1

4327 Words
J O S H U A "Group 5, take it away." Saad ng aming prof sa isang grupo mula sa section namin na mag-p-present ngayon ng case study. I sighed in relief as I lay back down on my bed. Naka-off cam naman ako so hindi naman siguro mortal sin ang paghiga dahil inaantok pa. Grabe naman kasi ang schedule namin dito sa RLE. I mean, who wakes up and goes to class at 7 a.m.? Drea: Grupo pala nila Ate Camille 'yung mag-p-present. Loyd: Oo nga eh. Matic na 'yan na uno. Nagsama 'yung dalawang matalino sa grupo eh. I smiled as I nodded to myself while reading their chats sa aming group chat ng mga groupmates ko. Totoo naman kasi na malakas sa presentation 'yung grupo nila Camille at Cedric dahil pareho naman silang matalino kaya nabubuhat nila 'yung buong grupo nila. Nga pala, si Camille Reynoso 'yung isa sa top student ng klase namin dito sa Section 5. Samantalang ako, eto. Tamang kinig na lang sa gedli. Oh 'di ba? Sana all. "So this is our teaching plan..." Camille's voice suddenly flooded through my earphones as their slide revealed the template for their teaching plan para dun sa health teaching na gagawin for the patient na nasa aming case study. Shucks, halata talagang pinaghandaan nila. Samantalang 'yung sa amin... ay ewan. Buti na lang 'di kami ang mag-p-present ngayon. Hahaha! Julia: Ay? Ganun pala dapat 'yung teaching plan? Jon: Sabi ko sa inyo ganun dapat eh. Ayaw niyo maniwala sa 'kin eh aports aports ko 'yang si Camille! Julia: Oh edi xori. My false! I started to type in my message para matigil na sila dahil umagang-umaga, napaka-ingay nila. I hit the 'send' button right after. : Nga pala, tapos ko na 'yung part ko for the next case pres. Chat niyo na lang ako 'pag may tanong kayo or ipapadagdag. Mayamaya pa, sumagot na ang mga kolokoy. Jon: Ang bilis mo naman! 'Di pa nga namin binabasa 'yung susunod eh. : Julia: Mamaw Loyd: Pre? Ikaw ba 'yan, pre? @Joshua : Gago ka talaga @Loyd Ballesteros HAHAHA Loyd: Siyempre, kaya nga tayo naging mag-aports eh! @Joshua Drea: mukhang inspired ka tyong ah? @Joshua Dela Torre : Nakakahiya sa crush kong matalino eh. @Drea Benitez Natahimik ang group chat namin saglit nang biglang nag-message ulit ang pinsan ko na si Drea. Oo, kaklase ko ang pinsan ko. Ang galing, 'di ba? Drea: Crush mo si Ate Cams?! @Joshua Dela Torre Kasabay no'n ay ang biglang pagbagsak ng phone sa mukha ko. Loyd: Good luck pre! Mahirap kaibiganin ang mga top student, let alone paibigin. Hahaha! @Joshua Drea: Oy, mabait 'yan si Ate Cams! Tinulungan ako niyan dati sa paggawa ng med chart. Jon: Truth. Just don't get on her bad side kasi hindi siya madaling magpatawad. Loyd: Scary! Loyd: Ano pre? Okay ka pa ba? @Joshua : Mga siraulo. Porke't matalino, si Camille agad? Drea: Bakit hindi? Eh nakikita kaya namin 'yung interaction niyo sa shared posts mo sa social media. : Anywayyy... diyan na kayo. Makikinig na 'ko. HAHAHA! Loyd: Iba talaga pag tinamaan Julia: Sana all pinakikinggan 'yung presentation ni crush. : Balakaujan hahaha Kasalukuyang nasa pagpapalabas ng mga infomercials sina Camille about gun safety for kids. Grabe, mga talagang nag-research. Sana all mataba ang utak. After ng kanilang infomercial ay may ipinakita rin silang mga pamphlets and siyempre, siya pa rin ang nagsasalita. "Kung mapapansin niyo, ang mga bata kasi para silang sponge. Lahat ng nakikita at naririnig nila, ina-absorb nila. Ginagaya nila. Gaya-gaya nga, kumbaga." She explained and I resulted into a chuckle kasi totoo naman 'yung sinabi niya. Danas ko 'yan sa mga nakababata kong kapatid, lalo na kay Raine, 'yung bunso namin. Ako palagi ginagaya, mula sa pagkilos hanggang sa pananalita, parang ako raw sabi nila Mama. Napansin ko naman na napangiti 'yung prof namin na si Ma'am Shiela sa sinabi niya. Grabe, iba talaga charisma netong babaeng 'to 'pag nag-p-present. Napapangiti pati mismong professor. "Kaya dapat etong mga bagay na ito such as 'yung mga guns, poisonous chemicals and medicines ay naka-store isang lugar kung saan hindi nila agad maaabot at mabubuksan para ma-preserve ang kanilang safety kahit na nasa loob ng bahay sila." She added then they moved to the next slide which showed the list of their members. Tapos na presentation nila. "And that's our group's presentation. Thank you for listening!" Thank you rin for coming into my life. Haha! Napangiti ako habang nakatingin lang kay Camille na siyang naka-open cam ngayon sa aming online class. Grabe, ganun ba talaga kahirap kausapin 'tong babaeng 'to? "What a very informative presentation, Group Five! Madami kaming natutunan, even ako, na inyong professor sa inyong presentation lalo na dun sa health teaching. Also, great nursing care plan, as expected. I would definitely give you guys a 100% for the effort and the content that you have presented us." Sabi nung prof namin. Bumakas naman sa mukha ni Camille ang pagkatuwa dahil sa makukuha nilang score. Sana all talaga nakaka-100 sa case presentation. "Thank you po Ma'am!" Buong galak naman na sinabi ng Group 5. Drea: tyong? gising ka pa? hahahaha naka-100 yung grupo ng crush mo yiiieee @Joshua Dela Torre : anung crush? hahahaha tigilan niyo kami @Drea Pero totoo naman. Gusto ko si Camille Reynoso... Gusto ko siyang talunin sa acads. Haha! -- C A M I L L E I immediately shared the good news to Neil as soon as our online class in Zoom ended. : Good morning Neil! : Naka-100 kami nila Ced sa case pres namin! ^_^ Neil: Ah ganun ba? Neil: Congrats. I tried to keep my smile on habang nararamdaman kong kumirot muli ang puso ko. Ilang araw na kasi niya akong hindi kinakausap. Kung hindi pa ako mag-ch-chat, hindi rin siya mag-ch-chat. : May problema ba tayo Neil? Neil: Ewan. Baka ikaw, may problema ka. Neil: Hindi mo naman ako china-chat eh. : Malay ko ba... akala ko busy ka rin eh. : Tsaka di ba busy rin ako sa case pres namin pati sa drug study na pinagagawa sa amin dun sa Pharma? : Akala ko ba naiintindihan mo 'ko? Heto na naman 'yung pakiramdam na parang mawawalan na naman ako... na parang maaagawan na naman ako... pero this time, hindi ko alam kung sino ang kaagaw ko. : Neil naman... : Kung kailan naman handa na 'kong mahalin ka, tsaka ka nagkakaganyan. Neil: Itigil na kaya muna natin 'to? Para ulit akong pinag-bagsakan ng langit at lupa dahil sa sinabi niya sa akin sa chat. I quickly typed another response. Hindi. Hindi pwede 'to. Kailangang gawan ko ng paraan 'to. Baka naman may nagawa akong mali kaya siya nagkakaganito. I need to know why it has come to this. : Bakit? Neil: Wala lang. Ayoko lang muna. Para ulit akong sinampal dahil sa isinagot niya. 