The prettiest smile hide the deepest secrets. The prettiest eyes have cried the most tears and the kindest hearts have felt the most pain.
CHAPTER TWENTY ONE
" Sweetheart my field trip nga pala kami sa Baguio." paalam ni Monica sa asawa habang nasa living room sila at nagpapahinga.
" Ha!? kailan? " tanong ng asawa niya
" Sa Friday, sweetheart and required kami lahat na sumama. Three days din yun. "
" So three days ka mawawala? okay I'll go with you. I'll cancel all my appointments that day! "
" Pero sweetheart naman School field trip yun! " tila batang reklamo niya sa asawa.
" So? hindi ba ako pwedeng pumunta din ng Baguio hindi naman ako sasama at sasabay sa inyo I will go on my own then just tell me kung saang hotel kayo mag-i-stay so dun din ako magchecheck in. "
paliwanag nito sa kanya na yumakap pa sa kanya.
" Ay naku Vincent Buencamino bakit di mo nalang kaya deretsahin na gusto mo lang akong bantayan dahil wala kang tiwala sa akin. " nakasimangot na reklamo niya dito.
" Monica hindi sa akin nanggaling yan! sayo mismo nanggaling yan dahil wala akong sinasabing ganyan."
" Hmmp...ewan ko sayo Vincent! hindi maiwasan ni Monica na makaramdam ng inis sa asawa sa inaasal nito. Simula nung aminin nito na nagseselos ito kay Jerome ay halos gusto na siyang bakuran. Bantay sarado siya dito.
Napalitan ng saya ang inis ni Monica ng magring ang Cp niya at makitang ang kuya niya ang tumatawag. " Hello kuya Brando! kumusta ka na? I miss you kuya! Kuya video call tayo gusto kitang makita. Tila bata siyang naglalambing sa kapatid.
" Ok sige princess I'll call you on skype. "
" Thanks kuya. Now na ha "
" Opo! natatawa naman nitong pagtugon sa paglalambing niya"
Pagka off niya ng tawag ng kuya niya ay siya namang tawag nito sa skype account niya.
" Hello kuya! bati niya sa kapatid na nakangiti sa kanya.
" Hello my princess! ganting bati din nito sa kanya"
" Kuya bakit parang pumopogi ka diyan! may nagpapapogi na ba syo diyan? kumusta ka naman diyan kuya?
"Okay lang ako dito Monica, kayo ni Vincent kumusta na? "
" Okay lang kami dito bro." sagot nang kanyang asawa na nakisilip na rin sa screen.
" Hello Vincent! musta na bro. pasaway pa rin ba yang asawa mo sayo? " nagtatawa nitong tanong sa kanya.
" We're fine kuya! ikaw kumusta ka na dyan my GF ka naba dyan kuya? " balik tanong naman ni Monica sa kapatid.
" Meron na! and surprise ko yun pag uwi ko jan next year! tila kinikilig nitong sagot.
" Uy si kuya, kaya pala mukhang blooming eh pumapag-ibig na. Panunukso niya sa kapatid na ngiti-ngiti lang. Hay kuya I really miss you!
" I miss you too princess! miss ko na kayo lahat dyan! princess I have to go.. bye for now!
okay kuya bye! ingat ka lagi dyan! love you!
" Love you too princess."
AT BAGUIO
Sobrang saya ni Monica! kahit ilang beses na siyang nakapunta sa Baguio kasama ang family niya ay iba pa rin pala yung feeling na mga kaklase mo ang kasama mo! sobrang nakapagbonding sila ng husto. Nasa hotel room na nila siya ng mabasa niya ang text ni Vincent.
"Monica please go to my room now I need to see you! I miss you! my room is at 3rd floor room 547."
at sumunod pa rin pala talaga sa kanya ang asawa! ay naku nakakainis talaga itong si Vincent hindi makatiis.
Lumabas siya ng room niya tinungo ang 3rd floor! kumatok siya pero walang sumasagot. Siguro nakatulog na si Vincent kaya walang sumasagot. Pinihit niya ang door knob at hindi ito nakalock at ganun na lang ang shock na bumangon sa buong pagkatao niya when he saw her husband sleeping with Sandra and they are both naked.
Biglang sumulak ang galit at paghihimagsik sa puso niya! walang tigil ang pagpatak ng luha sa mga mata niya! mga walanghiya kayo! ang bababoy nyu! hinila niya ang buhok ng malanding si Sandra na tila nagulat ng makitang nasa loob na siya ng room ng mga ito! Si Vincent naman ay napabalikwas ng bangon at tila naguguluhan sa mga pangyayaring nagaganap.
Pinagsasampal ni Monica si Sandra at sumunod niyang napagbalingan ang asawa! pinagsasampal niya ito. I hate you so much Vincent! I hate you!
" Monica I don't know what happened! you listen to me please. "
" You don't know what happened Vince. Pwes sa akin malinaw na malinaw! "
" Monica maniwala ka naman sa akin ni hindi ko alam na nakapasok si Sandra sa room ko! "
" Pwede ba Vincent wag mo ng bilugin ang ulo ng asawa mo! we just made love. " wika ni Sandra na lalong ikinagalit ni Monica.
" Ano bang pinagsasabi mo Sandra at ano bang pinaggagawa mo dito sa room ko? " matiim na tintigan ni Vincent si Sandra.
" Ang bababoy nyu at ikaw babae ka! ang kati mo! alam mo ng may asawa pinatulan mo pa! mang-aagaw ng asawa! "
" Tama na ang panlalait mo sa akin Monica! now its my turn para matauhan ka! kilalanin mo muna yang sarili mo bago ka magsalita sa akin ng ganyan.
Kilala mo ba ang sarili mo ha Monica Montenegro! akala mo kung sino ka umasta! eh hindi ka naman totoong Montenegro kahit si Vincent ay nagulat sa revelation ni Sandra.
" Sandra ano bang pinagsasabi mo? " takang tanong dito ni Vincent
" Yes Vincent matagal ko na rin gustong isampal sa pagmumukha ng babaeng yan ang katotohanan. Tama nga ang narinig nyu hindi isang tunay na Montenegro yang asawa mo! dahil patay na ang totoong Monica Montenegro.! sigaw nito sa kanila. Halos mabingi si Monica sa mga pinagsasabi ni Sandra.
Makinig ka Monica ang mommy ko ang nagpaanak sa kinikilala mong ina at patay ang anak niya! kasabay niyang nanganak yung labandera nyu si Aling Ditas! premature ang anak nito dahil seven months palang ng isilang ito at ikaw yun wala silang perang pangtustos sa gastusin sa hospital para mabuhay ka kaya ipinaubaya ka niya sa mga Hidalgo kapalit ng kaligtasan mo! ang mommy ko lang at ang parents mo ang nakakaalam ng tungkol dyan at di ko sinasadyang malaman yun dahil andun din ako sa hospital ng gabing yun.
Hindi totoo yan! sinungaling ka! walang nagawa si Monica kundi ang umiyak ng umiyak! Grabe wasak na wasak siya ng gabing yun! bakit sa ganitong sitwasyon niya pa kailangang malaman ang lahat!
Awang awa si Vincent sa asawa! niyakap niya ito pero itinulak siya nito palayo.
Don't you ever touch me again Vince, nandidiri ako sayo! I hate you so much! magsama kayo ng malandi at makating babaeng yan!
At ikaw malanding babae ka kung sa tingin mo maniniwala ako syo nagkakamali ka. Sinungaling ka! Hindi totoo yang sinasabi mo Sandra hindi ako ampon! inagaw mo na nga ang asawa ko pati ba naman pamilya ko! Isa kang malaking sinungaling Sandra Villafuerte."
" Bakit hindi mo tanungin ang mga magulang mo Monica! Hindi ako ang sinungaling dito pero ang buhay mo ngayon at ang pagkatao mo ay isang malaking kasinungalingan. Siyanga pala kung magtatanong ka sa parents mo kung sino ka talaga, pakitanong na rin sa papa mo kung anong naging kaugnayan niya sa mama ko? "
"Alam mo bang inggit na inggit ako sayo ha Monica dahil lahat ng dapat para sa akin nakuha mo! ang pagmamahal ng isang ama, ang pagmamahal ng mga kapatid ko at higit sa lahat ang pagmamahal ng lalakeng mahal ko nakuha mo na at wala kang itinira sa akin pero magbabago na ang lahat ngayon Monica dahil kukunin ko lahat ng dapat ay para sa akin! ako ang tunay na Montenegro dahil anak ako ng papa mo Kay Sandra Villafuerte na mama ko! "
Isa nanamang pasabog ang ipinamukhsaa kanya ni Sandra grabe parang sasabog na ang puso at utak nya! sa sobrang sakit.
Sinungaling ka! Isa kang babaeng mapaggawa ng kwento. Masyado ka lang inggit sa akin kaya mo nasasabi yan Sandra gusto mong sirain ang buhay ko dahil sa inggit sayo na ang asawa ko magsama kayo hanggang sa impyerno pero sisiguraduhin ko sayong hindi mo makukuha ang family ko. Mahal na mahal ako ng family ko at hindi ko sila igigive up. kung totoo ka mang anak ng papa ko who cares! sino ka ba? Isa ka lang namang anak sa labas! anak sa pagkakasala! no doubt kung bakit ka ganyan mang-aagaw ng asawa ng may asawa dahil may pagmamanahan ka naman pala. Mana ka sa ina mo isang babaeng pumatol sa may asawa! pareho kayo ng nanay mo malandi! Galit na galit na sigaw niya kay Sandra.
" How dare you! " matinding galit ang rumehistro sa mga mata ni sandra dahil sa mga sinabi niya! at sasampalin sana siya nito pero naging maagap si Vincent nahawakan agad nito ang kamay ni Sandra!
" Huwag kang magkakamaling saktan ang asawa ko Sandra! Get out of here! dumadagundonga ang galit na tinig ni Vincent na ikinapitlag ni Sandra.
I said get out Sandra kung ayaw mong hilahin kita palabas ng room na ito! agad naman itong tumalima at lumabas ng room na umiiyak dahil sa takot kay Vincent.