Stolen First Kiss

1190 Words
“HOY! BABAING NAKA-PINK NA DASTER!” Napahinto ako sa paglalakad ng may sumigaw sa likuran ko at napatingin ako sa suot ko na pink dress. DASTER?! AMPUTSPA! Mukha bang daster ang suot kong to? Napakuyom ang dalawa kong mga kamay sa hampas lupang sumigaw sakin at sa taong nagtawag sa akin na DASTER! Lumingon ako sa likuran dala ang isang mataray na ugali at handa na sa isang laban na wawasak sa buhay niya. “Ako ba tinatawag mo?”tanung ko sa kanya. Napa-step forward siya at naka-ngisi sa akin na parang may masamang balak. Tinignan niya ako mula sa ilalim pataas. Napalaki ang singkit kong mga mata sa ginawa niya. “Babaing. Naka-pink. Na. DASTER.”pagkaklaro niya at diniinan niya ang huling salita na sinabi niya sa akin dahilan nang siya ay batuhin ko ng bag ko. “DASTER PALA HAH!”sigaw ko ng batuhin ko siya ng bag. Sayang naman. Ang gwapo pa niya sana kasu ang ugali hindi ko type. Matangkad siya. For sure pang basketball player ang height niya. Tan skin and a grey eyes na maganda at perfect na match sa kanyang tan skin. Hindi masyadong mapayat. Hindi katulad sa iba diyan na subrang payat na halus buto nalang natira at pinagbalut sa isang balat. “OUCH!!”sigaw niya ng matamaan siya. Medyo masakit din iyun dahil nandoon pa ang aking cellphone, make-up kit,perfume,charger, at madami pa na bagay na maaaring natama sa kanyang ulo. HAHAHA! Bagay lang sa kanya. “No one dares to do this to me.”he said through to his gritted teeth. Napalunok ako ng laway sa lalamunan ko ng mag iba ang kanyang aura. Kaya napa-step backward ako. Kahit na malayo siya sa akin ng ilang inch ay ramdam ko ang kanyang maitim na aura na bumabalot sa kanya. "T-teka... j-joke lang iyon, ha-ha-ha." luh bakit nauutal ako. Amp! Hindi ako takot sa kanya eh. Papalapit siya sa akin at hinawakan ang kwelyo ng damit ko. "How dare you, b***h?" Nakatingin lang ako ngayon sa pogi niyang mukha na sobrang lapit sa akin. Amoy na amoy ko ang kanyang hininga na sobrang bango na akala mo ay may downy na nakababad sa air freshener. "Tunaw na ako." Napabalik ako sa huwisyo ko ng magsalita siya. "Bitawan mo nga ako!"pilit na kinukuha ang kamay niya. Pochiii naman oh! ang lakas niya. Nanghihina ako sa kanya. Urgh! "No. may kasalanan ka sa akin. See this?" at pinakita niya ang kanyang noo na namumula at parang bukol yata. "H-hindi k-ko naman kasi sinasadya!" "Oh really?"sabi niya na parang hindi naniniwala. Lumuwag ang pagkakahawak niya sa manggas ng damit ko kaya napahinga ako ng malalim. Pero ilang segundo lang ay tinulak niya ako sa pader na malapit sakin at kinulong niya ako sa mga braso. Na corner akooooooo! "G-ginagawa mo!?" "Why? i haven't done something yet."he smirk and smile. Evil smile. Hindi ko alam kung maiinis ba ako o magagalit. Maybe both! Ito yung napapanuod ko sa mga love story na movie eh. Kunyari icocorner niya yung girl tapos...tapos...hahalikan. "N-nooooo.. ayokong mawala ang first kiss ko."at tinakpan ko ang bibig ko. Nagulat naman siya sa sinabi ko. His eyes blink two times at...tumawa. "HAHAHAHAHAHAHA!" Napatingin naman ako sa kanya. Okay, what was that? may nakakatawa ba sa sinabi ko? "May nakakatawa ba?" He stop at pinunasan ung gilid ng mata niya. Naluha siya sa kakatawa. Adik ba siya? "Ngayon lang ako nakatawa ng ganon.By the way, you're so funny dear. Bakit mo naman na