Nasa airport ngayon sina Samson at Rania. Babalik na kasi ang binata sa Pilipinas. Tapos na ang tatlong araw na bakasyon nito. "Take care of yourself, okay? Babalik din ako kaagad kapag maluwag na ang schedule ko." Bilin ni Samson sa dalaga na nalulungkot dahil uuwi na nga siya muli sa Pilipinas. "Matagal pa iyon." Maktol ni Rania. "Don't slouch. I will come back, okay?" Nilambing ni Samson si Rania na nagpasigla naman sa dalaga. "Sinabi mo yan ha? Babalik ka kaagad?" Paninigurado ni Rania kay Samson na tinawanan at tinanguan ng binata. Ginulo ni Samson ang buhok ni Rania. Kasabay niyon ay ang pag anunsyo ng schedule ng paglipad ng eraplanong sasakyan ni Samson. "That's my call. I have to go." Paalam na ni Samson. Tumango si Rania at ngumiti sa binata. Nilapitan ni Samson ang dalaga

