Do you ever feel like running away! just suddenly leaving. No note, no warning, just getting your s**t and leaving. CHAPTER THIRTY ONE Madaling araw na ng makarating sila Monica sa Rest House nila Jerome. Hindi niya akalaing ganun kalaki at kaganda ang rest house nila Jerome sa Quezon. Palibot ito ng bundok at karagatan. Sariwang hangin ang sumalubong sa kanila. Nakatulong ang bagong kapaligaran na kanyang nabungaran upang kahit papano ay magkaron ng kapanatagan ang kanyang puso at isip. Ang mabait na mayordoma nila Jerome ang sumalubong sa kanila sa Villa, maedad na ito at puro puti na ang mga buhok ayun kay Jerome ay si Aling Nena ang nangangalaga at mayordoma nila sa Villa. Magandang araw po senyorito! Ganun din po sa inyo mga mam. Napakagaganda nyu! magiliw nitong papuri sa kanila