'Ayoko lang muna'. Anu 'yon?! Anung klaseng dahilan 'yon?! Ang dami kong gustong itanong. Ang dami kong gustong sabihin na hinanakit sa kanya. Pero hindi ko magawa dahil may pinagsamahan naman kaming mga magagandang memories. : Sana sinabi mo na lang nung una pa lang, 'di ba? Haha. Neil: I'm sorry. Hindi ako nakakain for the rest of the day. Nag-aalala na si Tito pero sinabi ko na lang na may aasikasuhin pa akong drug study sa Pharmacology kaya bababa na lang ako 'pag nakarami na ako ng drugs na naitype dun sa ginagawa ko. Gumawa rin naman ako run sa drug study ko pero 'di talaga kaya ng energy ko kaya nahiga muna ako at nag-f*******: para maaliw ako. May mali ba sa akin kaya nagka-ganun si Neil? I cried later on that evening. Ganun na lang ba ako kadaling i-let go? Maybe I asked for too much nung sinabi ko sa panalangin ko na gusto ko ng lalaki na kapareho ko ng religion at mamahalin ako ng buong puso. Just then, my phone suddenly rang. It was Cedric. I answered it. "H-Hello?" I said, choking on my own tears. "Camille, magtatanong lang sana ako - oh my God mamshie, umiiyak ka ba?" He asked. I wiped my tears away and took a deep breath. "Camille, what happened?" "It's Neil." I replied. "He dumped me... well, technically he did kahit wala namang kami." "Wanna talk about it?" "I think I just wanna be left alone for now." "Camille..." "Ced, please..." He sighed on the other end of the line, "Alright. I guess I'll just ask you tomorrow about our next case pres. I hope you feel better soon, mamshie. Remember, hindi mo kailangang sarilinin ha. Nandito ako para makinig." "Thank you, Ced." And then I finally hung up while bawling my eyes out. Lagi na lang bang ganito? Kung hindi ako lolokohin, iiwan naman ako bigla sa ere. I looked through my gallery in my phone and took a one last view at the photos that I have with Neil. I swear that this will be the last time that I will ever settle for the likes of him. -- "Himala, wala ka yatang ka-chat ah Ate Camille?" Yanna asked as she sat beside me one Sunday morning in her black lace dress. Kakatapos lang ng first schedule ng aming pagsamba kaya naman nagpapaubos muna kami ng oras sa loob ng kapilya para sa second and last schedule ng pagsamba mamayang 10 a.m. Ngumiti na lang ako sa kanya. How am I supposed to tell her na iniwan ako sa ere? Na muli akong sinaktan ng isang lalaki? Isang buwan na matapos akong iwan sa ere ni Neil pero 'yung sakit nandito pa rin sa puso ko. "Ate, okay ka lang ba? Nakikita ko kasi mga shared posts mo sa f*******:. Minsan galit, pero madalas malungkot." She continued to inquire. We sat in a few moments of silence until she asked again, "Si Neil ba?" "Ayaw daw muna niya." I sighed and her worried expression turned into an annoyed one. "Huwag ka na mainis. Kasalanan ko rin naman. Alam kong tropa ng ex ko, pinatulan ko. I should've seen it coming." "Ate, hindi naman kita masisisi kasi pinormahan ka niya and out of the four of us na magkakaibigan, ikaw 'yung pinaka-soft when it comes to romantic relationships." She replied with a grin but I can see the loneliness in her eyes once again. Nasaktan na naman ulit siya dahil sa lovelife kong laging palyado. I'm so sorry, Yanna. "Pero I hate him for doing that to you. Iniwan ka niya sa ere as if parang wala ka man lang naiambag sa memories niyo together. Akala ko pa naman siya na..." I just smiled sadly as I leaned back on my seat. "Hayaan mo na 'yon, mumsh. Tsaka ano bang maipapakain sa'yo nun eh tour guide lang naman 'yon." Rubee's voice emerged from behind. She was wearing a red fitted dress that showed her curves. She brushed her violet hair with her fingertips. "Kamusta naman pakiramdam mo?" "Numb." I told her. "Pero hayaan na natin mumsh. Maybe hindi pa talaga time para magka-jowa ako ulit after nung nangyari with Vincent." "Camille, ayoko sana makadagdag sa bad news at heartache mo pero since nandito na rin naman tayo, at dahil magkaibigan din naman tayo, magiging tapat na ako sa'yo." She started off. "Si Neil kasi nag-start na mag-chat sa akin mga ilang weeks after mo sinabi sa akin na tinigilan ka na niya." Nauna ko kasi siyang sinabihan because si Rubee talaga ang pinaka-maaasahan ko when it comes to advices lalo na pagdating sa mga ganitong bagay. "Pero huwag ka mag-alala, naka-block na siya sa 'kin. Isa pa, may boyfriend na ako noh. Ayokong masira relasyon ko. Ang tagal-tagal kong naghintay para rito eh." She reassured me. "Humanap ka kasi ng kagaya mo, 'yung may pinag-aralan. Ang ganda-ganda mo tapos nag-aaral ka rin ng Nursing." I chuckled, "Wala naman kasi akong matipuhan sa klase. Puro mga mas bata sa akin. Sa med school na lang siguro ako mag-jo-jowa." "Malay mo naman meron. Huwag mo lang isasara ang puso mo sa mga ganyang bagay pero ang amin lang, piliin mo 'yung mga i-e-entertain mo... 'yung mga bibigyan mo ng chance para makuha 'yung puso mo. Try mo rin maging matigas minsan." She said. "Napapansin ko kasi sa'yo, hinahayaan mong maging doormat ka ng mga lalaki - and you're WAY TOO BEAUTIFUL AND KIND to be treated like one. Hindi mo deserve 'yan, Camille." She held my hand and gave it a light squeeze, "Tsaka isa pa, tropa rin ni Vincent 'yan. Hindi ako naniniwalang hindi nag-uusap 'yang dalawang 'yan. You know how trashy men are - sasabihin na hindi sila close para makuha ang loob mo, then finally ang puso at sarili mo. Then after that, bye-bye na. Itatapon ka na lang na para kang basahan. Basta ang mahalaga, you're out of that situation now. Ipagpanata mo na lang na sana 'yung susunod na darating sa buhay mo ay 'yung mamahalin ka ng tapat at totoo." "Oo nga Ate. Piliin mo 'yung deds na deds sa'yo. Mas maganda raw kasi kapag mas mahal na mahal ka ng lalaki." Yanna added. Napaisip ako. Meron pa kayang ganun in this day and age? Para kasing lahat ng matitinong lalaki, kung hindi taken ay na-convert na into being a bad boy. At kung meron man magkagusto sa akin, willing kaya siyang tanggapin ang religion ko? Willing kaya siyang magpa-convert? I resulted into a sigh. Mukhang sa med school na talaga ako magkaka-jowa. I guess self-love muna ulit. -- J O S H U A "Good morning class~ Please turn on your camera." Bati ng aming professor. Another day, another session of our online class for our Community Health Nursing subject. And yes, another day that I'll be seeing my rival in class. "Good morning din po Ma'am." Camille's voice emerged through the Zoom virtual classroom as she opened her camera. Grabe naman, napaka-seryoso naman netong babae na 'to. Puro acads lang siguro inaatupag neto. Makikita ko lang siguro 'to na ngumiti kung mag-j-joke mga prof namin, which is rarely. Nasa kalagitnaan na kami ng klase and nag-re-recite na naman si Camille as usual. Her metallic silver glasses and red lipstick made her seem more intimidating in front of the camera. I don't know if she's doing this on purpose or not, but it sure is effective, lalo na sa tulad kong tamang pakinig lang sa gedli habang nagrerecite silang mga top student sa klase. "Very well said, Ms. Reynoso. Breastfeeding is essential sa mga babies, lalo na sa mga newborn babies, because it contains nutrients and it also promotes bonding between the mother and the child." Ma'am Vicky explained in agreement to what Camille answered in class. I looked at Camille and noticed that even though our professor commended her for getting the right answer, her eyes still seemed to be very sad. Wala 'yung spark na tinatawag nila. She seemed so... drained? Well, 'di ko naman siya masisisi kasi nakakapagod nga naman 'tong semester na ito. Sa Pharmacology pa lang, bugbog na kaming lahat. Sa ibang major subjects pa kaya? Don't get me wrong, she looks beautiful. It's just that her eyes are very sad. And bihira lang siya ngumiti. Pakiramdam ko susungitan ako neto kapag nag-send ako ng memes dito sa babaeng 'to. Paano kaya 'yung method neto ng pag-aaral? Iba kasi 'yung brain cells neto. Pa-bless naman kami ng brain cells mo, Camille. Cess: Luh si kuya, mukhang tanga nakangiti sa camera ng mag-isa @Joshua Dela Torre Agad ko namang binawi 'yung ngiti ko at nag-chat sa group chat. : Naka-smile ako kasi ang gwapo ko for today's bidyoww HAHAHA Drea: Wag kame tsong HAHAHAHA alam namin dahil kay Ate Cams 'yan! : Umagang-umaga ang iingay niyo hahahaha Loyd: Pre, tinamaan ka na talaga pre HAHAHAHA "Kuya, gutom na ko." Reklamo naman nung bunso kong kapatid na si Raine habang pupungas-pungas. Mukhang kagigising lang ng kolokoy. I smirked at him, "Aba beri gud ka ngayon ah. Aga mo nagising!" I said, half-taunting and half-praising him. Lagi kasing nagpupuyat 'to kakalaro sa cellphone. Sinimangutan ako ng mokong kaya lalo akong natawa. "Sige na, maupo ka na sa hapag. Magluluto lang ako ng almusal natin." I turned off my camera and brought my phone na kasalukyang nasa stand with me sa kitchen para makapagluto ako habang nakikinig sa klase. Phone lang kasi ang gamit ko sa online class since medyo hirap din sina Mama na mabigyan ako ng bagong device for online class. Ayoko rin naman manghingi ng bago since gumagana pa naman 'tong phone ko. Makakadagdag gastos pa ako. Mas okay nang sina Raine at Rev ang pagkagastusan nila Mama most of the time. "Kuya Josh, patulong ako sa module ko mamaya." Raine whined. "Asan ba si Rev? Bakit di ka magpatulong doon?" I asked. "Tulog pa si Kuya Rev." He answered while pouting. I sighed, magrereview pa naman sana ako sa Maternal Care Nursing. Hays. Pero sige, unahin ko muna si Raine. Madali naman kaming matatapos dito basta matutukan ko lang 'tong batang 'to sa module niya. I grinned, "Oh sige. Kumain ka na then gawin mo na module mo." I grabbed us some plates and utensils then binalikan ko 'yung niluluto kong sinangag. May fried egg na dun sa mesa na iniwan nila Mama bago sila umalis ni Papa papuntang work. Nang matapos na 'ko magluto ng sinangag, inihain ko na 'to sa mesa at umatake na sa pagkain si Raine. Iba talaga katakawan neto. "Kuya, bakit 'di ka na lang kaya mag-asawa?" Raine asked. Natawa naman ako sa sinabi niya, "'Pag nag-asawa ako, wala nang tutulong sa'yo sa module!" I replied and ruffled his hair. "Isa pa, wala akong jowa. Paano ako mag-aasawa?" "Humanap ka na kasi ng jowa kuya para hindi mo na kami sinusungitan ni Kuya Rev." At sumubo na siya nung sinangag na niluto ko. "Hoy, anung masungit?!" Raine shrugged his shoulders, "Well, lagi mo kaming pinagagalitan ni Kuya Rev eh. Mostly ako, pero damay pati si Kuya Rev eh minsan." "Eh kasi naman, ang kulit-kulit mo. Uunahin mo pa mag-basketball sa labas kaysa gumawa ng mga module mo." "Kuya, nag-d-destress ako. Nakaka-stress kaya mag-module!" "De-stress mo mukha mo. Ang sabihin mo tinatamad ka lang." "Kuya naman iihh!" I cleared my throat and spoke with a serious tone this time. "Raine, wala akong problema sa paglalaro mo ng basketball pero ang akin lang, unahin mo ang module mo para hindi sayang ang pinapaaral