Chapter 49: Bad Memories

2015 Words
*Third Person's POV* "Jo, sobrang saya namin ng malaman namin na buntis ka," naka ngiting sabi ni Catliya. "Oo nga Jo, napa sigaw pa nga kami eh haha," natatawang sabi ni Rhoda kaya napa ngiti naman si Joanna sa mga kaibigan niya pero maya maya din ay napalitan ito ng pag tatakha. "Pero, pano nangyari yun? D-Diba bampira na ako? So pano ako mabubuntis kung isa na akong ganap na bampira?" tanong ni Joanna. "Ganun nga din yung iniisip namin Jo eh kaso di din namin alam," sagot ni Neca sa kay Joanna. "Alam ko po kung bakit, mahal na reyna," naka ngiting sabi ni Tatang Silas na naka upo sa isa pang upuan sa tapat ni Joanna kaya napa lingon naman sa kanya ang mga prinsesa at si Joanna. "Magka iba po ang nalalaman niyo sa katotohanan," sabi ni Tatang Silas. "Paanong magka iba?" tanong ni Andrea. "Kung sa mga napapanood o nababasa ng mga tao tungkol sa mga bampira ay hindi na maaaring magka anak o mag karoon ng r*gla ang isang babaeng bampira, dito po sa mundo namin at sa mga totoong bampira, posible po ang pagkakaroon ng anak at ng buwanang dalaw," sabi ni Tatang Silas kaya napa kunot noo naman si Joanna. "Sa katunayan po ay ang mga bampira ay mga tao na isinumpa ng isang Diyos, noong mga panahong malaya pang nakaka punta ang mga Diyos, Diyosa, anghel, at mga demonyo sa mundong ito. Ang sumpang ito ay ang dahilan kung bakit namumuhay ng matagal ang mga bampira, ngunit hindi ibig sabihin nun ay hindi na tayo tatanda," sagot ni Tatang Silas habang nakikinig naman ng mabuti sa kanya ang mga prinsesa at si Joanna, si Ken naman ay naka yuko lamang habang pinapakinggan ang kanilang pag uusap. "Ang mga bampira ay mga dating tao rin, ngunit sila ay nagka sala at sinuway nila ang utos ng Diyos ng pagka matay na si Thanatos at ang Diyos ng buhay na si Phanes, ang utos ni Thanatos ay sa oras na mamatay na ang mahal nila sa buhay ay hindi na ito maaari pang buhayin muli at ang utos naman ni Phanes ay huwag na huwag gagamitin o gagalawin ang kanyang luha upang mag bigay buhay dahil tanging siya lamang ang may karapatang gamitin ito," sabi ni Tatang Silas. "Ngunit merong isang kaharian na nag nakaw ng luha ni Phanes at ginamit ito upang muling ibalik ang pinaka mamahal nilang reyna na namatay ng dahil sa malubha nitong karamdaman," dagdag ni Tatang Silas. "Kaya sinumpa nila Phanes at Thanatos ang kahariang sumuway sa kanila. Ang mga mamamayan nito ay tatanda at mabubulok ang kanilang pisikal na katawan, ngunit ang kanilang kaluluwa ay mananatiling buhay sa mundong ito, magpakailanman. Maliban na lamang kung ang mismong Diyos ng araw na si Helius ang mag parusa sa kanila at ang tuluyang pagka sunog ng kaluluwa ng mga sinumpang nilalang sa ilalim ng araw," dagdag ni Tatang Silas. "Kaya po ba delikado sa mga bampira ang sinag ng araw?" tanong ni Rhoda na tinanguan naman ng manggagamot. "So ang ibig mo pong sabihin ay ang pisikal na katawan ng mga bampira ay katulad lamang sa mga mortal o tao ngunit ang kanilang kaluluwa ay isinumpa?" pag lilinaw ni Eryell na tinanguan lang din ni Tatang Silas. "Ganun na nga po, mahal na prinsesa," sagot ni Tatang Silas. "Kaya pala nag kakaroon pa din ako ng red days, kaloka," sabi ni Catliya at napa iling na lamang. "Well, at least, may chance pa din na magka anak kami ni Kevin," naka ngising sabi ni Neca. "Weh? Ang tanong kaya bang makipag s*x ni Kevin sa babae?" tanong ni Rhoda kaya napa irap na lamang si Neca sa kanya habang ang ibang prinsesa ay natawa na lamang sa kay Neca. "Madaming paraan Rhoda, maraming paraan," naka ngising sabi ulit ni Neca ng may maisip siyang ideya kaya agad naman siyang nabatukan ni Rhoda na katabi niya lamang sa upuan. "G*ga, kung ano ano na naman naiisip mo," sabi ni Rhoda. "Tatang Silas, diba po nalaman mong buntis ako?" tanong ni Joanna sa matandang lalaki at tumango naman ito sa kanya. "Uhm, nalaman mo din po ba kung malusog sila o kung anong kasarian nila?" tanong ulit ni Joanna kaya nag hintay din ng sagot ang mga prinsesa. "Maayos po ang kundisyon ng anak mo, mahal na reyna, ngunit hindi ko pa po masabi kung ano ang kasarian ng bata," sagot ni Tatang Silas. "Oo nga naman Jo, masyado pang maaga para malaman ang gender ng baby mo," sabi ni Andrea at ngumiti Kay Joanna na tumango lamang sa kanya. "Ayos lang basta ang importante ay malusog siya," sabi ni Joanna ng naka ngiti at naka hawak sa tiyan nitong wala pang umbok ng pag bubuntis. "Oo nga kaya kumainnka ng madami lagi para naman busog din ang baby mo," sabi ni Eryell at tumango naman si Joanna. "Ehem, ehem, huwag kayong mag alala, sisiguraduhin kong healthy at madami ang kakainin ni Joanna," naka ngising sabi ni Catliya. "Thanks Cat, promise di ako magre request ng mahihirap na pagkain," sabi ni Joanna at ngumiti sa kaibigan. "Sus, walang problema sakin yun Jo, kahit ano lulutuin ko para sa pamangkin ko," sabi ni Catliya. "Thank you," sabi ni Joanna ng naka ngiti tsaka napa tingin si Joanna sa tiyan niyang hawak hawak niya. "Narinig mo yun baby? Kahit anong gusto mong pag kain pwede kang mag request," sabi ni Joanna sa anak nito habang ang mga kasama niya ay naka ngiti lamang sa kanya. "Dre, gusto kong sabihin kay Jason ang tungkol sa baby namin," sabi ni Joanna. "Pero pano Jo? Hindi tayo maka labas dito," sabi ni Rhoda. "Si Ken na lang kaya mag sabi, tutal nakaka labas naman siya eh," sabi ni Neca. "Hindi, gusto ko sana ako mismo ang mag sabi sa kanya," sabi ni Joanna. "Well, kailangan mo muna mag sanay pa para magawa mong mag anyong hangin, diba Ken?" tanong ni Andrea Kay Ken na tahimik lamang na naka upo sa tabi ni Tatang Silas. "Oo, ganun nga," sagot ni Ken habang naka tingin lang kay Joanna. "Talaga? Pwede ko rin palang gawin yun?" naka ngiting tanong ni Joanna na tinanguan lang ni Ken at naka tingin sa kanya ng seryoso. "Ken? Bakit?" tanong ni Joanna pero matagal pa bago naka sagot si Ken. "Wala, masaya ako para sayo...mahal na reyna," sabi ni Ken. "Salamat," sabi ni Joanna at ngumiti sa kay Ken. "Tara na, gusto ko na umuwi," naka ngiting sabi ni Joanna. "Sa bahay o sa palasyo?" pag lilinaw ni Eryell. "Gustuhin ko mang bumalik na sa palasy ay hindi pa rin pwede," sabi ni Joanna at ngumiti ng mapait sa kaibigan. "Right, sabi ko nga sa bahay na muna tayo uuwi," sabi ni Eryell at tumayo na, sumunod naman ang ibang prinsesa, inalalayan naman ni Andrea si Joanna na naka tayo. "Maraming salamat po Tatang Silas," sabi ni Joanna at ngumiti sa manggagamot. "Walang ano man po, mahal na reyna, ginawa ko lamang po ang aking tungkulin," sagot ni Tatang Silas at ngumiti naman si Joanna sa kanya. "Sige po, mauuna na po kami," sabi ni Joanna at lumingon kay Ken na naka yuko lang sa upuan niya. Hindi na lamang nag salita si Joanna dahil alam niyang may nararamdaman si Ken sa kanya at marahil ay nasaktan ito ng malaman ng lalaki na buntis si Joanna. Umalis na lamang sila ni Joanna at ang mga prinsesa. Pagka sarado ng pinto ng bahay ni Tatang Silas ay agad lumapit si Tatang Silas kay Ken at tinapik ito sa balikat at pumunta na sa kusina ng kanyang bahay habang si Ken naman ay napa buntong hininga na lang at tumayo na sa upuan niya at lumabas na ng bahay ng manggagamot. Joanna, mukhang wala na talaga akong pag asa sa'yo. Isip isip ni Ken habang nag lalakad papunta sa kakahuyan. Nang makabalik sila ni Joanna sa bahay nila ay agad namang napa upo si Joanna sa upuang gawa sa kawayan sa salas nila. "Haay grabe nakaka pagod mag lakad," sabi ni Joanna at napa higa na sa upuan. "Hindi pa nga tayo umaabot ng isang kilometro sa pag lalakad, pagod ka na?" tanong ni Neca. "Eh bakit ba!? Buntis ako eh!" sabi ni Joanna at pinikit ang mga mata. "Oo na lang buntis," sabi ni Neca at sinilip si Joanna at agad niya namang napansin na tulog na ito. "Huy tulog ka na agad?" tanong ni Neca at niyugyog ang balikat ni Joanna. "Hayaan mo na muna siya diyan Nec," sabi ni Eryell. "Oo nga, ganyan talaga kapag buntis, antukin," sabi naman ni Andrea. "Mag luluto muna ako," sabi ni Catliya. "Mag luto ka ng gulay," sabi ni Andrea. "Oka–" "Huwag!!!" biglang sigaw ni Joanna kaya agad naman siyang napalingon dito. "Joanna, bakit? Okay ka lang ba?" sabay sabay na tanong ng mga prinsesa. "Huh? O-Oo," nauutal na sagot ni Joanna at bumangon na mula sa pagkaka higa. "D-Dun na muna ako sa kwarto ko," sabi ni Joanna at nag lakad na diretso sa kwarto niya habang naka tingin lang sa kanya ang mga prinsesa. "Uhm mag luluto na ko para maka kain na tayo," sabi ni Catliya at dumiretso na din sa kusina. "Tulungan na kita Cat," sabi ni Rhoda at sumunod na kay Catliya. Habang nasa loob ng kanyang silid ay napa upo sa kanyang kama at naka tingin lamang ito sa kawalan. "Ano yun? Panaginip lang yun...diba?" pabulong na tanong ni Joanna sa sarili. "Hindi, totoong nangyari ang napa naginipan mo," sagot ng elemento ng niyebe kaya napa tayo naman agad si Joanna at nag lakad siya papunta sa tapat ng salamin kung saan niya nakita ang mata niyang merong mga puti puting pulbo sa loob ng iris nito. "Paano nangyari yun?" tanong ni Joanna. "Alaala lamang ang nakita mo," bulong ng elemento. "Pero bakit ganun, ramdam ko yung sakit at kung pano nangyari yun," sabi ni Joanna. "Dahil ang babaeng nakita mo ay isa ring reyna ng niyebe," sagot ng elemento ng niyebe. Napa yuko na lamang si Joanna at dun niya lamang napansin na umiiyak na pala siya. "Sobra naman yun," bulong ni Joanna habang presko pa sa utak niya ang nangyari sa kanyang panaginip. Isang babaeng kinakaladkad sa gitna ng daan habang naka tali ang mga kamay nito ng isang pilak na bakal. Itinali siya sa isang poste ng kahoy at sinilyaban ang mga kahoy na naka palibot sa paanan niya. Mga sigaw ng babae ang naririnig ni Joanna kaya tinakpan niya ang kanyang mga tenga. "Huwag...tama na," bulong ni Joanna habang naka pikit ng todo pero rinig niya pa rin ang boses nito. "Ina!!!" sigaw ng isang batang lalaki kasunod nito ang mga sigaw ng mga nilalang sa paligid ng babaeng naka tali at nasusunog. "Patayin din yan!!!" sunod sunod na sigaw ng mga naka paligid sa kanya at tuluyan nga ring napatay ang bata, kasunod nito ay ang pag sakop ng puting liwanag sa paligid. "Sobra...ang sasama nila," bulong ni Joanna habang tuloy pa rin sa pag iyak. "Pati ang bata dinamay pa nila," bulong muli ni Joanna at pilit na pinupunasan ang kanyang mga luha hanggang sa may marinig siyang pag katok sa pinto ng silid niya. "Jo halika na, kakain na tayo," Narinig ni Joanna ang boses ni Andrea. "S-Sige Dre," sabi ni Joanna habang nag pupunas ng mata pero Hindi pa rin tumitigil ang pag tulo ng mga luha niya. Nainip na din mag hintay si Andrea sa labas ng kwarto ni Joanna kaya binuksan niya na din ang pinto at pumasok sa loob. Nakita ni Andrea si Joanna na umiiyak kaya agad naman niyang nilapitan si Joanna. "Jo? Bakit? Anong nangyari? May masakit ba sayo?" nag aalalang tanong ni Andrea, Napa yakap naman si Joanna sa kanya at humagulgol. Hinagod naman ni Andrea ang likod ni Joanna habang pina patahan ito. "Tahan na Jo," sabi ni Andrea at tinapik si Joanna sa likod nito. "Ano bang nangyari?" Tanong ni Andrea pero hindi sumagot si Joanna at umiiyak lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD