THE JEALOUS WIFE

2373 Words
        I get jealous because I am afraid someone is going to make you happier than I do.    CHAPTER TWENTY SEVEN         " Ano ba naman yang anak mo na yan Carmelo, gusto niya na bigyan mo pa siya ng Welcome party! for God's sake Carmelo gusto pa ba niyang ipangalandakan ang pagiging anak niya sa labas! she's so impossible tinanggap ko na nga siya, ano pa ba ang gusto niya, she's asking too much from us! " reklamo ni Elena sa asawa.          " Honey calm down! ang gusto lang naman nung bata ay makilala siya ng mga tao bilang anak ko. "         "  I'm sorry hon, if I reacted this way, it's just that masyado na kasi na nagiging demanding yang anak mo! Hindi pa ba sapat sa kanya na tanggap natin siya, tanggap siya ng mga kapatid niya and that is all that matters right and baka nakakalimutan mo hon mas may kailangan tayong party na asikasuhin we need to plan and prepare for the engagement party of Brando and Jana. "          " Yeah I know that hon, wait I have an idea hon, bakit hindi nalang natin ipakilala si Sandra during the engagement party of Brando and Jana. "          " Okay hon that's better! ikaw ang bahala! but I want a big event para sa bunso nating lalaki Carmelo. Gusto ko ng engrandeng party para kay Brando at Jana. After all they both deserve it. "          " The decision is yours honey. You can do anything you want and I'll support you." Niyakap ni Carmelo ang asawa! hon thank you! thank you sa pagtanggap mo kay Sandra and thank you sa forgiveness mo. At yun ang tagpong nadatnan ni Monica sa terrace nila.          " Wow ang sweet naman ng mom and dad ko. " Nakiyakap din si Monica sa mom and dad niya!          " The best mom and dad talaga kayo in the whole world. I love you mom, dad kahit hindi kayo ang totooo kong mga magulang for me kayo ang the best parents in the whole universe! "           " Asus universe naman ngayon kanina in the world lang! Love ka din naman namin ng dad mo at walang magbabago sa pagmamahal na yun, "  masayang wika ni Elena sa anak.          " Tama ang mommy mo iha, nakangiti ding wika ng dad niya. Kumusta na nga pala ang pakiramdam ng prinsesa namin? " nakangiting tanong nito sa kanya.         " I'm okay now dad, medyo lagi lang sumasama ang sikmura ko at panlasa ko mommy. "                 " Ay naku iha masanay ka na dahil ganyan talaga ang buntis at nasa stage pa ng paglilihi masyadong madaming hindi kanais nais na nararamdaman but dont worry kasi lilipas din yan! ay naku ang prinsesa natin Carmelo parang kailan lang, baby pa natin but now magkakababy na. "          " Sinabi mo pa hon! we're so happy for you and Vincent princess, siya nga pala iha where is Vincent? nagbreakfast na ba kayo? "          " Ay naku dad ako ngbreakfast na, si Vince ayun hanggang ngayon tulog pa!, sobra yatang nalasing nila kuya kagabi. " tila nagrreklamo niyang wika sa ama.          " Siguro nga iha kasi hanggang ngayon ay hindi pa rin bumabangon ang mga kuya mo, pati sila Clarisse at Anna ganun din ang ate Sandra mo, parang hanggang madaling araw yata sila nag-inuman sa bar kagabi."          " So andun din pala si Sandra, I forgot reunion nga pala nila yun ng mga ex niya. " nakamusdot niyang wika!         Natawa naman si Elena at Carmelo sa tinuran ng anak.          " Dad, mom What's funny! why are you laughing? "          " Eh kasi naman anak halatang halatang selos na selos ka. Princess you should live with it and try to conquer your feelings because no matter what, Jana and Sandra are now part of our family. Hindi mo sila matatakasan, dont live with the past Monica, forget everything that happened from the past and live with the present, " mahinahong advice sa kanya ng kanyang mommy.         " Your mom is right princess. Second the motion naman ng daddy niya.  Look iha, Sandra is your sister and Jana is your sister too and she will also be a part of our family, we are one family now iha. I'm sure naman na Vincent loves you, so dont be afraid with your ate Jana and ate Sandra kasi part na lang sila ng past ni Vincent, meaning tapos na. Ikaw na ang present, kasal kayo at magkakababy na! si Jana naman ikakasal na sa Kuya mo. You have nothing to worry. " payo sa kanya ng kanyang ama.          " Yah dad alright! perhaps you're right! but I'm sorry to tell you this dad kay ate Jana may tiwala ako pero kay Sandra wala, ilang beses na niyang tinangkang agawin sa akin si Vincent dad, ilang beses na rin kaming muntikan maghiwalay ni Vincent because of her, masisisi mo ba ako dad kung wala akong tiwala sa anak nyu! Dad tunay nyung anak si Sandra, ako ampon nyu lang hindi ako magtatampo kung mas kakampihan nyu siya at ipagtatanggol but dad wala talaga akong tiwala sa kanya! feeling ko may evil plan siya, sila ng mommy niya. "         " Dont say that iha! wag na wag mo na ulit sasabihin na ampon ka lang namin ng mommy mo dahil anak ka namin! at ito tandaan mo iha hindi porket tunay kong anak si Sandra ay magiging magkaiba ang pagtingin ko sa inyo, pareho ko kayong anak at mahal ko kayo, kaya sana magkasundo na kayong magkapatid. Dont worry iha I'll talk to her about her feelings to Vincent. "         " Well dad good luck sa magiging pag-uusap ninyo because that girl is still madly in love with my husband and siya mismo ang nagsabi sa akin na she wants Vincent back. " " Monica anak, wag mo ng intindihin ang sinabi ng ate Sandra mo, kasi kahit anong gawin niya hindi na niya mababawi kung anong nasa iyo na! Kasal na kayo ni Vincent, now if Sandra insist to get Vincent back siya rin ang magsasufer kasi she will just surely be a mistress. " mahabang paliwang sa kanya ng dad niya. " Carmelo You should really talk to your daughter Sandra about this, I'm warning you Carmelo, tinanggap ko ang anak mo kasi marunong ako magpakatao, well sana siya din!, sana naturuan siya ng mommy niya kung pano ang magpakatao at ang pagkakaroon ng values, I'm telling you pag sinaktan niya si Monica, baka makalimutan kong anak mo siya! " puno naman nang pagbabanta sa tono ng mom niya na handa siyang protektahan laban kay Sandra.          " Stop that negativity Elena! hindi naman siguro magagawa ni Sandra na sirain ang reputasyon niya! Look she's now 34 and still single well she has a good reputation in the society, a strong woman so I dont think magagawa niyang maging other woman. "          " Monica you are still our princess okay. So you have nothing to worry about. We love you and no matter what happen pareho ko kayong anak ng ate Sandra mo at pareho ko kayong mahal so masasaktan ako kung patuloy kayong magkakaroon ng hidwaan sa isat-isa. I'll be happy kung makikita kong magkasundo kayo ng ate Sandra mo. " paalala sa kanya ng kanyang ama.         "  That is so impossible for now dad, but I'll try to be good to her. "          " Thanks iha! Sana nga ay maging okay na sa inyo ni Sandra ang lahat. "          " It will dad but I think it will takes time. "          " Good to hear that from you iha at least you are not closing the door for your ate Sandra and if that time comes na okay na kayo yung magkasundo na, siguro I will be the most happiest father in the world. "         Muling niyakap ni Monica ang mom and dad niya. " Lets just pray for the better dad. "         During lunch time ay hindi nanaman maiwasan ni Monica na makaramdam ng inis kay Sandra the way she looks to Vincent.         Si Vincent naman ay tila hindi pansin ang malalandi at tila nang-aakit na tingin ni Sandra dahil busy ito sa pag-aasikaso sa kanya para siyang bata na ipinagbabalat nito ng hipon at alimango.          " Sweetheart that's enough! para mas lalong inggitin si Sandra ay malambing niyang sinubuan si Vincent, na tinanggap naman nito, pagkatapos ay siya naman ang sinubuan nito.          " Wow ang sweet naman nila Rigor! di ka ba naiinggit sa kanila? " tila nanunudyong tanong ni Clarisse sa asawang si Rigor.         "  Honey naman hayaan mo na yan sila Vincent at Monica ganyan talaga pag mga bago palang mag-asawa super sweet pa sa isat-isa. "         Kitang kita naman ni Monica ang pag-ismid ni Sandra, sabay tayo na!          Oh Sandra iha tapos ka na agad kumain?          sita naman dito ng daddy niya!         " Yes dad I'm full busog na po ako, tanghali na po kasi ako nakapagbreakfast kanina eh! please excuse me, magpapahangin lang po ako sa may pool side. "          " Okay iha go ahead. "         Pagka-alis ni Sandra ay nakaisip ng idea si Monica para mas lalong inisin si Sandra.          " Sweetheart after lunch swimming naman tayo sa pool mamaya. " Paglalambing niya sa asawa.         "  Okay hon, why not then after that maybe we can go home. "          " Uuwi na agad kayo? react naman ng dad niya! why dont you stay here for at least one week, para naman magkaron ng mahabang bonding ang family natin, what do you think Rigor, Mike,  Raymond, Brando? baling nito sa mga anak nito.          " Okay dad as you wish agad namang sang-ayon ng panganay na si Rigor. Boys, Mga Bro., Monica pagbigyan na natin si dad. Is it okay with you Vincent kung pagbibigyan natin si daddy to stay here first for a week? "         Si Vincent naman ay mukhang napipilitan lang ng sumagot. " Okay sige bro, dad next week nalang po kami uuwi ni Monica. "          " Thank you Vincent. " Pasalamat naman ng daddy niya. maya maya lang ay tumayo na din ito.           " Tapos ka na sweetheart? tanong ni Monica sa asawa na halatang alumpihit na.          " Yes, sweetheart. excuse me poh! sweetheart CR lang ako bulong nito sa kanya na mukhang nahihiyang iparinig sa iba. Ok sweetheart go ahead baka dito ka pa abutin "  natatawa niyang wika dito.         Pagkatapos kumain ay pumunta na si Monica sa pool side nadatnan niya dun si Sandra na nakaupo sa gilid ng pool habang naka baba ang dalawang paa sa tubig. at tila malayo ang tingin. Siya naman ay naupo muna sa bench at nagpahangin, habang hinihintay si Vincent.          " Hi sweetheart! success! napalingon si Monica sa nagsalita at saka lang niya napansin na andun na pala si Vincent. Grabe sweetheart sumakit ang tiyan ko sa dami ng pinakain mo sa akin! " natatawa nitong wika sa kanya.          " Yucks sweetheart, kaya pala biglang nangamoy pupo andyan ka na! " pang-aasar niya dito.           " ah ganun ha! amoy pupo pala ha! " at hindi siya nakaiwas ng kilitiin siya nito, napahagikhik naman siya.         Si Sandra naman ay napalingon sa likod nang makarinig ng hagikhikan. And there para nanamang pinupunit ang puso niya ng makita ang naghaharutan na sila Monica at Vincent.         Manhid ba talaga ang mga ito? bakit kailangan pang ipakita sa kanya ang paglalambingan ng mga ito. Hanggang kailan ba siya masasaktan! kagabi lang sobrang sakit na ang naramdaman niya ng aminin nito sa lahat na mahal nito si Monica, para siyang sinampal nito sa magkabilang pisngi ng sabihin nitong wala na itong ibang mahal kundi ang bwisit sa lovelife niya na si Monica, ang itinuturing na prinsesa ng mga kapatid at tatay niya. Kung alam lang ng babaeng ito na suko hanggang langit ang inggit niya dito lahat nalang ng mahal niya inagaw nito si Vincent at ang tunay niyang pamilya, sampid lang ito sa pamilya Montenegro pero parang mas tunay na Montenegro pa ang turing ng mga di niya nakilalang kapatid dito, kahit na nalaman ng mga ito na ampon lang ang itinuturing nilang prinsesa hindi pa rin nagbago ang pagtingin ng mga ito sa babaeng ito. She hates this girl so much! Sa sobrang inis niya kahit wala siyang balak magswimming ay nagpasya siyang magswimming nalang, pumunta siya saglit sa room niya at kumuha ng swimsuit at nagpalit. Sa likod siya ng mansion dumaan kaya hindi napansin ng dalawang naghaharutan ang pag-alis at pagbalik niya.         Nadatnan niyang sweet pa rin ang dalawa nakahilig si Monica sa balikat ni Vincent, habang si Vincent naman ay tila hinihimas ang tiyan ni Monica na ni wala pa man lang umbok.         Samantala napatingin naman ang mag-asawa sa pool ng marinig ang malakas na pagkalabsaw ng tubig at tumambad sa kanila ang nagsuswiming na si Sandra. Seksing seksi ito sa suot nitong swim suit, nagpabalikbalik ito sa paglangoy sa magkabilang dulo ng pool. At sobrang inis nanaman siya ng mahuli ang asawa na nakatingin din sa lumalangoy na si Sandra. " Hey Mr. baka gusto mong itulak na rin kita jan sa pool para hindi ka na nangangawit sa katitingin dyan sa ex mo. " inis na sita niya kay Vincent ng mahuli itong nakatingin kay Sandra. " Sweetheart naman, masama bang tumingin eh may mata naman ako! hanggang ngayon ba ay nagseselos ka pa rin kay Sandra.? "  " Bakit Mr. masama bang magselos sa ex ng husband ko? " ganting tanong naman niya dito. " Sweetheart wala ka namang dapat ipagselos eh. " " Wala nga ba Vince? inis na tanong niya dito sabay ismid. " Oh c'mon Monica, here we go again! wala na kami ni Sandra. Asawa mo na ako and I am yours. " " I dont know Vince but I can't help it maybe I get jealous because I am just afraid that she can make you happier than I do. " " Monica stop thinking that! I am happy with you and happier now dahil magkakababy na tayo. " pangungumbinsi sa kanya ng asawa. Na ginawaran pa siya ng masuyong halik sa labi na tila nagpainit nanaman sa nararamdaman niya.      Samantala hindi naman nakaligtas sa mga mata ni Sandra ang laplapan ng dalawa na lalong nagpatindi sa inis at sakit na nararamdaman niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD