Chapter 13 : CLEAR WALL

1034 Words
Caleigh's p.o.v napalunok nalang ako habang tinititigan syang nakatingin sa gilid nang leeg ko.. unti unti naman nyang iniangat yung paningin nya sakin at... mahina nya kong binatukan sa may batok ko.. " marunong ka bang maligo , ha? " " may sabon pa yung likod mo caleigh skye. " nakakunot na noong sabi nya sakin.. napahinga naman ako nang malalim dahil ano.. akala ko kasi , kung anong gagawin nya e.. natakot ako nang konti.. " A-Ang sakit non ha.. b-babatukan kitang c-comet ka! " kunwaring irita kong sabi sakanya at tinitigan sya sa mata na kunwari ay naiirita ako. " pasok sa loob. " " ako na magbabanlaw nyan. " seryoso nyang sambit sakin... nanlaki naman yung mata ko nang binuhat na nya ako gamit lang yung kanang kamay nya at ipinasok ako sa loob nang c.r. p-para akong three years old na baby sa pagkakabuhat nya.. s-shocks. " H-HOY ! ib-ibaba mo nga ak-ako! " taranta kong sabi sakanya pero nginisian lang nya ako at nagpatuloy sa paglalakad. dahil sa sobrang pagka shock ay hindi ako nakareact agad.. mag rereact na sana ako nang dahan dahan nyang  idinampi yung kamay nya sa likod ko na may konting tubig at saka inalis yung sabon doon.. tatlong beses nya rin 'yong ginawa habang nakakapit parin sya sa bewang ko.. naramdaman ko naman na lumuwag na yung pagkakakapit nya sa bewang ko hanggang sa bitawan nya na yon.. " labas ka na , tapos na. " kaswal nyang sabi sakin.. napatingin naman ako sakanya at parang napipi ako bigla.. " ano , gusto mo kong panoorin maligo? " tanong nya pa sakin.. napailing iling naman ako at dali daling lumabas nang c.r. at tumungo sa kwarto ko.. nang maisara ko yung pintuan nang kwarto ay napasandal nalang muna ako saglit doon at tumulala.. a-anong nangyari d-doon? b-bakit g-ganon.. * dug dug dug dug * * dug dug dug dug * * dug dug dug dug * saglit akong napapikit at huminga nang malalim.. dahan dahan ko namang hinimas yung dibdib ko para pakalmahin yung sarili ko.. kaya siguro ako kinakabahan nang ganito , kasi nasobrahan ako sa pagkakape.. idinilat ko naman yung mata ko at napatango tango.. " t-tama.. " " kaka-kape ko to. " " dapat siguro bawasan ko na yung pagkakape mula ngayon. " mahinang sambit ko pa sa sarili ko habang nakatingin lang nang diretso.. ni lock ko muna yung pintuan at tumungo sa aparador ko at kinuha yung puting dress na above the knee na sleeveless tapos ay may print na maliit na color yellow na bulaklak.. nagpunas muna ako nang katawan tapos ay sinuot ko agad yung dress.. kinuha ko yung necklace na nakapatong sa may lamesa ko na may salamin at saka sinuot yon.. tinignan ko naman yung repleksyon ko sa salamin at nakita yung bagsak na mahaba kong buhok na medyo magulo.. hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at tinali ko yon nang buo at maayos.. tumayo pa ko at tinignan yung buong repleksyon ko sa salamin.. nag apply ako nang lipbalm na kumukulay nang konti lang sa labi tapos ay lumabas na ko.. pagbukas ko nang pinto ay napatigil nanaman ako nang makita ko si neo na nakatayo sa harapan nang pinto ko habang may suot syang kulay puting polo na maluwag at shorts na khaki yung kulay.. " ano , tara na? " nakangiti pa nyang tanong sakin tapos ay pumamulsa pa sya habang ako ay tinitignan yung kabuuan nya.. " p-paano ka nakakuha nang ganyang damit? " nagtatakang tanong ko pa sakanya.. agad naman syang napatingin sa damit nya at ibinalik ulit yung tingin sakin.. " magic. " maiksi nyang sagot sakin tapos ay ngumiti sya nang matamis habang tinitignan ako.. " ang ganda mo pala kapag nakaayos ka e. " pagbati pa nya sa itsura ko.. para naman akong nahiya bigla at saka tumalikod sakanya para isara yung pintuan nang kwarto ko.. dahan dahan akong humarap sakanya at pinilit kong maging kaswal lang habang kaharap ko sya.. tinaas ko yung isa kong kilay habang tinitignan pa sya.. " so ibig sabihin , hindi ako maganda kapag hindi ako nakaayos? " mataray kong tanong sakanya.. napangiti naman sya nang tipid habang nakatitig sa mata ko.. " ang ibig kong sabihin... " paninimula pa nya , tapos ay kinuha nya yung kamay ko at isinabit nya yon sa braso nya.. " mas gumaganda ka kapag nakaayos ka " dagdag pa nyang sabi sakin at mahina nyang kinurot yung pisngi ko tapos ay nagsimula na kaming maglakad dalawa habang nakasabi yung kamay ko sa braso nya.. sinara nya muna yung pinto tapos ay nagpatuloy na kami sa paglalakad.. hindi naman masyado mainit dahil biglang parang kumapal yung ulap at tinakpan yung araw... habang naglalakad nang diretso ay napatingin ako sakanya na nakatingin lang din nang diretso sa dadaanan namin.. " san naman tayo pupunta? " " puro d**o at puno lang naman yung makikita mo dito. " sabi ko sakanya.. ibinaling naman nya yung tingin nya sakin saglit tapos ngumiti sya at ibinalik ulit yung tingin nya sa daanan.. " ang tagal mo nang nakatira dito , pero hindi mo pala alam na sa likod nang mga puno na yan... " " may magandang lugar na ikaw lang ang makakakita bukod sakin. " sabi pa nya sakin.. napatingin naman ako sa nakahilerang puno na parang may tinatakpan sa hindi kalayuan.. h-hindi pa ko nakakapunta dyan e..  nakakatakot kasi , tsaka bata pa ako non kaya palagi lang akong sumusunod sa utos nang parents ko... hindi na ako muling nagsalita pa at naglakad nalang din ako nang tahimik habang nasa tabi ko sya.. matapos ang limang minutong paglalakad ay nakarating na kami sa matatangkad na mga puno at huminto sya saglit tapos ay tinignan nya ako at nginitian.. ibinalik naman nya yung tingin nya nang diretso at tiningala pa yung mga puno at saka dahan dahan nyang hinawakan yung isang puno.. napapikit naman ako nang biglang lumiwanag nang sobrang liwanag ng mahawakan nya yung puno.. dahan dahan ko namang idinilat yung mata ko at namangha sa nakita ko.. " w-what the.. " manghang pagkasabi ko pa nang makita ko na parang may clear na wall doon na unti unting nabubuksan habang may mga paru parong kulay puti pang nagliliparan na parang sila yung materials doon sa wall na ginamit doon.. nang wala na akong makitang paru paro ay napatingin ako sakanya at napatingin din sya sakin.. " ano yon? " nakakunot na noong tanong ko sakanya.. nginitian naman nya ako at saka nya kinurot nanaman nang mahina yung pisngi ko.. " malalaman mo rin kapag nakapasok na tayo sa loob. " nakangiting sagot nya sakin tapos ay iginaya na nya ako papasok sa loob... comet ba talaga to , o engkanto?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD