Chapter13

2521 Words
Endiyah Tinawag niya ang pangalan ko. Nauutal pa ito sa paraan nang pagkakabigkas niya sa aking pangalan. Dahan-dahan akong nag-angat nang tingin sa kaniya. Inalis ko na rin ang kamay kong nakatakip sa magkabila kong tainga. Tila nagbago ang ekspresyon ng kaniyang mukha. Mula sa galit kanina hanggang sa naging maamo. Nilapitan niya ako at lumuhod din sa harapan ko. “I’m sorry.” Pinadikit niya ang mga noo namin. Nangilid ang luha ko sa mga mata. Inagat ko ang kamay at hinaplos ang panga niya. Matagal at madiin, hanggang sa humupa ang malalim niyang paghinga. “Huwag kang nagwawala…natatakot ako,” sambit ko sa kaniya. “I’m sorry Love. I’m very sorry.” Hinila niya ako at niyakap nang mahigpit. Hindi ko nasuklian ang yakap niya dahil nagulat ako. Nagulat din ako sa itinawag niya sa akin. Totoo? Tinawag niya ako sa endearment na itinatawag niya sa akin noon? Nag-init ang puso ko. Nakalipas ng ilang segundo ay kusa kong ini-angat ang mga braso ko at pinaikot iyon sa may batok niya. Gusto kong itapon niya ang anumang galit na nararamdam niya ngayon. “I’m sorry, I didn’t meant to..” mahina niyang sabi sa akin. Mas humigpit ang pagkakayakap niya sa akin. Naramdam ko na rin ang labi niya sa ibabaw ng ulo ko at masuyong humahalik. Bumaba iyon sa gilid ng tainga ko. Hanggang sa bumaba pa iyon sa may balikat ko. “Ethan..” mahina kong sabi. Baka mamaya ay makita pa kami dito ng mga kasama namin sa bahay. Tiningnan niya ako kasabay nang pagpakawala sa akin mula sa mahigpit niyang yakap. “You’re mine.” He smiled at me. Then, give a soft kiss on my lips. *** Lumipas pa ang mga araw. Himala dahil hindi na naman mainitin ang ulo. Hindi niya ako masyadong kinakausap pero hindi rin naman nagagalit. Tulad nang nakasanayan ko. Lagi kong kakuwentuhan si Lovely kapag break time. Nilibot niya rin ako sa buong branch ng kompaniya. Dumalaw na rin ako sa bahay. Sobrang saya ni Mama nang makita niya ako. Dad is still worried because of my situation, but I assured them that I am pretty well fine. I meet Zurin in the company, but I avoid him as I can. Mahirap na at baka malaman na naman ng romantikong halimaw na iyon. Nalaman ko na rin na isa sa investor ng Treveno’s Corporation ang papa ni Zurin. “Anong iniisip mo?” Isang baritonong boses ang nagpagising sa malalim kong pag-iisip. Umangat ang tingin ko kay Ethan. Kunot ang noot at magkasalubong ang mga kilay habang nakatitig sa akin. Nagbaba ako nang tingin at umiling sa kaniya. “Pagod kana ba? You can stop working,” sabi niya. Muli akong tumingin sa kaniya. Magkasiklop na ang mga kamay sa tapat ng dibdib. “Okay lang ako,” sagot ko sa kaniya. Tumitig siya sa akin. Naiilang ako pero hindi ako nagbaba nang tingin. “Gusto mo bang pumunta tayo sa dagat?” tanong niya sa akin. Biglang na-excited ang puso ko. Matagal na akong hindi nakakapunta doon. Tanda ko pa ay huling punta ko doon noong kaming dalawa. Ayaw ko nang alalahanin ang memorya na iyon. It’s hunting me until now. But then, “S-sige..” sagot ko sa kaniya. He smirked. Akala ko ay niloloko lang ako. Tumayo siya mula sa swivel chair niya sabay abot ng kaniyang cellphone at coat. Naglakad siya palapit sa akin. “Let’s go,” aya niya sa akin. Siya na ang kusang umabot sa sling bag ko. Nang makatayo na ako mula sa upuan ko ay bigla niyang ginanap ang palad ko. Bigla akong nakaramdam ng hiya. Does he going to hold my hands until outside? Ayaw ko! Ayaw kong makita ng mga staffs niyang magkahawak-kamay kami. “Ethan, can you let go of my hands…p-please..” nasa