Caleigh's p.o.v
nagising ako nang tumama sa mata ko yung sinag nang araw sa binta na nasa ulunan nang kama ko..
unti unti ko kong iminulat yung mata ko at saka ko kinapa si neo sa kama..
agad naman na nanlaki yung mata ko at napaayos nang upo sa upuan at parang nanlumo ako nang may makita akong bato doon na kasing laki nang bottle cap nang softdrinks..
" n-neo... "
mahina at nanginginig kong tawag sa pangalan nya..
dahan dahan ko namang kinuha yung bato at saka ko inilagay sa dibdib ko yon at nagsimula nanamang tumulo yung luha ko..
" a-akala ko ba , sa third b-beep pa? "
mahinang sabi ko at napapikit nalang ako at hinayaang tumulo yung luha sa mata ko..
niyakap ko lang yung bato nang mga ilang minuto pa habang inaalala yung masasayang araw na kasama ko sya..
" GOODMORNING MASTER CALEIGH! "
napadilat ako bigla nang marining ko yung boses ni neo..
unti unti akong lumingon sakanya at nakita ko sya sa may pintuan na nakangiting nakatingin sakin..
" kain na , ready na yung breakfast! "
dagdag pa nyang sabi sakin habang nakangiti parin..
napahinga naman ako nang malalim at dali daling pumunta sakanya at niyakap sya nang mahigpit..
" o-oh.. "
" natulog lang naman ako saglit , pero parang miss na miss mo naman ako. "
maloko nyang sabi sakin pasimple ko namang pinunasan yung luha ko at mahina syang pinalo sa may dibdib nya..
napatawa naman sya nang mahina tapos ay naramdaman kong niyakap na din nya ako pabalik..
" a-alam mo b-bang s-sobra mo kong pinag alala neopanget? "
seryoso at pigil na iyak kong pagkasabi sakanya tapos ay kumalas ako nang yakap sakanya at saka tinignan ko sya nanv diretso sa mata habang sya ay nahihilaw yung ngiti habang nakatingin sakin..
" bigla bigla ka nalang lumamig tapos nanigas ka pa. "
sabi ko pa habang pinipigil ko parin yung luhang nagbabadyang tumulo sa mata ko..
" nung una , naisip ko pang dalhin ka sa ospital pero naalala ko , puro bato nga pala yung nandyan sa loob nang katawan mo. "
" hindi ko tuloy alam yung gagawin ko.. "
" sobra akong nataranta kahapon.. "
" tapos nakatulog ako kagabi anong oras na. "
" sobra sobra mo kong pinagalalang neopanget ka. "
mahabang litanya ko sakanya habang sya ay nakuha pang ngumiti habang nakatingin sakin..
ilang saglit pa ay lumapit sya sakin nang konti at saka nya dahan dahang idinampi yung daliri nya sa pisngi ko at pinunasan yung luhang hindi ko nagawang pigilan..
" sorry po master ko.. "
" hindi na po mauulit "
malambing nyang sabi sakin tapos ay tiniklop pa nya nang konti yung tuhod nya para magkapantay yung mukha naming dalawa..
tinitigan ko lang sya nang diretso habang sya ay pinipisil nang mahina yung pisngi ko at tumatawa pa..
tumayo sya nang maayos at saka ako inakbayan tapos ay naglakad kaming dalawa nang sabay papunta sa lamesa..
hinila muna nya yung uupuan ko at saka ako pinaupo tapos ay sya narin nag usog non papalapit sa lamesa..
umupo naman sya sa harapan ko habang ako ay nakatitig parin sakanya..
" alam mo , buti nalang talaga hindi ko nakita yang titig mong ganyan sakin kahapon e. "
sabi nya pa sakin habang nakatingin doon sa sinangag na sinasalin nya sa plato ko..
hindi nalang ako nagsalita at nanatili paring nakatingin sakanya...
tumingin naman sya sakin tapos ay napangiti sya bigla habang tinitignan nya ako..
hindi naman ako nakangiti sakanya pero tignan nyo sya..
kung makangiti sa harapan ko kala mo walang nangyaring masama kahapon.
" aww.. "
" wala na talaga.. "
" tunaw na tunaw na yung katawang lupa ko sa mga titig mo caleigh skye. "
sabi pa nya habang malokong nakangiti sakin..
napairap nalang ako sakanya at inumpisahan ko nang kumain..
" anong oras ka nagising? "
seryoso kong tanong sakanya pero hindi ko sya tinitignan..
" kakagising ko lang din nung gumising ka.. "
" sorry , hindi na kita nalagay sa kama.. "
" nanghihina pa kasi ako hanggang ngayon e. "
sagot naman nya sakin..
napaangat naman ako nang tingin sakanya at saka ko naibaba yung kutsara at tinidor na hawak ko..
" a-anong nararamdaman mo? "
" dapat kasi ginising mo nalang ako para ako nalang yung naghanda nang pagkain e. "
nag aalala kong sabi sakanya..
inangat naman nya yung tingin nya sakin at unti unti nanamang sumilay yung ngiti sa mga labi nya tapos ay ipinatong pa nya yung siko nya sa lamesa at saka nya ipinatong yung mukha nya sa kamay nya habang nakatingin sakin..
napasandal nalang ako sa upuan at kinunutan sya nang noo..
" grabe ka naman mag alala sakin
master caleigh. "
parang bakla pa nyang pagkakasabi sakin..
napaiwas naman ako agad nang tingin sakanya at napainom nang kape..
" k-kapal mo. "
" h-hindi ako nag aalala sayo no. "
pagtataray ko pa at hindi ko na ibinalik pa yung tingin ko sakanya..
pero dahil nagmana ako kay chloe at celestine na may angking karupukan...
ay ibinalik ko yung tingin ko sakanya habang sya ay umiinom na nang kape..
" n-nga pala.. "
" b-bakit ka nagkaganon kahapon? "
nauutal kong tanong sakanya..
inangat naman nya agad yung tingin nya sakin tapos ay ngumiti nang tipid..
" parusa yon. "
maiksi nyang sagot sakin..
napakunot naman yung noo ko at lumapit pa nang konti sa may lamesa para pakinggan sya..
" bakit ka naman paparusahan? "
nagtataka ko pang tanong sakanya..
bumuntong hininga muna sya bago sya mag salita at saka nya iniwas yung tingin nya sakin..
" i***********l sa comet na tulad ko ang manakit nang tao.. "
" ginawa kami para tumupad nang ilang mga kahilingan para pasayahin kayo at hindi saktan... "
" ang p*******t nang comet na ginamitan nang sobrang lakas na kapangyarihan sa isang tao ay i***********l sa planeta namin kung sakali mang magkaron nang problema sa pagtawid sa kabilang planeta at bumagsak kami dito sa planeta nyo.. "
" kaya lang , hindi ko kasi napigilan yung sarili ko kahapon nung nakita kitang nakaupo sa sahig at pinagsisipa ka nung lalaking 'yon. "
sagot naman nya sakin..
napalunok naman ako dahil narealize kong kasalanan ko pala kung bakit sya nagkaganon..
napayuko nalang ako at saka tintigan yung palad ko..
" s-sorry neo.. "
mahina kong sambit sakanya habang nakayuko parin ako..
narinig ko naman syang mahinang natawa pero hindi parin ako nag angat nang tingin sakanya..
" hindi mo kasalanan na nag alala ako sayo nang sobra caleigh. "
" mas gugustuhin ko nalang na maparusahan ako kesa hindi kita maipaghiganti sa lalaking yon.. "
sabi pa nya sakin at napaangat ako nang ulo habang nakita ko nanaman syang nakangiti sakin..
alam kong hindi ka tao na katulad ko..
pero unti unti na kong nahuhulog sayo neo.