sabi na hahalikan kita?" "Bakit? h-hindi ba?" "Bakit ko naman gagawin yun? Assuming."sabi niya at sumandal sa pader habang nakatingin sa akin. Ay.. ganun ba? kala ko kasi ganyan yung mangyayari. Arrrgh! Haven pahiya ka. "Ahehe... a-alis n-na ako."sabi ko. Akmang maglalakad na sana ako ng bigla niya akong hilahin pabalik and the next thing i knew is...hinahalikan na niya ako. Oh cheeezz... I tried to push him pero gagi.. nakasandal nga siya sa pader. I didn't respond to his kiss but damn nakakapanghina yung mga halik niya. Muntik na akong matumba pero agad naman niya akong hinawakan sa magkabilaang braso ko at isinandal sa pader. He is kissing me for about 5 minutes? Helppppp! He stop kissing me at tinignan ako sa mata. Ako naman ay hindi maka recover dahil sa ginawa niya. It was my first kiss! and he stoled it! "I am your first kiss, right?"he smirk and then umalis na. Iniwan niya ako ditong nakatulala. Wala na yung first kiss ko. Ninakaw niya ang first kiss. Napahawak ako sa labi ko na minurder niya. I can still feel his lips to mine. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong feeling. Yung feeling na maiinis ka dahil ninakaw ang importante sayo. "Y-yung f-first kiss ko."sabi ko habang hawak ko parin ang labi ko. Yung halik niya...ang sherep. "Ay gaga! noooo..." Wala na ang first kiss kooooo! Ninakaw ng lalaking hindi ko naman kilala. Paano nalang ang magiging future husband ko?! Paano nalang ang future ko!? Pero aaminin ko ang sherep niya talagang humalik to the point the muntik na akong matumba kanina dahil nanhina bigla ang mga tuhod ko. Nakakapanghina yung halik niya. Parang hinigop niya lahat ng energy ko sa katawan. Kulang nalang ay mawalan na ako ng hininga. "Sino ba kasi yun?"tanong ko sa sarili ko. Nakakabaliw. Sobraa. Isip nyo bigla kayong hinalikan ng isang tao na hindi nyo naman kilala. Oh my gosh! baka adik yun kaya ganun. pero malabo naman. Ang pogi niya tapos nakadamit pang mayaman. Malabo na adik yun.. "Hahaha amp! nakakabaliw ka..." May dumaan naman at napatingin sa akin. "Tinitingin mo?!" Dali dali naman siyang umalis pero rinig ko pa ang sinabi niya. "Baliw." "Anong sabi mo!?"susugurin ko na sana pero nakalayo na. Ngango yun ah. Napagkamalan akong baliw. Pero totoo naman sinabi niya. Mukha nga akong baliw dito na tumatawa na nakatulala. Err... makauwi na nga. Nang makauwi na ako sa bahay ay nakasalubong ko si ate Barney sa hagdan. "Oh.. anung nangyari sayo?" tanong niya at tinuro ang buhok ko na magulo. "Ahm.. w-wala. Nagulo lang dahil sa hangin. Ang lakas kasi.. grabe."sabi ko sabay inayos ang buhok ko na magulo nga. Para akong nakipagsabunutan sa limang babae dahil yung buhok ko ay sobrang magulo. Pramis mga marss... "Naku! Ikaw na babae ka kung saan saan ka kasi pumupunta. Maligo ka na!"sabi niya at umalis na. "Teka! Ate saan kanaman pupunta?" "Hang out with friends. Bye!" Haist! si ate talaga. Ang landi... Dumiretso na ako sa kwarto ko at pumasok sa banyo at naligo. After ko maligo ay nag-ayos na ako ng gamit ko dahil ilang oras nalang ay papasok na ako sa bar. Don't get me wrong mga mars, isa akong waitress hindi ako sumasayaw at lalong hindi ako nagpapahawak at nasuot ng malalaswang damit. After ko makapag-ayos ay umalis na ako at dumiretso na sa bar na pinagtatrabahuhan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD