Chapter 52

1565 Words

Endiyah  Nagising ako dahil sa malakas na pagtawag sa akin ni Briar. Pinapalo pa niya ang pintuan pero parang may pumipigil sa kaniya kaya hindi makapasok.  "Mommy! Mommy!" sigaw niya sa labas.  Napabalikwas ako ng bangon. Kinusot ko ang mga mata na sa tingin ko ay namamaga pa rin hanggang ngayon dahil sa halos magdamag kong pag-iyak. Medyo gumaan na ang pakiramdam. Mag-isa na rin akong natulog sa kuwarto namin kaya nagkaroon ako ng peace of mind.  "Come in baby ko," tawag ko sa kaniya. Kaagad na bumukas ang pinto. Tumakbo sa akin si Briar. Kaagad na sumampa sa kama at isiniksik ang sarili sa akin. Niyakap ko siya at hinalikan sa ulo. Muli akong napahiga ng dumagaan siya sa akin.  "I miss you," bulong ko sa kaniya. Mas siniksik niya ang mukha sa dibdib ko. Kasunod na rin na pumasok an

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD