(Felicie P.O.V) Nailing at napasapo na lang siya sa kanyang noo. Nilagyan na niya ng cover ang kama na naantala ng paglalagay kanina dahil sa ginawa nila ni Calex.Saglit pa siyang napatigil sa pag lalagay ng kobre at napatitig sa parte ng kama kung saan ay muntik na nilang pagniigan na mag-asawa. Dapat siguro ay ipagpasalamat pa niya ang biglaang pagdating ng mga kaibigan ni Calex. Kung hindi siguro dumating si Luke at Dustin. Baka iika-ika ngayon s'yang naglalagay ng kobre-kama.Baka ngayon ay wala na ang kanyang p********e, na matagal na iniingatan.Napabuga siya ng hangin. Ano ba naman kasi ang pumasok sa kukuti niya at nagpadala siya sa bugso ng damdamin.Muntik na siyang madala sa mga halik ni Calex na nagpapawala sa katinuan niya. ''Ang tanga mo Felicie!" Piping mura niya sa sarili.