labas na kami ng hallway nang sabihin ko iyon sa kaniya. “Why?” tanong niya. Binalingan pa niya ako. “Ayaw kong makita ng mga empliyado mong magkahawak-kamay tayo. Baka kung ano pang isipin nila sa atin.” Tumawa siya nang pagak. Hinila niya ako sa loob ng elevator. “Let them think,” mahina niyang sabi. Nang makababa na kami ay hawak pa rin niya ang kamay ko. Gaya ng nasa isip ko. Lahat nang nadadaanan naming mga empliyado ay napapatingin sa amin. Literal sa kamay naming magkasiklop. He is the President and the owner of this huge company. Hindi naman kami kasal o magkarelasyon. Kaya normal lang kung magkataon na mag-isip sa amin ang mga empliyado niya. Nang nasa reception na kami ay nakangiti sa amin si Lovely. May kahulugan at parang nanunukso. Binati nila si Ethan. Bigla akong nahiya dahil andito rin ang Director. Nakatingin na rin ito sa mga kamay namin. Yumuko siya kay Ethan bilang paggalang. “Cancel my meeting later, I have an important to do.” Hindi pa nakakasagot ang Director ay hinila na niya ako palabas. Nakasalubong namin si Francis kaya bigla siyang huminto. “Mr. President. May lakad kayo?” tanong niya kay Ethan. “Yes, Francis. Ikaw nang bahala sa lahat,” sagot niya. Tiningnan din ako ni Francis. Hilaw akong ngumiti sa kaniya. Binalik niya ang tingin kay Ethan. “Nagbilin pala si Chairman na bisitahin mo raw sila sa mansyon bukas.” Tumango sa kaniya si Ethan. “Sige, salamat.” Muli niya akong hinila hanggang sa marating namin ang parking lot kung saan naka-parking ang kaniyang sasakyan. Pinagbuksan niya ako ng pinto at pinapasok sa loob. Tahimik lang kami sa biyahe hanggang sa makarating kami sa gilid ng dagat. Hinawakan niya ang kamay ko at naglakad-lakad kami. May mga tao rin na naglalakad. Medyo mahangin kaya ang sarap sa pakiramdam. “After five years, nakapunta na din ako ulit dito. Ang tagal na pala,” mahina niyang sabi. Hindi siya nakatingin sa akin. Gusto kong maluha. Para kaming bumalik sa dati. This was our favourite place to date. Tahimik at walang istorbo. “Hindi kana ba pumunta dito simula noon?” tanong ko. Lumingon ako sa kaniya. Umiling siya. “Nope. Ayaw kong bumalik dito nang hindi kita kasama.” Napahinto ako sa paglalakad at napatitig sa kaniya. Nilingon niya rin ako at tumitig pabalik. Nag-init ang magkabila kong pisngi. “Bakit naman, ayaw mo ba sa lugar na ito?” tanong ko. Pinilit kong ibahin ang usapan namin upang makaiwas sa nakaraan namin. Hinarap niya ako. “I started to hate this place since you left five years ago. Kung puwede ngang isara ito ay ginawa ko na ‘yon,” sagot niya sa akin. Binaling ko ang tingin sa malawak na karagatan. Ang buhok ko ay sumasabay na rin sa ihip ng hangin. “You shouldn’t lock yourself into the dark past. That’s just a small part of the past,” mahina kong sabi sa kaniya. Malalim siyang huminga. Humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko at bahagya pa iyon pinisil. Ramdam ko ang saloobin niya sa paraan nang pagkakahawak niya sa kamay ko. “I don’t think…it’s just a small part of the past. Whatever we had before…that’s meant to me a lot.” Yumuko siya at tiningnan ang mga kamay ko. “You still hates me for l-leaving you?” My voice become groggy. Tumingin ako nang deretso sa kaniyang mga mata. Umigting ang kaniyang panga at seryosong tumitig sa akin. Bigla akong kinabahan ngunit hindi ko na puwedeng bawiin kung anoman ang nasabi ko. Gusto ko ring malaman ang saloobin niya. “Whatever happens, it’s happened for a reason, Endiyah. Yes, I hate you so bad when you left me. I hate you so much.” Magkasunod-sunod ang pagpapakawala niya nang malalim na buntonghininga. Tila ba nahihirapan sa mga sinasabi niya para sa akin. “And now? Do you still hates me?” Umiling siya sa akin. “Hindi sa lahat ng oras ay galit ako. Isa lang ang alam ko ngayon, Endiyah. Huwag mo na akong iiwang muli.” *** Sophie’s POV Parang baha ang luha kong umaagos sa magkabila kong mga pisngi habang tinititigan ko ang larawan nila Ethan at Endiyah na hawak-hawak ko ngayon. Bakit ako nasasaktan? Bakit ako nagkakaganito gayong simula sa umpisa ay nilinaw na sa akin ni Ethan kung anong katayuan ko sa buhay niya. Siguro nasanay lang ako na palagi niya akong pinupuntahan simula ng nasa ibang bansa pa si Endiyah. Bakit pa kasi dumating ang babaeng iyon? Nasa punto nang mamahalin niya rin ako pabalik pero biglang naudlot. I am just his f*ck buddy. Hanggang doon lang yata ang kaya niyang ibigay. Kailanman ay hindi ako pinabayaan ni Ethan. From expenses to security, ay palagi akong secured. Kaya sino ba naman ang babaeng hindi mahuhulog ang loob niya sa kaniya. He is the man that every womans dream. But he dream one woman, and that’s Endiyah Rose Sandoval. Muling bumulong ang luha ko sa mga mata. Sinisigok na ako, bahagya pang tumulo ang luha ko sa picture na hawak ko. Ang ganda ni Endiyah sa suot niyang silver gown na v-shape sa likod habang nakapaikot sa balingkinitan niyang katawan ang mga braso ni Ethan. Ang saya rin ni Ethan. Ibang-iba ang kislap ng kaniyang mga mata kapag kasama si Endiyah. Napaluha akong muli. Wala akong karapatan na magreklamo o magalit. I’m just nobody. I don’t have position in his life to complain. Basta nadudurog na lang ang puso ko nang hindi ko maintindihan. Isang mahinang katok sa pintuan ang nagpahinto sa akin mula sa pag-iyak. Pinunasan ko ang mga luha at tinakpan nang unang ang litratong hawak ko. Naglakad ako sa pinto. Umaasa akong si Ethan ito at balak na akong dalawin. Inayos ko muna ang sarili ko bago ko pinihit ang siradora. Nabalisa ako nang si Grace ang mapagbukasan ko. Kunot-noo itong nakatitig sa akin. Hindi ko mawari kung napansin ba niya ang pamumula ng mga mata ko at ilong. Malamang dahil matagal akong umiiyak. “Nagluluksa ka yatang mag-isa martyr na kereda. Hindi kapa ba sanay na isa ka lang niyang laruan?” Uminit lalo ang ulo ko sa bungad sa akin ni Grace. Kung hindi lang mataaas ang posisyon mo sa kompaniya ay baka iningudngod na kita sa sahig hanggang sa masira ang kulabot mo ng mukha. Hindi ko siya pinansin, bagkus ay niluwangan ko pa ang pinto at pinaunlakan ko siyang pumasok. Nang maisara ko nang maayos ang pinto ay nakita kong nakaupo na si Grace sa may sofa. Sinalinan ko ng tubig ang isang malinis na baso at inabot ko iyon sa kaniya. Tinanggap niya iyon nang wala man lang pasalamat. Pinaikot niya ang tingin sa maliit kong apartment. Ethan bought me this apartment. “Binahayan kana nga ay hindi mo pa napa-ibig. Paano na ngayon Sophie? dumating na ang nag-iisang babae sa buhay niya, paano kana lalaban nang patas ngayong magkasama pa sila sa iisang bahay?” Nakaka-insulto ang tanong niya sa akin ngunit hindi ko iyon binigyan nang pansin. Ayaw ko nang magalit. Sawang-sawa na ako. “Ms. Grace, malinaw naman sa akin simula pa noon kung anong katayuan ko sa buhay ni Ethan. Lahat ay nakakaalam na wala kaming relasyon. Na isa lang akong personal service niya.” Paliwanag ko sa kaniya. Tinaasan niya ako ng kilay. “And a f*ck buddy, Sophie. Don’t forget to add that,” sagot niya sa akin. “Ibang usapan na ‘yan Ms. Grace.” Pinilit