Felicie POV Matapos ang kumain ay dinala naman siya ni Ezekiel sa isang building. Megaplex Building iyon ang pangalan na nakaukit sa taas ng building na pinagdalhan sa kanya ni Ezekiel.Halos malula siya ng kanyang tingalain ang taas ng building. Hindi niya mabilang kung ilang palapag iyon.Lihim siyang humanga sa laki at ganda ng Megaplex. Marami-rami na din naman siyang nakita na malalaki at magagandang building,pero kakaiba ang isang 'to. Napaawang pa siya ng mapagtanto niya na isa pala iyong Mall.Sa labas kasi ay hindi ito halata na isa palang shopping mall iyon.Naguguluhan siyang tumingin kay Ezekiel ng hawakan nito ang kanyang kamay at hinila papasok sa loob ng Mall."Anung gagawi naten dito?"takado niyang tanong kay Ezekiel. Ngumiti sa kanya ang lalaki bago sumagot. "Tulad ng sinabi

