(Felicie POV) Masakit ang kanyang ulo nang magising siya. Nahilot pa niya ang kanyang sentido nang maramdaman ang pagkahilo dala ng hang-over. Napabalikwas siya ng bangon ng kanyang maalala ang ginawa niyang pag inom sa birthday party ni Brelle kagabi. Agad na dumako ang kanyang tingin sa kaliwang bahagi ng kama. Wala na doon si Calex. Muli ay ibinagsak niya ang sariling katawan sa paghiga sa kama. Ngunit hindi pa tumatagal ang kanyang katawan sa pagkakahiga ng maalala ang suot nyang casual dress kagabi.Napatingin siya sa kanyang suot. Nanlalaki ang kanyang mata ng makita niya na isang v-neck white t-shirt na ang kanyang suot habang panjama naman ang kanyang pang ibaba.Sa pagkakatanda at malinaw pa sa kanya na nasukahan niya ang suot na dress kagabi. " Sino ang nagpalit sa akin?!"tanon

