Endiyah’s POV Eighth month’s later… “Buongiorno Endiyah Rose.” Nakangiting bati sa akin ng may ari ng bakery shop na si Lucia. Halos araw-araw akong nagkakape rito sa maliit niyang bakery shop. Nasa baba lang ito ng tinitirahan naming apartment. Ang sarap ng mga gawa niyang tinapay at palagi ko na ring binabalikan rito ang hot chocolate nilang inumim. Naging paborito ko iyon simula ng malaman kong nagdadalang tao ako. “Buongiorno senyora.” Nakangiti ko ring bati sa kaniya. Pinaghila niya ako ng plastic na upuan. Nagpasalamat ako sa kaniya. “Your tummy is swollen, I guess your little angel is coming soon..” hindi pa rin maalis ang ngiti sa mga labi ni Lucia. Nasa 40’s na ito at wala pa ring asawa at anak. “I think…I will give birth this week,” nakangiti kong sagot. Hindi lang ako an

