Itinago na muna niya sa drawer ang pt na kaniyang ginamit. Halo-halo ang nararamdaman niya. Hindi niya malaman ang gagawin kaya naman ay nag pasya siya na tawagan ang asawa. Kailangan niya itong makausap. Tungkol sa kanilang dalawa.Hindi niya alam kung paano haharapin ang mga magulang. Lalo na sa sitwasyon niya ngayon. Hindi mag tatagal ay lalaki ang kaniyang tiyan. At bago dapat na mangyari iyon ay dapat malaman ng mga magulang niya ang pag aasawa na ginawa niya. Malalim siyang humugot ng hininga habang hinihintay na pick-upin ni Calex ang tawag niya. Ngunit mahaba habang pag ring na ng telepono nito ay hindi pa nito iyon sinasagot. Kaya naman nag pasya siya na mamaya na lang niya kakausapin ang asawa pag dating nito. Minabuti na lang niya na lumabas at bumili ng damit na maisusuot sa p

