As soon as they reach the Philippine soil, nanumbalik na naman ang kaba na noon ay naramdaman ni Samson ng nasa China pa sila. Sa totoo lang ay natatakot talaga siya kay Zachariah lalo na at siya ang may kasalanan. Nakita niya kasi noon kung paano ito magalit at hindi maganda pag naulit pa iyon. Takot siya sa isipang baka kuhanin at ilayo nito sa kaniya ang asawa niya. Iba kasi kung mag-isip si Zachariah at hindi mo malalaman kung ano ang mga binabalak o iniisip nito. "Are you okay?" Nagitla si Samson ng bigla siyang tapikin ni Rania. "Y-Yeah." At mabilis na umiwas ng tingin si Samson sa asawa. Mahina namang natawa si Rania dahil sa pagiging cute ng asawa. Kaya inasar niya pa ito. "Dinadaga kana naman ba?" Pangangasar ni Rania kay Samson na hindi makatingin sa kaniya. "Stop teasing

