Chapter 22 - Third Person's POV - Akmang lalabas na si Zoey ng kwarto ng bigla syang hilahin pahiga ni Javier. Napasigaw sya sa gulat dahil sa paghila nito sa kanya. Dahil napapikit din sya kanina, ay nang inimulat na nya ang mga mata nya ay yakap na sya ni Javier at nakahiga na sila pareho sa kama. "J-Javier. D-Di ako m-makahinga." Nahihirapang sabi ni Zoey. Agad ding niluwagan ni Javier ang yakap nya kay Zoey at bigla nyang hinalikan si Zoey sa piznge. "A-Ano ba." Naiinis pero natatawang sabi ni Zoey. "Ang sarap mo, Zoey." Biglang sabi ni Javier na naghatid ng kilabot sa mga buto ni Zoey. Lalo nyang naramdaman ang koreyente sa katawan nya ng bigla syang bigyan ni Javier ng maliliit na halik sa leeg nya. "Javier..." Mahinang sabi ni Zoey habang dinadama ang kamay ni Javier na malapit

