HUWAG MUNA

254 Words
Kung sakali mang matagpuan mo na siya,Hiling ko sa iyo, pakiusap, magsabi ka.Hindi mo kailangang humingi ng pasensya -Kung hindi ako ang pinili mo o kung hindi ako nabigyan ng pag-asa -Ang nais ko lamang marinig ay ang mga katagang:"Pagmamay-ari kanangiba."Baka sakaling matutunan kong magparaya,Baka sakaling magising sa katotohanang hindi dapat ako umasa,Baka sakaling masagot ang tanong na:"Bakithanggangngayonaykumakapitpa?"Kung sakali mang makatagpo mo 'yong taong 'di liliko kung makakasalubong ka sa daan,Pakiusap, kung ako naman ang makakasalubong mo'y huwag mo sana akong talikuran.Natakot kasi ako na kapaga napalapit sa iyo ay maramdaman mong ako'y kinakahabanNa baka makita mo nang malapitan iyong mga dahilan kung bakit hindi mo dapat ao magustuhanKaya pasensya na kung ang tangi ko lang magawa ay ika'y takbuhan.Kung sakali mang mahanap mo na 'yong taong 'di iiwas ng tingin kung nakatingin ka,Pakiusap, kung titingin ako sa'yo huwag mo sanang ilihis ang 'yong mga mata.Hayaan mo sana akong titigan kaDahil nasanay na akong ikaw lamang ang tinatagpo ng mga mata.Kahit hindi mo ako magawang titigan katulad ng pagtitig mo sa kanya.Kung sakali mang masumpungan mo na 'yong taong hayagang magsasabi sa iyo ng kaniyang damdamin,Pakiusap, kung ikaw pa rin ang magiging paksa ng aking mga tula'y huwag mo sana itong babalewalain.Alam mong hindi ako nasanay sa pag-aminKaya nga nagawa kong ibigin ka nang palihim.Ang aking mga tula'y iyo pa rin sanang tanggapinAt maiintindihan ko kahit na hanggang pagtanggap ka na lamang dahil 'di mo naman ito babasahin.Kung sakali mang matagpuan mo na siya;Kahit masakit pa,Kahit hindi ako handa,Palalayain kita.Ngunit sana ay huwag muna. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD