa sitwasyon. Sige, pangako, hinding hindi ko na gagamitin iyon sa pag susulit na ito,” sabi ni Kiminari at ngumiti ulit kay Neca. “Dapat lang! Ang daya nun eh!” Sabi ni Neca at muli na namang nag laho sa kanyang kinatatayuan, mas lalo namang naging mas mapag matyag si Kiminari sa kanyang paligid. Para sa kaalaman ng lahat, tumatakbo lamang si Neca sa paligid ng training grounds, ngunit dahil na din sa taglay niyang bilis bilang isang bampira at sa kapangyarihan niya na nag bibigay sa kanya ng kakayahang maging kasing bilis ng kidlat, ay hindi na siya makita pa sa sobrang bilis ng kanyang pag takbo. Kinlaro ni Neca ang kanyang isip at hinulma ang isang katanang gawa sa kidlat sa kanyang kanang kamay, unti unti ay lumalabas ang kidlat na espada sa kanyang kamay at ng matapos na ito ay agad siyang tumakbo papalapit kay Kiminari at iwinasiwas ang kanyang espada ngunit gaya ng inaasahan ay hindi niya pa rin natamaan si Kiminari dahil nga rin sa mag kasing bilis lamang silang dalawa. Nakita ni Neca si Kiminari na naka tayo na ng ilang metro mula sa kanya. “Tch!” Sambit ni Neca at mas lalong hinawakan pa ng mabuti ang kidlat na espada sa kanyang kamay bago muling tumakbo papunta kay Kiminari. “Ahhh!!!” Sigaw ni Neca at sinugod si Kiminari ngunit nakaka iwas pa rin talaga ang guro niya na mas lalo lamang ikinaiinis ni Neca. Kung mabilis ka, pwes simple lang ang solusyon, kailangan ko lang ding mas maging mabilis pa. Isip isip ni Neca at pinikit ang kanyang mga mata, kinlaro niyang muli ang kanyang isipan at pinaki ramdaman pa lalo ang kuryente ng kidlat na dumadaloy sa kanyang katawan. “Anong ginagawa ni Neca?” Tanong ni Joanna habang nanunuod lang sa kaibigan nitong naka tayo lamang sa gitna ng training grounds. “Hindi ko rin alam eh,” sagot ni Eryell. “Teka, ano yan?” Tanong ni Catliya at tinuro si Neca kaya mas lalo pang tumitig ang mga prinsesa sa kaibigan nila. Habang naka pikit at naka tayo si Neca sa gitna ay napansin nila Joanna ang mga kidlat na dumadaloy sa buong katawan ni Neca. Unti unti ding nag sisitayuan ang kanyang mga buhok at at ang damit na suot suot nito ay may nag lalabasang mga kuryente rin. “Hmm? Mukhang sineseryoso mo na itong pag susulit na ito, mahal na prinsesa,” bulong ni Kiminari at mas lalo pang napa ngiti habang pinapanuod si Neca na unti unting nag sisitaasan ang mga buhok. “Parang static ang dating niyan ah,” sabi ni Andrea kaya napa lingon sa kanya sila ni Joanna. “Bakit?” Tanong ni Andrea. “Ano yung static?” Tanong ni Catliya. “Ayan,” sagot ni Andrea at tinuro si Neca. Sasagot pa sana si Catliya ng may nakita silang mga nag kikislapang maliliwanag na kidlat at sinundan naman ito ng may marinig silang napaka lakas na pag kulog. “Woah!” Sabay sabay na pag banggit ng mga prinsesa, kasama na ng reyna na si Joanna, habang naka tingin kay Neca. Napapaligiran si Neca ng isang kulay lila na bilog kung saan lumalabas mula dito ang mga kidlat na nanggagaling mismo sa kanyang katawan. Pati na rin ang mga mata ni Neca ay kulay lila na rin at kumikislap din ito na para bang isang kidlat. Ang mga ulap sa langit ay unti unti ring dumidilim at nagiging madilim ang kalangitan. “Mukhang kailangan ko din yatang mag seryoso ng kaunti,” bulong ni Kiminari habang tumutulo ang malamig na pawis sa kanyang sintido at naka tingin lamang siya kay Neca. Kagaya nga ng sabi ni Kiminari ay inipon niya rin ang mga kidlat sa kanyang katawan papunta sa kanyang mga palad upang gamiting pananggala sa gagawing pag atake ni Neca, ngunit bago pa man niya ito matapos gawin ay nagulat na lamang siya ng naka tayo na si Neca sa kanyang harapan at hawak hawak na ang kanyang mga kamay. “Ah nahuli mo na ako,” naka ngiting sabi ni Kiminari at nag pumiglas ngunit mas lalo lang hinigpitan ni Neca ang pagkaka hawak sa kanya. “Mapapasa ko ang pag susulit na ‘to,” sabi ni Neca at kinontrol ang isang kidlat upang masugatan si Kiminari sa kanyang kanang braso. “Panalo ang mahal na prinsesa, si Neca!!!” Pag aanunsyo ni Tatang Gondol kaya napa palakpak at napa hiyaw naman ang mga prinsesa kasama na din si Joanna na tuwang tuwa habang pinapanuod ang ginawa ni Neca. Binitawan na ni Neca si Kiminari habang si Kiminari naman ay naka ngiti lamang ito kay Neca, isang senyales na naka pasa nga si Neca sa kanyang pag sasanay. Kasabay ng pag bitaw ni Neca sa mga kamay ni Kiminari ay ang pagka wala na ng mga kidlat na naka paligid sa katawan niya pati na rin sa mata niya. “Binabati kita mahal na prinsesa, nakapasa ka sa iyong pag susulit,” sabi ni Kiminari at ngumiti kay Neca kaya napa ngisi naman si Neca at nameywang sa harap ni Kiminari. “Ha! Sabi sayo eh, maipapasa ko ang pag susulit na ‘to,” mayabang na pag kakasabi ni Neca na tinanguan na lamang ni Kiminari habang naka ngiti. “Neca!!!” Sabay sabay na sigaw ng mga prinsesa at Joanna habang kumakaway kay Neca at naka ngiti. Napatingin naman agad si Neca sa mga matalik niyang kaibigan at ngumiti din, itinaas niya ang kaliwang kamay niya habang naka taas din ang kanyang hinalalaki at naka ngiti ng todo sa mga kaibigan niya. “Sige na, lapitan mo na sila at mag pahinga ka na rin muna, susunod na ang isa sa mga kaibigan mo,” sabi ni Kiminari at tumango naman sa kanya si Neca at nag lakad na nga palapit sa mga kaibigan niya pero hindi pa man siya nakaka lapit sa mga kaibigan niya ay bigla na lamang siyang nahilo at muntikan ng matumba, buti na lamang ay nasalo siya ni Kiminari at inalalayan siya nitong maka punta sa kinauupuan ng mga kaibigan niya. “Pasensya na, medyo nahilo ako eh,” sabi ni Neca, ngumiti lamang sa kanya si Kiminari. “Ayos lamang iyon, normal lang ang ganyang kaganapan kapag nag sasanay at isa pa, unang beses mong magamit ang ganun kalakas na kapangyarihan kanina kaya inaasahan ko na talaga ang ganitong pang yayari,” sabi ni Kiminari habang patuloy pa rin sa pag lalakad papunta sa mga kasama nila. Nang maka rating sila sa kinaroroonan ng mga kaibigan ni Neca ay agad na pina upo ni Kiminari sa tabi ni Joanna at agad namang inalalayan ni Joanna si Neca. “Nec okay ka lang?” Tanong ni Joanna kay Neca na naka hilig lamang ang ulo sa kanyang balikat. “Okay lang ako Jo, medyo nahihilo lang,” nang hihinang sagot ni Neca kay Joanna habang sila ni Andrea naman at nag aalalang naka tingin lamang sa kay Neca. Hindi rin naman nag tagal ay naka tulog na si Neca sa balikat ni Joanna. “Hindi ba dapat dalhin na muna natin si Neca sa kay Tatang Silas?” Tanong ni Catliya. “Normal lang ang ganyang kaganapan, lalo na dahil sa nag labas siya ng isang malakas na kapangyarihan,” sabi ni Tatang Gondol. “Sigurado po kayo? Magiging okay lang po ba talaga si Neca?” Tanong ni Rhoda. “Oo sigurado ako,” sagot ni Tatang Gondol na tinanguan na lang ni Joanna at inalalayan ng maayos ang natutulog na si Neca. “Sino ang susunod na kukuha ng pag susulit?” Tanong ni Tatang Gondol at tumayo naman agad si Eryell. “Ako na,” sagot ni Eryell at nag lakad na sa gitna ng training grounds, kasunod naman niya si Solomon, ang kanyang guro.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD