Caleigh's p.o.v
nang makaakyat kami sa attic ay hindi ko na binuksan pa yung ilaw dahil maliwanag naman na doon gawa nang merong siwang to , at tumatagos dito yung liwanag nang araw..
tinitigan ko nalang muna yung mga storage box at inisip ko kung saan ko ba nailagay yung mga damit ni dad..
" anong laman nyang mga yan? "
napalingon naman ako kay neo na nakakunot yung noo habang nakatingin sa patong patong na storage box..
napabuntong hininga nalang ako at ibinalik yung tingin sa mga box na yon..
" g-gamit nang parents ko. "
maiksing sagot ko sakanya..
napatingin naman ako doon sa color black na storage box at agad kong nilapitan yon..
bubuhatin ko na sana yung nakapatong doon nang biglang sumulpot si neo at hinawakan yung nakapatong na puting storage box doon sa itim na storage box..
" san ilalagay to? "
tanong nya pa sakin..
napaiwas nalang ako nang tingin sakanya at saka tumuro sa may gilid nya..
" k-kahit dyan nalang. "
sabi ko pa sakanya at umurong ako nang konti..
nang mailapag na nya yon ay agad akong lumapit sa itim na storage box at dahan dahang binuksan yon..
dad , sorry kung gagalawin ko yung gamit mo..
i-ibabalik ko nalang agad kapag nakaalis na tong nilalang na to dito..
sorry po..
nang mabuksan ko yon ay nandoon nga yung mga damit ni daddy..
napatingin naman ako kay neo na pinagmamasdan lang yung ginagawa ko..
" tumabi ka dyan.. "
" ibababa ko to. "
mataray kong pagkakasabi sakanya..
bubuhatin ko na sana yon nang hilahin nya ako paharap sakanya na naging dahilan nang pagdikit nang katawan ko sa katawan nya..
lumayo naman sya agad sakin tapos ay pintik nya yung noo ko..
" nandito ako sa tabi mo pero hindi ka parin humihingi nang tulong sakin. "
" ang liit liit nang katawan mo tapos sa tingin mo hahayaan kitang buhatin tong bagay na mukhang mas mabigat pa sayo? "
sabi pa nya sakin tapos ay inurong nya ako nang konti habang ako ay sinusundan nalang sya nang tingin..
" eto ba yung ibababa? "
tanong pa nya sakin habang nakahawak na yung isang kamay nya sa black na storage box na naglalaman nang damit ni dad..
napatingin muna ako doon sa gamit at dahan dahang napatango sakanya..
dali dali naman nyang inurong yon malapit sa may hagadan pababa tapos ay nauna muna syang bumaba at saka nya kinuha yung black na storage box at sa isang iglap lang ay naiwan akong mag isa sa attic kasama nang iba pang storage box at alikabok..
napabuntong hininga nalang ako nang biglang sumulpot yung ulo ni neo sa may butas para makababa at makaakyat ka dito..
" bumaba ka na dyan. "
" gustong gusto kang dikitan nang
mga alikabok.. "
" hindi pwede yon , dapat ako lang didikit sayo. "
kaswal nyang pagkakasabi sakin tapos ay bumaba na ulit sya..
napakunot naman yung noo ko sa sinabi nya at saka nagdesisyon nalang din akong bumaba..
pagkasilip ko doon sa may baba ay nakita ko syang naghihintay sakin..
nang makababa na ko sa ikatlong hagdanan at yung ulo nya ay nakatapat na sa may bewang ko ..
nagulat nalang ako nang buhatin nya ako habang nakatalikod ako sakanya para mas mapadali yung pagbaba ko mula doon sa taas..
nang dahan dahan nyang alisin yung mga bisig nyang yumakap sa bewang ko ay napalunok nalang ako at hindi na muna humarap sakanya..
* dug dug dug dug *
* dug dug dug dug *
* dug dug dug dug *
napahawak ako sa dibdib ko at nakapa ko yung pendant na neowise..
napapikit nalang ako at napahinga nang malalim..
bakit kinakabahan ako nang ganito?
ngayon ko lang naramdaman yung ganito..
" master caleigh.. "
" ano na? "
" naiinip na ko , ang tagal tagal mo nang nakatayo dyan e. "
" ano bang pinagdarasal mo ha? "
napalingon naman ako sakanya at tinitigan sya nang masama..
naitikom naman nya yung bibig nya at tumingin sya sa ibang direksyon para iwasan yung mga tingin ko..
" maglalaba tayo nang damit ngayon.. "
" marunong ka naman siguro diba? "
kaswal kong tanong sakanya at isa isa kong inilabas yung ilang mga damit doon sa storage box..
" lalabhan natin lahat to? "
" hindi ako marunong maglaba e. "
sagot naman nya sakin at hinarap pa nya ako na parang problemadong problemado na yung reaksyon nang mukha nya ngayon..
napatigil ako sa paglalabas nang mga damit at saka walang kagana gana syang tinignan..
" marunong kang magluto , pero hindi ka marunong maglaba? "
nakakunot na noong tanong ko sakanya..
napaupo nalang sya sa sahig at napakamot sa ulo nya..
" syempre nagugutom din naman kami sa planeta namin... "
" pero hindi naman namin kailangan nang mga damit doon sa taas no. "
nakakunot na noong sagot naman nya sakin..
pano kaya sila kumakain ?
napabuntong hininga nalang ako habang tinitignan sya..
" sige na.. "
" ako nalang maglalaba nito. "
sabi ko naman sakanya at agad agad na tumayo..
kukuha na sana ako nang sabong panlaba nang hawakan nya yung kamay ko para pigilan ako..
napatingin naman ako sakanya tapos ay binitiwan nya yung kamay ko ay saka sya tumayo..
" bakit hindi mo nalang i wish na malabhan na lahat nang to para hindi ka na mapagod pa? "
suggest pa nya sakin..
napatitig naman ako sakanya at saka sya hinarap tapos ay nag cross arms ako sa harapan nya..
" bakit? "
" unlimited ba yung wish ko ha? "
nagtataka ko pang tanong sakanya...
napaiwas naman sya nang tingin sakin tapos napakamot nalang..
" ilang wish ba meron ako , ha? "
nagtataka ko pang tanong sakanya..
naibaling naman nya agad yung tingin nya sakin at napangiti..
" ten wishes.. "
" pero dahil nagamit mo na yung isa.. "
" nine nalang. "
pag eexplain pa nya sakin..
napairap nalang ako dahil napakaduga nya..
naisahan nya ako doon sa ginamit kong isang wish e..
kakaltukan ko na talaga tong neopanget na to.
" kailan expiration date nyang wish ko? "
mataray ko pang tanong sakanya..
unti unti namang nawawala yung ngiti sa mga labi nya nang tignan nya ako ulit..
" hanggang sa ikatlong hudyat nang relo kong to.. "
sagot naman nya sakin at itinaas nya yung kanang kamay nya at unti unting nagiging visible yung relo nyang color black na parang baller lang..
" kaya kailangan mong magamit lahat nang wish mo para hindi masayang.. "
" kasi kasabay nang pagtunog nang relong to sa ikatlong beses.. "
" ay ang pagkawala ko sa tabi mo master
caleigh. "
seryoso nyang pagkakasabi sakin tapos ay unti unti syang ngumiti nang tipid sakin...