Bago dumiresto sa opisina ni Calex ay napag desisyunan niya na dumaan muna sa isang fast food chain. Tiningnan niya ang pambisig na relo. alas onse pa lang naman. Tamang-tama alas dose break time nito. Bumili lang siya ng mapapagsaluhan nila ng asawa tumuloy na sya sa opisina. Nang nasa tapat na sya ng building saglit na pag tigil ang kanyang ginawa at tiningala ang matayog na building na pagmamay -ari lang naman ng mga Saavedra. Nakakalula ang taas nito. Sa pinakang gitna ng building ay may nakaukit na malaking letrang ''S" na sa hula niya ang kahulugan noon ay Saavedra.Sa pinakang ibaba naman ay nakasulat doon ang pinakang pangalan ng company.Matapos mag sawa ang kanyang mata ay dumiretso na sya sa information desk. Sakto nga lang ang kanyang pag dating dahil break time na ng mga employ

