(Calex POV) Hey Guy's." Napabuga si Calex ng hangin ng makita si Stacey.Si Stacey ang tipo ng babae na kapag nagustuhan ka ay hindi ka titigilan.Maging si Luke at Dustin ay binigyan siya ng makahulugan na tingin.Alam niya ang tipo ni Stacey. Hindi siya nito titigilan.Kung dati-rati ay nasisiyahan siya sa tuwing nakikita niya ang babae ngayon ay parang gusto niya na lang sundan si Felicie sa restroom kaysa ang makausap ito. "Hi beautiful." Nakangiting bati dito ni Dustin. Habang tanging pag ngiti at pag tango lang ang ibinigay naman ni Luke.Umupo ito sa tapat niya. At ngumiti ng kay tamis.Hindi niya ito pinansin.Bagkus ay muli niyang tiningnan ang pintuan na pinasukan ng asawa. Malalim siyang napabuntong hininga ng kahit anino ng asawa niya ay hindi makita.''Saan na ba nag punta iyon?B

