"Uhhm!" Nag-unat ako ng katawan at bahagyang tinapik ang aking pisngi. Nararamdaman ko ang antok, ngunit kailangan kong pigilan. Gusto kong malibang ang aking sarili sa ganda ng tanawin kaya ako pumunta rito. Subalit waring hindi umaayon ang aking sarili dahil agad akong nakadama ng antok sa ganda ng paligid at sariwang hangin na ibang-iba sa siyudad. Ngayon ko lamang naranasan at naramdaman ang ganito na para bang relax na relax ang aking pakiramdam. Tumayo ako at nagdesisyon maglakad-lakad. Malamig ang simoy ng hangin dahil sa dami ng puno sa paligid. At kahit magtatanghali na ay hindi pa rin gaanong maramdaman ang mainit na sikat ng araw. Pakiramdam ko'y isa akong ibon na nakalaya mula sa isang hawla at malayang lumilipad sa magandang paraisong tanging ako lamang ang nakakaalam. Tuma

