Pinapakalma ni Rania ang sarili ng nasa mansyon na sila ng pamilya ni Samson. Hindi niya alam kung mansyon pa bang matatawag ito dahil sa sobrang laki. Nang pagbuksan sila ng pinto ay mas lalong kumabog ang dibdib ni Rania dahil sa sobrang kaba. Hindi niya makakalimutan ang huling tagpo nila ng nanay ni Samson. Galit na galit ito sa kaniya dahil sa ginawa niya noon. Hindi niya lang alam kung ganun pa rin ba hanggang ngayon. Pumasok silang dalawa ni Samson sa loob at binati sila ng sandamakmak na mga katulong. "jìxù hé dài shàng wǒmen de dōngxī." [carry on and bring our things upstairs] pag-uutos nj Samson sa mga katulong na siyang may hawak sa mga maleta nila. Binalingan naman ni Samson ang ibang mga katulong para tanungin ang mga ito. "wǒ māmā hé bàba zài nǎlǐ?" [Where's my mom and d

