Prologue

313 Words
"How does it feel now Samson? Are you finally happy now? Of course you are. Why wouldn't you be happy. This is what you want right? Well, Congratulations Samson. You did a good job." Sarkastikong hayag ni Zachariah kay Samson na wala sa sarili at nakatanga lang sa kawalan. Galit siya sa kaibigan. Galit siya dito dahil isa itong gago. At pinagsisisihan niyang naging kaibigan niya ang isang tulad nito. "Don't slunk Samson. You wanted this so deal with it!" Iyon ang huling sinabi ni Zachariah bago iniwan si Samson doon na wala pa ring imik at nakatanga lang. Umalis na si Zach at nilisan ang lugar na iyon. Sa mga ganitong pagkakataon dapat ay dinadamayan niya ang kaibigan lalo na at may mabigat itong pinagdadaanan. Pero hindi iyon gagawin ni Zachariah. He brought it upon himself. At galit siya dito dahil sa katarantaduhang ginawa nito. Alam niyang malaki ang pagsisisi ng kaibigan pero wala siyang pakialam. He will let him reflect on what he did. At paulit-ulit niyang ipapaalala sa kaibigan ang mga ginawa nitong katarantaduhan hanggang sa usigin siya nito ng sariling konsensya. -- Malinaw na malinaw pa rin sa isipan ni Samson ang imahe ni Rania. Ang huling sandali na nakita niya ang dalaga at parang pinipiga ang puso niya habang inaalala ang imaheng iyon. Grabe ang pagsisisi niya. Wala siyang karapatang mabuhay pa. Kasuklam-suklam ang mga ginawa niya at hindi niya alam kung kaya niya bang patawarin ang sarili sa mga maling nagawa niya. Oo, nagsisisi siya pero alam niyang hindi sapat iyon. Rania's gone and he doesn't know where to start. Hindi niya alam kung saan pa siya magsisimula o ipagpatuloy ang buhay niya. Wala ng saysay pa at kasalanan niya ang lahat. Ang daming sana sa isip niya na alam niyang huli na. At ang gusto niya nalang ay mawala nalang din para matapos na ang lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD