Ethan’s POV Nabungaran ko si Papa na nakaupo sa swivel chair niya. Ito ang dati niyang opisina noong siya pa ang namamahala rito. Kani-kanila lang ay nag-usap na kami kasama ang Director, pero bakit na naman niya ako pinatawag? Nasermunan na nga ako kanina dahil pina-cancel ko ang meeting ng mga shareholders e, baka panibagong sermun na naman ito? “What is it ‘pa?” tanong ko sa kaniya. Umupo ako sa sofa pakaharap sa working table. “Sa tingin mo ba ay hindi ko malalaman ang mga ginagawa mo?” Tinitigan niya ako. Hindi mukhang galit, kalmado lang itong nakaupo habang nakatingin sa akin. Nagkamot ako ng batok. “Duda na ako diyan. Malamang kay Lola pa lang ay nalaman mo na ang lahat. You don’t need to send someone to spy on me.” Nginisihan ko siya. “Anak. I just want a better for you.