kong pakalmahin ang sarili. Hindi ko pinapatulan ang mga hamon niya. She came to me and help me how to make Ethan’s fell in love with me. Sinubukan ko ngunit hindi ako nagtagumpay. He never looked at me in the same way. “So okay ka lang sa bagay na isa ka lang parausan? Think sometimes Sophie. Hanggang kailan ka magiging mistress? Paano kapag pinakasalana na si Ms. Sandoval? Ano nang gagawin mo? Would you still the same?” Halos hindi ko maintindihan nang maayos ang magkasunod-sunod niyang mga tanong. Nakakabingi na sa tainga at masakit na rin sa ulo. But she was right. Possible na mangyari ang lahat nang iyon. “Anong gusto mong gawin ko?” iritado kong tanong sa kaniya. Matalim niya akong tiningnan. Bigla akong natakot sa kaniya. Hindi ito ang isang Grace na Director ng kompaniya. Napakaamo niya kapag nasa trabaho, pero kakaiba siya ngayon. “Do your best and make a way.” *** Endiyah’s POV “Wala naman akong pupuntahan o mapupuntahan. Bakit mo ‘yan sinasabi?” Hilaw akong ngumiti sa kaniya. Para bang nababasa ko sa mga mata niya ang takot na maglaho akong muli sa kaniyang paningin. Nasaksihan ko na ‘yon noong umalis ako nang hindi nagpapaalam. “You have a lot of way remember,” sagot niya. Hinila niya ako sa may batuhan at doon kami umupo. Hinawi ko ang buhok ko at siniklop iyon sa kabilang leeg ko. Wala akong dalang ipit kaya hindi ko maitali. Mahangin kasi masyado kaya nakikisabay na rin itong mahaba kong buhok. “Walang pinagbago rito. Napakatahimik pa rin.” Pag-iiba ko sa usapan namin. “Yeah right, gano’n din ang feelings ko,” sagot niya sa akin. Nilingon ko siya. Nakangisi na ito sa akin. Pinanlakihan ko siya ng mga mata bago ko ibinaling ang tingin sa malawak na karagatan. “Love, look at me?” Again, muling tumalon ang aking puso. Nagpatangay ako sa tawag ng aking puso at dahan-dahan na tumingin sa kaniya. Seryoso siyang nakatitig sa akin. Hinawakan ang kamay ko. Dinala niya iyon sa bibig niya at isa-isang hinalikan ang mga daliri ko. “Ano kayang nangyari sa atin kung hindi ka umalis?” Siryoso niyang tanong. Ibinaba sa gilid ko ang kamay kong hawak niya. “Mag-aaway at mag-aayos,” deretso kong sagot. Tumawa siya nang mahina. Napangiti na rin ako nang mapagtanto ko ang sinabi. Umusod siya sa akin at hinila ako palapit sa kaniya. Nang makaupo ako nang maayos ay biglang bumaba ang mukha niya sa akin at hinalikan ako sa labi. He kissed me passionately. Para akong inaantok sa paraan ng paghalik niya sa akin kaya naman kusang pumikit ang mga mata ko at tinugon ang kaniyang halik. I missed him. Hindi ko na maipagkakaila na hinahanap ko rin ang mga labi niya sa labi ko, at ang init nang yakap niya sa akin. Ang presensiya niya kong minsan. We kissed until we run out of breath. Hihinto lang siya sa paghalik sa akin kapag nauubusan na kami nang hininga. Pagkatapos ay muling bababa ang labi niya sa akin at hahalikan akong muli. Nang lumalim na ang pagnanasang pareho naming nararamdam ay bahagya ko siyang itinulak. Nag-aalala ako dahil nasa public kami at baka may makakita sa amin. Hinihingal siyang tumitig sa akin. Gano’n din ako. He cupped up my face. Pinatakan niya ng halik ang tuktok ng ulo ko. Hinihingal na rin akong napasubsob sa malapad niyang dibdib. I can smell his good scent and it’s sending chills through my viens. Muli niya akong hinalikan sa ulo at niyakap nang mahigpit. Nang humupa ang paghinga ko nang malalim ay bumaba ang mukha niya sa tainga ko at binulungan ako. “I think, we need a room.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD