CHAPTER TWO
Monica got a news that Vincent is finally getting married with Jana Boromeo ang panganay na anak ng labandera nilang si aling Ditas.
Agad niyang tinawagan si Vincent para iconfirm kung totoo ito.
" Hello! yes princess Monica napatawag ka!? wazzup little princess!"
"Stop calling me that! inis na sita nya dito."
"So what do you want me to call you? Monica maldita ba ang gusto mo na itawag ko sayo?"
"Shut up! I just called you up to confirm the news, is it true that you are getting married?"
"Yes! is there any problem with that!"?
"No... this can’t be happening! I won’t allow it to happen!"
"And why not Monica?"
"Because you're mine!"
"You're crazy Monica! you are too young for me."
"But I have loved you for almost six years!
"Monica you need to understand that you are just like a little sister to me. I'm sure that what you feel for me is just simply Infatuation and time will come it will disappear also!"
" No! lahat kayo parepareho ng sinasabi bakit nararamdaman nyu ba kung anong nararamdaman ko!? Ah basta ikaw ang gusto ko maging asawa someday pagka graduate ko ng college kaya hindi ako papayag na mgpakasal ka sa Jana na yun. Please Vincent wag kang pakasal sa kanya, she's just a daughter of our maid. I will hate you forever if you marry her."
"Monica! whether you like it or not we are getting married and you are free to come. "
" No Vincent! no please!!!"
"Monica what's wrong with you? Maraming lalake dyan na nagkakagusto sayo yung mas bata at kasing age mo lang! I am not the right guy for you so don’t waste your time on me."
" I swear pag nagpakasal ka sa kanya magpapakamatay ako!"
"Monica gawin mo kung anong gusto mong gawin but me and Jana will be getting married in 3 months from now!"
" I hate you Vincent Buencamino! I hate you! " umiiyak na sigaw ni Monica sa telepono. matapos niyang maibaba ang phone ay umiyak siya ng umiyak at nagwala sa loob ng kanyang room. itinapon nya lahat ng mahawakan ng kamay nya!
Narinig nya ang alalang-alalang boses ng mommy nya na kumakatok sa pintuan ng room nya pero binalewala nya un.
" Monica what's happening with you!? open the door please. This is your mom! "
"No! I dont want to talk to anybody else!!! just leave me alone!"
Patuloy na nagwala si Monica, her room is like a mess maraming basag na bubog at vase na nagkalat sa sahig ng kwarto nya! umiiyak pa rin siya! umiiyak siya na parang bata na hindi nakuha ang gusto.
"Monica ano ba open this door!!! " patuloy na sigaw ng mom nya!
Ng makita niya ang basag na salamin na nagkalat sa sahig ay pumulot siya ng piraso nun at ginamit na panlaslas sa kanyang pulso pumulandit ang masaganang dugo sa kanyang braso at napasigaw siya ng malakas sa tindi ng takot at sakit na nararamdaman.
Hystirikal na ang mommy nya!
"Yaya Sion kunin mo ang master key natin bilis!"
"Monica anak! Monica ano ba open this door. "
Paulit-ulit ng sumisigaw ang mommy nya pero hindi na niya ito namalayan pa at naririnig dahil tuluyan na siyang nawalan ng malay at humandusay sa sahig. Halos atakehin sa puso si Elena ng mabuksan ang pinto ng kwarto ng anak at makita ang kalunos-lunos nitong kalagayan!
"Oh my God! Monica anak what have you done! yaya Sion tawagin mo si Carding at paakyatin mo dito tapos ipahanda mo kay mang Dado ang kotse madali ka kaylangang madala agad si Monica sa Hospital. "
"Opo senyora! dyusmiong bata ano ba ang naisipan at naglaslas! "
Natatarantang pumanaog si yaya Sion.
Agad namang naisugod sa Hospital si Monica. Iderenerecho ito sa E.R at dahil sa dami ng nawalang dugo dito ay agad itong sinalinan ng dugo mabuti nalang at may nakuha agad silang donor ng dugo kasi mejo mahirap hanapin ang type ng dugo nito wala pa naman ang daddy nito dahil kasalukuyang nasa singapore para sa isang linggong seminar na may kinalaman sa bago nilang negosyo. ang mga kapatid naman nito ay may kanya-kanyang trabaho din kaya sila lang mag-ina ang laging naiiwang magkasama.
Matapos niyang ipaalam sa kanyang mga anak na lalake ang nangyari sa kanilang bunsong kapatid ay halos sabay sabay na nagsidatitangan sa hospital ang mga ito. Pinili niyang wag munang ipaalam sa kanilang ama ang nangyari dahil alam niyang sobra itong mag-aalala.
"Mom what happened? nag-aalalang tanong ni Brando" ang bunso sa lalake na sinundan ni Cara at super close dito.
" I don’t know iho. I don’t know what's wrong with her, I just heard her screaming and shouting inside her room. Akala ko may sumpong lang ang kapatid mo, alam nyu naman pag may gusto yan na di niya nakukuha nagwawala!"
"Naglocked siya ng room nya and then I just saw her lying on the floor with full of blood. " Umiiyak na si Elena habang nagkwekwento.
"I was so afraid Brando! I don't wanna loose her, she's my princess."
" Stop worrying Mom, she'll be okay! baka mamaya niyan kayo naman ang magkasakit."
"Mom why don’t you go home first and rest for a while, kami na muna ang bahala magbantay kay Princess" suhestiyon ni Rigor sa ina.
" Kuya Rigor is right mom! magpahinga kana muna kami na ang bahala kay bunso! nakausap na mana namin ang doktor nya and he said she is already out of danger."
"Pero bakit hindi pa rin siya nagigising hanngang ngayon?"
"Mom, epekto yun ng gamot na itinurok sa kanya bka daw bukas pa siya magkamalay but he make sure that she'll be fine so no need to worry okay!"
Dahil sa pagpilit ng mga anak na lalake ay napilitan si Elena na umuwi na muna upang makapagpahinga.
Ayaw nya sanang iwan ang anak hanggat hindi pa ito nagkakamalay pero alam niyang hindi siya titigilan ng mga anak kaya napilitan na lang din siya umuwi.
Hindi pa rin talaga siya mapanatag! hindi nya alam kung ano ang mabigat na problema ng anak nya para magtangkang magpakamatay! napakabata pa ng anak nya kaka 18 palang nito para magkaron ng mabigat na problema. 1st time nito mag-attempt magsuicide and she is sure na mabigat na problema ang pinagdadaanan nito.
She knows her daughter well! matapang ito at hindi basta nagpapatalo! but how come na naisipan nitong magpakamatay.
Kahit na spoiled brat si Monica at may pagkamaldita alam nyang mabait na bata ito. super sweet ito sa kanilang lahat kaya naman kahit anong hilingin nito sa kanila ay ibinibigay nila.
Hindi niya yata makakaya pag nawala si Monica sa kanila. Hindi niya kakayanin.
kay Monica na umikot ang buhay niya! si Monica ang katuparan ng matagal na nilang inaasam na mag-asawa.
Si Monica ang sagot sa mga panalangin niya! ang tagal niyang hinintay na makabuo ng isang babae dahil sunod-sunod na lalake nga ang naging anak nila at ganun nalang ang tuwa niya ng malaman nila sa ultrasound na babae ang magiging anak nila.
ang tagal nilang naghintay bago masundan si Brando. Binata na ito ng masundan ni Monica kaya kahit ito at ang mga kapatid nito ay tuwang tuwa na magkakaron na sila ng kapatid na babae.
kung mawawala si Monica hindi niya yata kakayanin! minsan na siyang nagdaan sa isang matinding kabiguan at sakit hindi na nya ulit kakayanin ang muling magluksa para sa isang mahal sa buhay.