Felicie POV Nagising siya sa malakas na tunog nang alarm clock na nagmumula sa cellphone niya. Antok na inabot niya ang kanyang phone na nasa ulunan bahagi lang niya at kanyang pinatay ang alarm noon. Naghihikab na tiningnan niya ang uras. Pasado alas kwatro ng madaling araw na. Tinatamad na bumangon siya nang kama.Ngunit agad din siyang napahinto ng kanyang maalala ang naging pagtatalo ng kanyang asawa nitong huling gabi. Hindi ito sang-ayon sa pagta-trabaho niya.Wala sa sariling nahilamos niya ang kanyang palad sa mukha.Ni minsan ay hindi sya minanduhan ng kanyang mga magulang kung ano ang mga dapat at hindi niya dapat na gawin. Tapos heto pagbabawalan lang siya ng asawa niya. Hindi si Calex ang makakapagsabi kung ano ang dapat niyang gawin!Oo asawa niya ito,pero wala itong karapata

