THE LIES AND PAIN

1513 Words
 CHAPTER SIX         Pinapasok na ng mag-asawang Mirasol at Alfred si Monica sa loob ng bahay nila dahil nagiging emotional na ito at iyak ng iyak pinagtitinginan na rin ito ng mga bisita.         Pinatawag din nila si Vincent at Jana upang masolusyunan ang problema.         Ano nanamang gulo ang hatid mo Monica. agad na singhal ni Vincent. What is it about this time.         " Vincent dont talk to Monica that way!" saway sa kanya ng kanyang mama.          "Ma this girl is a disaster! I know nandito yan para sirain nanaman ang engagement party namin ni Jana. " Nakita ni Monica ang matinding galit ni Vincent sa mga mata nito at bigla siyang kinabahan at natakot and all of a sudden gusto na niya magbackout at bawiin lahat ng kasinungalingan niya.         pero naumpisahan na niya at kaylangan na niyang tapusin yun!          "Vincent, Monica is pregnant at ikaw ang ama! bakit hindi mo sinabi sa amin ng papa mo ang nangyaring insedente sa bahay nila."         " How could you do that Vincent? kahit pa nasa states kami ng papa mo you could have at least called us to inform about it!."         Natigagal si Vincent sa sinabi ng mama niya! tumingin siya kay Monica at iyak pa rin ito ng iyak.         tumingin siya kay Jana at umiiyak na rin ito!         ano ang gagawin niya! anong gulo ang nagawa niya.          "I'm sorry Vince..pinilit kong kalimutan ka at ang nangyari at magmove on nalang pero lately biglang laging masama ang pakiramdam ko. Lingid sa kaalaman nila mommy ay nagpunta ako sa doktor and I found out that I'm 6 weeks fregnant. And here is the pregnancy test positive siya, hindi ko alam ang gagawin ko kaya naglakas loob na ako pumunta dito. Hindi ko pa din masabi sa parents ko at sa mga kapatid ko ang kalagayan ko kasi natatakot ako sa maari nilang gawin. I'm sorry Vincent.. please save me from this mess kahit hindi na para sa akin! kahit para sa magiging baby nalang natin."         There you go!!!pang best actress talaga ang drama ng lola mo!         Napatingin si Vince kay Jana awang-awa siya dito kasi halos hindi ito makapaniwala sa natuklasan.         Niyakap niya ang kasintahan at inalo ito.         Si Monica naman ay lalong naiyak dahil imbes na siya ang aluin nito ay si Jana pa rin ang inalala nito.           "I'm sorry Jana! please forgive me! please understand!"          "That's enough Vincent! paulit ulit man kitang patawarin hindi na nun mababago ang sitwasyong kinakaharap natin ngayon"         " Jana mahal kita alam mo yan! I love you so much! hindi ko kayang mawala ka!"         Ouch!!! ang sakit nun ha! yung marinig mo ang taong mahal mo na nagsasabi ng pagmamahal niya sa iba! lalo tuloy siyang naiyak ng bonggang bongga.         " Alam mo ring mahal kita Vincent kaya kahit na paulit-ulit kang nagkakamali ay pinapatawad kita pero sana maintindihan mo na iba na ang sitwasyon ngayon! May inosente ng bata ang involve dito. Mahal kita at hindi maramot ang pagmamahal ko Vincent. May dapat kang panagutan sa kanya so lets call this marriage off. Goodbye Vincent I wish you to be happy" Umiiyak na pamamaalam ni Jana.          " s**t! Damn it!!! " Natakot si Monica ng makita niyang nagwala si Vincent ng talikuran ito ni Jana.         Lord kayo na pong bahala sa nagawa ko. patawad po sa lahat ng kasinungalingan ko! *************************************************************************************         Kumalat ang bulong-bulongan sa labas ng iannounce ng mama ni Vincent na hindi na tuloy ang party.         " Paumanhin po sa lahat ng dumalo sa kasiyahang ito pero hindi na po matutuloy ang engagement party at ang kasal ng anak ko at ni Jana dahil sa isang seryoso at pampamilyang usapin. Hinihingi ko din po ang paumanhin at pang-unawa ng pamilya ni Jana sa mga pangyayaring ito na ang anak ko ang may kasalanan. Maraming salamat po sa inyong pagdalo at muli po ay hinihingi ko ang inyong paumanhin at pang-unawa. umiiyak na ring pahayag ng mama ni Vincent."         Nakita ni Monica kung paano umiyak at tumangis si Vincent! awang-awa siya sa kalagayan nito!          oh God ano itong nagawa ko! ganito na ba talaga ako kasama at kabaliw dahil sa pagmamahal.         Hindi siya makatiis! lumapit siya dito para sana pagaanin ang loob nito pero natakot siya ng sigawan siya nito.          "Dont you dare to get near with me Monica dahil baka kung ano lang magawa ko! get lost!"           "But Vince we need to talk!" "Wala na tayong dapat pang pag-usapan Monica. Nakuha mo na ang gusto mo, makakaalis ka na. Huwag kang mag-alala pananagutan ko ang batang yan kung yan ang gusto mo pero gusto ko munang mpag-isa at makapag-isip so please leave me alone!!!! " Pasigaw pa rin nitong wika sa kanya na ikinagulat niya dahilan para mapapitlag siya!.         Wala siyang nagawa kundi iwan si Vincent pero hindi siya umuwi sa kanila takot kasi siya sa pamilya niya dahil sa ginawa niyang gulo.         " Monica pagpasensyahan mo na muna si Vincent ha." "Tita!!!! " Yumakap siya sa mama ni Vincent na tila batang nakahanap ng kakampi.         "Tita natatakot po ako! ayaw ko pong umuwi sa bahay pwede po bang dito muna ako! " "oh sige iha ako ng bahalang tumawag sa mommy mo para ipaalam na nandito ka at bukas sabay sabay tayong pupunta sa inyo para ayusin at pag-usapan ang problema nyu ni Vincent. Sige na Monica magpahinga ka na. ipinahanda ko na kay yaya Mila yung guest room dun ka na muna matulog." ******************************************************************************** SA BAHAY NILA JANA....         "Tahan na anak..." Pag-aalo ni aling Mameng sa anak na si Jana.          "Ang sakit sakit lang kasi nay eh. lagi nalang akong nagmumukhang tanga! bakit ganun nay!" Umiiyak pa ring tanong ni Jana sa ina.          "Anak magpakatatag ka minsan sa buhay ng tao may mga pangyayari talaga na hindi natin inaasahan. Mga pangyayari na pwedeng magpabago ng buhay natin. Anak hindi natin hawak ang sitwasyon siguro may dahilan si Lord para maranasan mo ang ganitong pagsubok."         " Inay parang hindi ko yata kaya.."         " Jana alam kung matapang ka at wala kang hindi kakayanin sa una lang yan anak. Masakit pero lilipas ang panahon at makikita mo di mo na mararamdaman ang sakit! Makakalimutan mo din lahat! "          "Sana nga inay! sana nga poh!"          "Inay bakit po ba hindi tuloy ang kasal nila ate ano po bang naging problema.?"         Tanong ng kapatid niyang si Christian.          "Christian simula ngayon ayaw ko ng pag-uusapan ang tungkol diyan ha."         Saway dito ng kanilang ina.          "Si Inay naman para nagtatanong lang naman poh eh!"          "Basta hindi na importanteng malaman mo pa! tapos na ang lahat kaya kalimutan na lang natin un para makabawas sa sakit na nararamdaman ng ate mo." ************************************************************************ SA BAHAY NG MGA BUENCAMINO         Hindi dalawin ng antok si Monica. Hindi dahil sa namamahay siya kundi dahil sa inuusig na agad siya ng kanyang konsensya dahil sa ginawa niya.         Ang dami na niyang kagagahan at mga kalokohang nagawa para sa lintik na pag-ibig niya kay Vincent.         Ang dami na niyang maga taong nasasaktan.          "My God ano itong nagawa ko!"         Hindi siya nakatiis kaylangan niya ng kausap kaya kahit malalim na ang gabi at alam niyang makakaistorbo siya ay tinawagan niya ang kanyang kaibigan.          "Hello! oh Monica ano nanamang problema mo at napatawag ka? " Pupungas pungas na tanong nito sa kanya sa kabilang linya.         "Best ang sama sama ko!"          "Hay sira ka talaga! alam ko na yan friend! ngayon mo lang pala narealize yan kung gano ka kasama! " Natatawa nitong biro sa kanya!          "Ano nga pala nangyari sa bago mong pasabog? tanong nito sa kanya"         At ikwenento niya sa kaibigan ang buong pangyayari kanina mula sa pagdating niya sa party kanina hanggang sa ngayon.          "Best natatakot ako!"          "Gaga! ngayon ka pa natakot. ginusto mo yan kaya panindigan mo! oh sige na update mo nalang ako tomorrow kung anong latest sayo at antok na antok na ako!"          "Pero best kaylangan ko pa ng kausap!"          "At kaylangan ko din ng tulog best kaya kung di ka inaantok please naman best mgpatulog ka ha. Bye best! mwah! love you ingat ka diyan."         Bago pa siya makareact sa pagpapaalam nito ay binabaan na siya nito ng phone!         Napabuntonghininga siya! Haaa! hay ano na kayang susunod na mangyayari sa buhay niya.                 Bigla siyang nauhaw kaya naisipan niyang lumabas at pumunta sa kitchen para kumuha ng malamig na tubig.         Narinig niya si Vincent na tila may ibinato sa kwarto nito na nabasag.         Sinubukan niyang pihitin ang pinto at hindi yun nakasara! sumilip siya sa loob ng kwarto at nakita niya ang basag na bote ng alak sa sahig habang si Vincent ay nakasalampak na nakupo sa sahig at tumutungga ng alak habang umiiyak.         Kitang kita niya ang paghihirap ng kalooban sa itsura nito.         At tila ang sakit na iyon ay tumatagos din sa kanyang dibdib at nararamdaman niya din.         Gusto niya itong lapitan at yakapin pero alam niyang hindi pwede dahil winarningan na siya nito kanina.         Hindi niya kayang makita si Vincent na ganun kaya dahan dahan na niyang isinara na niya ang pinto dahil habang nakikita niyang ganun si Vincent ay para ding dinudurog ang puso niya at inuusig siya ng kanyang konsensya.        
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD