AGAINST THE WILL (Hindi Sweetheart Series 1) written by JellyPm Kabanata 1 "APPROVED na ng director natin ang two weeks leave ko dahil uuwi ako sa hometown ko sa La Union, sigurado ba kayo na na-inform na ang mga patients ko?" bungad ni Dr. Honey sa mga nurse na nasa information desk. Tumango ang mga ito bilang pagsang-ayon sa kaniya. Ngumiti siya at nagpasalamat. Tumalikod na siya at tuloy-tuloy ng lumabas ng hospital. Habang naglalakad siya hindi niya mapigilang hindi tumaas ang kilay, she knows that someone is tailing her at kung sino man ang nasa likod niya ngayon, sinisiguro niyang she mess with a wrong woman because her training in karate was not something they could joke about, she trained karate in Japan, kayang-kaya niya patumbahin ito kahit gaano pa ito kalaki. Taas noo

