Felicie POV. Pabiling-biling siya sa kama.Kanina pa siya nakahiga. Kahit anong pilit na pag pikit ang kanyang gawin ay nanatili naman gising ang kanyang diwa.Ayaw siyang dalawin ng antok.Isang linggo na buhat ng magpasya si Calex na bumukod na ito ng kwarto. Isang linggo na din na tila ay iniiwasan siya nito.Sa hindi niya malamang dahilan.Daig pa nga niya ang may sakit na nakakahawa kung iwasan siya nito. Ilang beses an din niyang tinangkang kausapin ito pero nawawalan naman siya ng lakas ng loob kapag kaharap na ito. Ang dating mapang-asar niyang asawa ngayon ay malamig ang pakikitungo sa kanya.Lagi ng nakapagkit sa mukha nito ang kaseryosohan.Nasa isang bahay lang sila pero halos hindi na sila nag papangita ng asawa. Sa umaga maaga ito na umaalis ng bahay. At sa gabi naman late na ito k