sa'yo nila Mama at Papa." I told him. "Huwag ka mag-alala, Kuya. Matalino kaya ako. Mana ako sa'yo eh." Sabi niya sa akin habang nakangiti ng nakakaloko. I chuckled, "Bino-bola mo na naman ako para makatakas ka sa paggawa ng module. Sagutan mo module mo after natin kumain." He pouted at bumalik sa pagkain ng almusal. "Pero seryoso Kuya, humanap ka na ng jowa." Raine told me. "Move on ka na dun sa ex mo. Toxic 'yon eh!" "Hanep kang bata ka, ako pa talaga sinabihan mo ah." Sagot ko sa kanya. "Naka-move on na 'ko ron, matagal na. Available naman ako kaso wala pang pumapasa sa standards ko." "Talaga ba Kuya? Talaga ba?" Pang-aasar pa niya at sinimangutan ko siya. "Maligo ka kasi Kuya para may magka-crush naman sa'yo sa klase niyo." "Wow! Coming from you na madalas umuwi ng bahay na amoy araw." "At least ako matikas sa chix." "Utot mo. Pagagalitan ka ni Mama kasi bawal ka pa mag-jowa." C A M I L L E "Ganda-ganda naman ng mamshie ko. Grabe, ibang-iba ka na from before na kayo pa ni Vincent!" Rubee complimented me with a wide smile on her face. "'Yan! Ganyan dapat. 'Di ka dapat nagpapa-under sa lalaki. Takte ginawa kang losyang, mamshie." "Never again. Never forget." I responded with a confident smile. Magkakasama kami ngayong gabi dahil daw merong tanging pagtitipon lahat ng mga young adults, teenagers and 'yung mga bata sa kapilya ngayon. We entered the chapel itself and siniko ako bigla ni Rubee. "Mamshie, tinitignan ka nung lalaking naka-puti." She whispered. I discreetly followed where her gaze was and found the guy she was talking about. Matangkad, maputi and nakasuot siya ng puting polo na barong style, matching it with black pants and black leather shoes. He was staring at me habang kinakausap siya nung babae na mukhang kalihim ata niya kasi merong hawak na mga forms 'yung babae at ballpen. "Mumsh, ayoko na mag-entertain ng ganyan. 'Di ko kaya mag-asawa ng ganyan. 'Di ko kayang i-sakripisyo ang magiging career ko kapag nakatapos ako para sa lalaking lingkod ng Diyos." I told her. "Eh kaysa naman mapunta ka sa bantay eh niloko ka na nga." She said. "Mumsh, 'di ko naman sinabi na papatol ulit ako sa bantay." I replied. "In fairness, nagiging choosy ka na rin ah. Tama 'yan. Ipagpatuloy mo 'yan!" That night went on and we received some good advices about how we should tackle life as a young adult pero ang pinaka-bottomline naman no'n is dapat lahat ng gagawin namin ay isasangguni namin sa Diyos para hindi kami magkamali ng mga desisyon namin sa buhay. I sighed. Siguro kaya ako nasasaktan ng ganito ngayon dahil hindi nagbulag-bulagan ako sa mga signs na hiningi ko dati kay Lord. He was a red flag all along pero pinatulan ko pa rin siya dahil sa pag-aakalang hindi ako sasaktan nung lalaking iyon dahil kapareho ko siya ng religion. After non, we decided to go home already kaso may kukunin daw kasi si Yanna mula kay Divine kaya nag-stay pa kami dun. "Ay, may panget na tumambay dito. Tara lipat tayo." Sabi ni Rubee. Nagtaka naman ako kasi mukhang may nakita na naman 'to na kinaaasaran niya. "Huh? Bakit?" I asked, quite confused with all their antics as of the moment. "Ay oo nga! Tara, hanapin natin si Divine." Sabi naman ni Yanna. Parehas nilang sinubukan na harangan 'yung left side ko but it was too late. Nakita ko na naman siya. Si Vincent. He was wearing a black polo and gray pants, partnered with gray shoes. We were doing alright naman eh dati... kaso bigla na lang siyang nagbago. Bakit bigla na lang hindi naging pwede? Just then, a tall girl with curly hair, white complexion and thick-rimmed glasses suddenly went by his side. She was wearing a pink dress with floral patterns on in and had a black cardigan over it. I guess eto ang dahilan bakit hindi na niya ako binalikan. He found someone else. May mahal siya. At hindi na ako 'yon. "Ang panget talaga! Hanapin ko na nga muna si Divine." Inis na sabi ni Yanna habang masama ang tingin kay Vincent and dun sa babae niya. "Okay ka lang?" Rubee asked me as I watched them from a distance na nag-picture together. "Oo, okay lang ako." I told her. Pain was eating my heart the more that I watch them being together so I looked away and pretended to be busy on my phone. "Mumsh, you deserve better." "I know." Pagka-tingin ko run sa spot kung saan ko sila nakita, wala na sila run. I sighed in relief. "Tara, samahan natin si Yanna. Baka kung saan na nakarating 'yon." She agreed and so pumunta kami sa kabilang side ng compound ng kapilya at nakita namin si Yanna na mukhang banas na banas na dahil hindi niya makita si Divine. "Yawa naman, hindi ko na nga makita si Divine, may nakita pa 'kong babaero at malandi rito!" She cursed under her breath. Napatingin naman ako run sa kaninang tinitignan niya at nakita ko na naman si Vincent doon pati 'yung babae niya. Nasa ilalim sila ng puno ng mangga - 'yung lugar kung saan niya ako madalas dalhin dati habang magka-kwentuhan kami. He brought her to the same place where we shared memories together. What a traitor. And then it all started to make sense. Kaya pala gustong-gusto niya 'yung damit ko na pink na may floral patterns kasi ganun 'yung sinusuot ng babaeng gusto niya. And the reason why he likes me to keep my hair curly is because of this girl - kaya pala ayaw niyang magpa-rebond ako noon kasi this other girl has curly hair. The reason why he doesn't want me wearing makeup is because of this plain-looking girl. He was trying to turn me to be like her because he was searching for her in me but he knew that I can never be her so he left. "Tara na, tara na, may masamang hangin dito guys." Rubee said as she and Yanna tried to drag me away from the scene. As we were leaving the church grounds, I couldn't help but think where I went wrong. I did everything that I could for him to make him stay and love me. On our way home, nagkwentuhan na lang kami nila Rubee about other things but I couldn't forget what I just saw earlier. It basically confirmed my hunch na may babae siya even before we broke up. Somehow, I felt justified dahil tama ako all along but something inside of me is still hurting at the fact na wala pang isang taon ay nagawa na agad niya akong ipagpalit. Pagkauwi ko ng bahay, dumiretso agad ako ng kwarto at hinayaan kong bumuhos ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan in public. Tama silang lahat. Hindi niya ako minahal. Kahit kailan, hindi niya ako minahal. Mula nung nagkakilala kami, hindi na ako ang gusto niya. He knows it but he went on and acted as if he was really into me. Tapos ako naman si tanga, nainlove, I went on and dated him dahil masyado akong nagtiwala na hindi niya ako sasaktan. But he still did. Pareho lang silang tatlo - siya, si Neil, at si William. Pare-pareho silang mga walang kwenta. If this is what love is, then I don't want it anymore. Mas mabuti pang tumanda na lang akong dalaga sa pagiging doktor ko kaysa naman paulit-ulit akong masaktan sa mga tulad nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD